how Broken Family affects teens nowadays

105 1 0
                                    

     Marami sa mga Teenagers, ang mga pangunahing dahilan ng pagrerebelde ay ang kanilang pamilya, Minsan dahil sa lack of communication, wala na silang update sa kaniya-kaniyang activies o  lalong lumalaki ang gap sa pagitan ng magulang at anak.

 pero ang sa tingin ko na nakaka-apekto sa isang teenager ay ang broken family, means emotional issues. Nariyang maguluhan, kanino ba sila sasama kay ina o kay ama? gaano ba ka-grabe ang away o pinagtalunan nila at 'di na kayang solusyonan maliban na lng sa hiwalayan? Lagi nilang tatanungin ang sarili nila at sasabihin na hindi naman ganito ang pamilyang gusto ko, pero bakit nagka-ganito?

Sa ganitong pangyayari swerte na lang sa isang teenager na nanggaling sa isang broken Family ang magrebelde, gagawa sila ng mga bagay na kadalasang kinakatakutan ng mga magulang, mapabarkada sa mga teenager na bad influence, mag-droga, sumali sa isang fraternity--- in short mapariwa.

Para sa'kin dalawa lang ang dahilan ng pag-rerebelde--- una sa magulang,  dahil hindi pinangarap ng isang anak ang makita ang parents niya nag-aaway ,lalo pa kayaang mag-hiwalay? pangalawa , sa sarili; dahil wala kang ginawa para pigilan 'yun. Minsan iisipin mo pa na ikaw ang dahilan pero syempre hindi ko kinokondena ang mga teenager na nag-rerebelde.

piece of advice lang ,kung magrerebelde ka make sure na hindi ikaw yung maapektuhan  'yung bang ikaka-proud mo kung dati kang walang kwentang teenager gawin mong may kwenta. ipakita mo sa kanila most of all sa parents mo na kaya mo. Pero sana 'wag nating kalimutan na may dahilan kung bakit sila nag-hiwalay malay natin na ang inusumpa mong pag-hihiwalay ay good decision pala. 

"mangarap ka at abutin mo ‘to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis, kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili." --- Bob Ong.

HeartlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon