Part 1-Annyeong!

18 0 0
                                    

"I got a Boy meotjin!

I got a Boy chakhan!

I got a Boy awesome boy waenjeon bannanabwa!

I got a Boy meotjin!"

                               Annyeong!!!!^____^v I am Cheska Mae Berbana. But you can call me Cheska. I am a certified Girls' Generation Lover and a proud SONE(name ng fans club ng Girls' Generation). Naging fan nila ako when I was in my 2nd year in Highschool and now,isa na akong Fourth year student sa isang private school dito sa Laguna(di ko imemention yung name ng school ko. Baka matunton niyo pa ako eh.xD). Nung napakinggan ko ang kanta ng SNSD(another name ng Girls' Generation. Ang meaning ng SNSD ay So Nyeo Shi Dae.)na-hook talaga ako. Pero nung nilabas nila ang kantang "I got a Boy",napaisip ako bigla. Bakit wala pa rin akong boyfriend? Parang napag-iiwanan ako aah. Pero,part of my brain said,"it's okay lang kasi I can focus on my studies and no distractions.' Pero ang sabi naman ng puso ko,"paano kapag tumanda ka ng dalaga? Sinong mag-aalaga sayo?".

                              Ayun,sinunod ko ang puso ko at nagsearch kami ng mga boys na papasa bilang boyfriend ko. Bali tinulungan ako ng bestfriends kong loka-loka to the highest level,ang names nila ay si Jane Adriatico at si Jean Santos(don't worry,di sila long lost twins,talagang magkatunog yung mga names nila.=D). Tinulungan nila ako na maghanap ng lalaking magmamahal sakin ng totoo. Kulang na nga lang magpaprint sila ng flyers na may naka-sulat na"Wanted: boyfriend para kay Cheska". Pero kung sino-sino yung nakikita nila kaya ang puso ko na lang ang naghanap ng lalaking mamahalin ko at mamahalin ako.

                           AT hindi naman ako binigo ng puso ko. Siya si Jake Valdez. Matangkad,taga-ibang section,singkit at platoon leader ng CAT namin. Nagkakilala kami kasi nagkaroon ng election para sa SSG(Supreme Student Goveernment) namin. So,ako,napili ako ng partido ni jake na maging ka-tandem niya -- siya,tatakbong President at ako,tatakbong Vice President niya. Nung una,tuwang tuwa ako,kasi makakasama ko si Jake. Pero nung tumagal,parang gusto ko nang mag-quit. Alam niyo kung bakit? Ubod pala ng katamaran si Jake. At kaya niya lang ako kinuha ay para ako ang maglelead ng partido namin at hindi siya. Pero kahit anong gawin ko ay inlababo pa rin ako sa kanya. Kaya ang naisip ko na gagawin namin sa miting de avance ay sasayaw kaming dalawa. At ang kanta ay "Chinito". Ffavorite ko kasi yung kantang yun eeh.

"At kung ikaw ay nakatawa,

Ako kaya ay nakikita.

Dahil nabihag mo ang aking paningin

At damdamin,

Oh Chinito. Chinito."

                   At dahil dun naalala ako ng mga estudyante at binoto nila ako na maging Vice President ng SSG namin. Pero siya,natalo. Pero  ok lang sakin yun. Kasi nakasayaw ko siya. Haha! pero ang sayang nadarama ko ay panandalian lang. Kasi si Jane eh. Dapat di mo na sinabi sakin yun eeh!(Jane: lokaret ka! Kung di ko siguro sinabi sayo yun,malamang nga kain bubog ka kay Jake!!!) Hmpf! Ito kasi yung sinabi ni Jane sakin:

Jane:Cheska,alam mo,dapat pigilan mo yung feelings mo para kay Jake.

Ako:Bakit naman? Wala namang mali sa kanya aah.

Jane:Meron Ches,may girlfriend na siya.

Ako:(feeling sinampal ng kaliwa't kanan at kasama sa nanampal ang mga paa) Ha? Di nga? Sino gf niya?

Jane:si Janice.

Ako:**speechless**

                Pag-uwi ko sa bahay,natulala ako. Bakit si Janice pa?? Eh mortal enemy ko yun sa top. Bakit si Janice pa,Jake?(BTW,fave pasttime ko ang pagtulala.^__^)

Tapos,all of a sudden,bigla akong may narinig na payo galing sa kaliwa tenga. Ang sabi"iparamdam mo kay Janice ang wrath mo para makaganti ka sa sakit na dulot ng pagsagot niya kay Jake. Hahahaha!" And then,di naman nagpahuli ang nasa kanan kong tenga. Ang sabi:" bakit ka ba sobrang nasasaktan jan ha, Cheska? Eh never naman na naging kayo ni Jake. At alalahanin mo,kaibigan lang angturing sayo ni Jake,nothing else. So.stand up,girl,ipakita mo na nagmove-on ka na. Ipakita mo na no one ever beat you. Ok?" At ako,di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman,matatakot ba ako o matutuwa o maiiyak? Pero ang ginawa ko,tinulog ko nalang. And voila! Naka-move on na ako. 

I Got A BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon