Entry 1: The Heck!
"Ate! Gumising ka na! Di ba pupunta tayo sa mall para bumili ng gamit dahil may pasok na nga bukas!" sigaw sakin ni Zhay with yuyog effect. Yah, tama kayo may pasok ba bukas. Well, last minute talaga kami kung kumilos. Walang basagan ng trip brad!
Dinilat ko ang mata ko at tinitigan si Zhay. Umiwas naman siya ng tingin.
"Can you please stop shouting? Lakas makapanira ng umaga yung bunganga mo!" this time ako naman ang sumigaw, balikan lang para patas, dibadibs?
"Fine! Ikaw kasi laging late gumising" sisigawan ko pa sana siya kaso bigla ng lumabas, sarap ingudngod sa munggo yung mukha nun. Okay, ambad ko.
Bumangon na ako at naghilamos. Yah, nakakatamad talaga. Bukas may pasok nanaman, simula nanaman sa dating gawing gigising ng umaga. Nakakashet lang no?
"Good Morning Yaya" malamya kong bati kay yaya, wala si mama at papa kasi inasikaso nanaman nila ang business nila.
"Hija, di na morning" sabi ni yaya sakin. Lakas din makapang-asar neto no? Pero ipinanganak akong maganda, nginitian ko na lang siya.
"Ate, bilisan mo nang kumain ha? maliligo lang ako" sabi ni Zhay
"Pinipigilan ba kitang maligo?" mataray kong sabi sakanya
"Che!" aba! malditang bata ito ha?
"Anong sabi mo?" with nanlilisik matang sabi ko sakanya
"I said, ang ganda mo talaga. Walang kupas!" sabi niya sakin sabay pogi sign, che! maganda pero pogi sign? Shonga lang dre
Tinuloy ko na ang pagkain ko ng breakfast. Oh bakit aangal kayo? Breakfast gusto ko eh, di pa ko nakakakain ng breakfast kaya walang basagan. Maliwanag?
Pagkatapos kong kumain namili muna ako ng damit sa closet ko. Simpleng sleeveless lang suot ko at skater skirt na kulay blue atsaka naligo na ako.
"Ate! Kamusta? Tapos ka na?" ayan nanaman yung bibig niyang wangwang, putcha! Sarap pakainin ng sili na may hot sauce na may suka eh.
"Putcha ka Zhay! Kahit kelan ang daldal mo no? Sa tingin mo dito na ako titira kung tapos na ako?" di na ako nakapagpigil, nakakashet lang talaga. Pagpasensyahan mo na.
Binilisan ko nalang maligo para matahimik si Madaldal na Maldita. Pagkatapos kong maligo shempre nagbihis. Gusto mo naka bra lang at panty ako? Asaness.
Sakto pagbukas ko ng pinto nakatayo na pala dun si madaldal na maldita.
"Ate, tap--------" di ko siya pinatuloy kasi sinubuan ko siya ng sili. Joke, bad yun. Tinakip ko lang naman ang kamay ko sa bibig niya. Binuhat ko siya pababa nang nakatakip parin sa bibig yung kamay ko. Mahirap na baka dumaldal nanaman yan.
Okay, tama na muna ang daldal. Magpapakilala muna ako sa inyo. I'm Hana Villa, anak ng may-ari ng sikat na shoe company. May isa akong batang kapatid, actually di bata eh damulag. Ang daldal sobra.
"Tara na, naghihintay na si Manong driver!" hinila niya ako sa sasakyan kaya napasakay naman ako. Putek talaga kahit kelan, laging umeeksena eh!
"San tayo mam Hana?" tanong ni manong
"Sa Mall, manong" sabi ko kay manong. Automatic pag sinabi kong mall, yung pinkamalampit na mall sa mansion. Yeah, mansion talaga.
"Ate, punta tayo sa boutique natin. Pipili lang ako ng close shoes na color black para pamasok ko"
"Excited much? Nakakatamad pa kaya"
"Onti lang" ginaya ma niya yung commercial sa mcdo. Mukha siyang unggoy!