Cheska's POV
Ayoko nang mainlove. Please. Tulungan niyo ko. Haaay.
So,ang ginawa ko,natulog muna ako. Tas paggising ko,nag-FB ako. Nagcheck lang ako ng notifications. Tapos,may naisip ako. Pinuntahan ko yung FB ni Ethan. Haha. Nangsacyberstalk ba?xD so,surf-surf('di yung sabon aah)ng profile niya,ayun nakita ko yung hinahanap ko. Kaso,na-disappoint ako. =( May gf na pala siya. "In a relationship" kasi yung status niya eh. Ano ba yan,nanghina na naman ako. Gusto kong umiyak. Kaya ang ginaawa ko,ilolog-out ko na yung FB ko,kaso biglang may nagpop-up na message:
Avin Lee:
Hello.
Me:
Hi?
Avin Lee:
How are you?
Me:
I'm fine. Who are you?
Avin Lee:
***offline***
No. No way. Mali yung iniisip ko. Hindi siya yun. Hindi talaga siya yun kasi,una,wala naman yung FB. Pangalawa,may asawa na yun noh. At pangatlo,ayoko sa mga taong di ako kayang ipaglaban. Pero,bakit Ivan? Bakit bumabalik ka ulit sa puso ko. Hindi na kita mahal. Erase erase erase. Tulog na Cheska.
Kriiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnggggggggg!!!!!!!!!!! Tunog ng aking alarm clock. Hudyat na ako ay gumising na dahil umaga na. At ako naman,ay nagmadali na,dahil baka dumating na ang sundo kong sinisinta. Oooooohhhhhhhh,Hayuuuuuuuuuuppp. Reyna na ng Tugma. Hahahahaha!xD As usual,dumating si Ethan,pumasok kami,nagklase kami,natapos ang klase,nagbigay ng mahirap na takdang aralin at kinabukasan papasok muli. Damn,napapagod ako aah. Pero bago kami umuwi may sinabi sakin si Ethan:
Siya:
Oyoyoy.
Ako:
Bakit?
Siya:
Kain tayo.
Ako:
Libre mo?
Siya:
(kamot-ulo) sige na. Libre na kita.
Ako:
Yeheeeeyyyy!
Siya:
Tsaka may pakikilala ako sayo ha. Be nice.
Ako:
Sino?
Siya:
Malalaman mo rin.
Pagdating namin sa karinderya(wala eh,mahirap talaga pag estudyante eh.xD),order agad. Tas, Kain. Kain. Kain. Kala mo parang 'di kami kumain ng 'sang linggo eh. Ganun talaga pag college. Tas pagtapos kumain,
Ethan:
Malapit na siya?
Ako:
Sino? Bakit?
Ethan:
Dami tanong. Basta. Ayy,ayan na siya.
Ako:
Sino ba kasi. . . .
Owwww. Sino siya? Girlfriend niya? Hindi. Think positive. 'Di yan. Tiwala lang Cheska. Pero parang hindi eeh. Tama ata yung gut feeling ko. Nebeyen-_-
Ethan's P.O.V
Malapit na siyang dumating. Makikilala na rin siya ni Cheska. Ano kayang mangyayari?
**Imagination no.1
Ako:
Uhm,Sienna,si Cheska nga pala. Bes. . .
Sienna:
Pinagpalit mo na ako? Kaya mo pala ako pinapunta dito. Sige aalis a ako.
Ako:
Teka,Sienna!
*****End of Imagination no.1*****
Haaaaaaayyyyyyy. Bura bura bura.(teka,parang alam ko yung linyang yun aahh. Alam niyo yung palabas na 'Art Angel'? Haaay okay. Share lang.xD) Sana naman 'wag ganun. Alam ko naman na hindi siya ganun eeh. Haaay. Ayoko na ngang mag-imagine.
Cheska's P.O.V
Ayan na. May dumadating na. Siya na kaya eto?
Ako:
Uyy,Than,asan na?
Ethan:
Wait ka lang. Mainiping bata ka naman eeh.
Ako:
Kdot.
Di naman talaga ako mainipi. Supeeer lang. Ayoko ng sobrang pinaghihintay eeh. Tas biglang nagsalita si Ethan:
Ethan:
Nagtext na. Di daw siya makakarating. Hinahanap na daw sa bahay nila eeh.
Ako:
Nyee. Tara na nga at umuwi na. -_-
Nakakainis naman. Di dumating yung sinasabi ni Ethan. At ang mas nakakainis pa dun eh naghintay ako ng bongga. Tssssssssss. At sa wakas nakauwi na rin. Macheck nga yung FB ko.
**one message**
Sinu kaya itu?
Avin Lee:
Sorry for logging out the last time. Pogoshipo.
Siya na naman?! Seriously?! Sino ba 'tong hinayupak na Avin Lee? Nakakainis lang ha. Nakakasira ng brain cells ko. *beeeeep* Ay hayop naman oh. Muntik na akong magulat dun ahh. May isang message. Kaninu kaya itu?
*unknown*
Wait for me. I shall return.
Halaaaaaa. Nakakatakot yung message. Hindi kaya si Gen. Douglas McArthur yung nagtext niyan. Pero parang imposible yun. Teka teka teka. Paano niya nalaman number ko? Siguro nantitriip lang yan na pag sinagot mo magrereply ng'please. This is my last eply to you. Can you load me 300?' Yikes. Wag na ngang pansinin. Tulog na akooooooo. ZzzzzzzzZZZZZZzzzzzzz.