high school life

7 0 0
                                    

authors note:may mga maseselan pong eksena sa part na ito baka po hindi kayo makarelate at makayana 'wag niyo na pong ituloy 'yung pagbasa.  Sabi ko nga eye opener lang po ito at sariling experience na gusto kong ishare sa inyo, kaya walang labis walang kulang.

Sa manila na ako nag first year, sa taguig nga kami nakatira pero sa makati ako nag aral,(libre kasi ang gamit...joke) sa Fort Bonifacio Highschool ako nag first year section 4 pa ako nun naalala ko. Sa Manila na kami tumira kasi mas malapit sa hospital.   Huminto ng elementary yung kapatid qoh para mag give way sa'kin, wala kasing makasama si mama sa bahay kaya kaylangan isa sa'min humintong mag aral, may work kasi that time 'yung lola qoh na mama ni mama walang magbabantay kay mama lalo't gano'n nga ang condition niya.  

Di pa ayus 'yung bahay namin nun, sa sala kami natutulog nina mama, si mama, si joy , si papa at ako yung position namin sa pagtulog.  Dun ngsimula 'yung hindi magandang happening sa buhay qoh.  One night nu'n natutulog kami naramdaman qoh na lang may humahawak sa upper private part ng katawan qoh.  Hindi qoh 'yun pinansin kasi akala qoh nakaakap lang sa'kin si papa.  Not even a spec on my mind na mali na pala 'yun.  Kinabukasan, parang walang nangyari, normal na umaga lang Sabado ata 'yun wala kaming pasok, si papa pumasok sa work niya.  Pagkaalis ni papa nilapitan ako ni mama,

"na na na na na nay...na na na nay"(translation:" hiniwakan ka sa ganiti ng papa mo anoh?") tanong ni mama sa'kin, sinisenyas niya kaya naiintindihan ko.

"wala ,ewan qoh... iishhhh!!!", pabalang kong sagot sa kanya kasi naasiwa akong pag-usapan pero alam ko na may mali talaga.

ayun every time na nasa loob ako ng bahay tapos papasok si papa pumapasok si mama agad, binabantayan niya ako.  Kahit ganu'n lang 'yung ginagawa ni mama naappreciate ko 'yun kasi pinoprotektahan niya ako kay papa.  Minsan pagnakita niya si papang pumasok sesenyasan niya akong lumabas para hindi kami maiwang dadalawa lang.  Ewan ko kung anung pumasok sa utak ng tatay ko bakit niya ko hinihipuan.  Hindi ako nagsasalita o nagrereklamo kasi mula't sapul nagkamulat ako pinapalo kami ni papa, takot na takot ako sa kanya.  

Nagparenovate kami ng bahay parang 2-door apartment style siya kasi balak ni papa gawing 2-storey 'yun tapos paupahan.  Yung isang bahay lang ang inoccupy namin. ma double deck kaming kama dati sa taas ako nahihiga pero nung hindi pa naaauz 'yung mga gamit namin sa folding bed lang ako natutulog.  Akala ko nu'n hanggang hipo lang gagawin ni papa sa'kin hanggang isang gabi sa sala ako natutulog, sila sa kwarto,

may humihipo nanaman sa'kin....... akala ko nanaginip lang ako kaso parang totoo, naalimpungatan ako nakita ko si papa sa gilid ng folding bed ko.

"'wag kang maingay," bulong ni papa, takot na takot ako talaga kay papa kaya lahat ng sinasabi niya sinusunod ko.  Tahimik lang ako hinahawakan niya na lahat ng private part ko.  Humihikbi na nga ako pero puro "wag kang maingay" 'yung sinasabi ni papa. 'Nung magsawa siya sa kakahawak pinahawak niya rin 'yung kanya.  Ayokong hawakan 'yun nandidiri ako nasusuka ako sa mga pinaggagagawa niya sa'kin.  Ang daming kong tangon sa isip ko bakit ganu'n pero nakatahimik lang ako.  Siguro nakaraos na siya tumayo din tapos pumunta sa cr.  Nagtalukbong lang ako ng kumot pag alis niya tapos iyak lang ako ng iyak. Hanggang sa paghawak sa private parts ko at pagpapahwak ng kanya llang ang ginagawa niya. Hindi lang 1 beses na pauli't ulit niyang ginawa 'yun hindi ako nagsumbong sa sobrang takot ko sa kanya.  Isang pang kinatatakot konun may baril si papa at minsan niya ng ipinutok 'yun ng walng dahilan baka kung anung gawin niya sa'min nina mama.  Meron kasing minsan ,masama pakiramdam ko hindi pa ako nakahugas ng plato nakahiga lang ako sa folding bed ko tapos naktulog ako, nag iinum sina papa sa labas ng bahay, sina mama nanunuod, nagulat ako biglang may humampas sa paa ko, si papa galit na galit,

"bakit tambak 'yung mga plato dun sa lababo?  Hindi nanaman kayo naghugas, ang sarap sarap ng tulog mo dyan tambak hugasin mo?!" sigaw ni papa habang pinapalo ako.

"masakit po kasi ulo ko", sagot ko, pero imbes na tingnan kung talagang may lagnat ako hinawakan niya ulo ko tpos inuntog sa semento, nawindang 'yung ulo ko nun parang naalog 'yung utak ko.

"sasagot ka pa talaga ha", kinuha niya 'yung baril niya tapos kinasa niya sa'kin, nakita ni mama inaawat siya pero tinutok pa rin niya sa'kin, umiiyak na si mama.

"mabuti pa ata mamatay ka na lang wala ka namang silbi dito", sabi ni papa,

iyak lang ako ng iyak akala ko papatayin na ako ni papa nun.  Lumabas siya tapos nagpaputok ng 1 beses lalo akong natakot sa kanya.  Lasing na lasing siya para siyang demonyo, tapos nahiga siya sa duyan sa labas nakatapis lang ng tuwalya,

"joy bili mo nga ako ng shampoo", utos niya sa kapatid ko.

BUmili naman agad si joy pero pagbalik niya nakatulog na si papa sa duyan, nakabukaka pa kitang kita 'yung ari niya,

"nasan yung baril ni papa?" ,tanung ko kay joyce natatakot kasi akong lumapit kay papa.

"nasa labas ate", sagot ni joy

dahan- dahan akong lumabas tapos kinuha ko 'yung baril niya, tinago ko sa ilalim ng unan ko, para in case na may gawin siya di niya alam kung nasan 'yung baril niya.  Nakatingin lang si mama sa'kin.  NAtatakot din ata siya kay papa, non lang naman kasi nagpaputok si papa.  

"matulog na kayo ma," sabi ko kina mama, tapos maya-maya narinig namin nagsusuka si papa, kaya imbes na matulog inutusan ko si joy na kumuha ng tubig, nilinis ko yung suka ni papa, natulog naman kasi ulit siya sa duyan, nung tapos na akong maglinis naghugas ako ng plato bago natulog.

Kinabukasan parang walang nangyari, 

"dhel, yung baril ko nasa'n?", nagising ako, ibinigay ko yung baril niya na nasa ilalim ng unan ko tapos umalis na siya narinig ko 'yung sasakyan namin lumabas, saka lang ako bumangon.

Ganu'n si papa ewan kung may topak o talagang mainit lang ang dugo niya.  Lagi niya kong pinapagalitan kahit maliliit na bagay lang nung una hindi ko naman pinapansin dahil sobrang istrikto talaga niya tapos mahilig ngang mamalo pero mula nung tinutukan niya  ako nu'ng gabing yun bigla kong naisip bakit ginagawa niya sa'kin 'yun parang hindi niya ako anak, plus the fact na may sexual molestation na nagyayari.  Minsan gusto ko na ngang tanungin kay mama kung talaga bang anak nila ako, bakit gano'n si papa sa'kin.

i am myselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon