♣Chapter3: My Love for my Mother♣

89 3 0
                                    

Chapter 3 |  My Love for  my Mother

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, gusto ko pa sana matulog kaso hindi naman pwede dahil kailangan ko nang pumasok.

Bumangon na ako at pumasok na sa banyo naalala ko tuloy ang nangyari kahapon sa mall hindi ko alam kung napatay ba ni Rex si Yassi dahil hindi man lang eto nagtext saakin pero alam ko naman hindi niya ako susuwayin.

Tinapos ko nalang ang dapat kong gawin bago bumaba sinout ko na rin ang uniform ko para pagkatapos ko magbreakfast ay aalis agad ako.

Bumaba ako at dumeretso sa kusina kung saan naabutan ko si mommy na naghahanda ng breakfast hindi talaga gusto iasa ni mommy sa katulong ang mga bagay na may kinalaman saamin ni daddy tulad ng pagluluto ng breakfast at pag-aalaga saamin kaya nagagalit ako sa pinaggagawa ni daddy dahil sinasayang niya ang pagsasakripisyo ni mommy para maging maayos silang dalawa—kami.

Nakatalikod si mommy sa gawi ko kaya hindi niya ako makita na paparating, naglakad ako papalapit sakanya at niyakap siya mula sa likuran naramdaman kong naestatwa siya kaya hindi siya nakagalaw agad ng makarecover siya ay agad siyang humarap at yinakap ako ng mahigpit sabay halik sa noo ko.

"Good morning Anak. Musta tulog mo? Hmmm i miss you hindi kita nakita kagabi siguro nagbar ka nanaman no?"

"Hindi po mommy may pinuntahan lang ako kaya hindi agad ako nakauwi, sorry mom nag-alala po ba kayo?"

"Hindi naman, may tiwala naman ako sayo at saka malakas ka. Hinding-hindi ka basta mapapahamak hmmm"

Eto pa ang gusto ko kay mommy masyado siyang maunawa alam niya rin kong ano ako ngayon at dahil sa pagmamahal niya saakin—saamin ay labis ko siyang minahal kaya gusto ko siya protektahan lalo na kay daddy na puro nalang sakit ang pinaparamdam kay mommy.

"Sige na pumunta kana doon sa dining at hihahanda ko na tong huling niluto ko para makakain kana"

"Sige po"

Kumalas na ako sa yakap at pumunta na ng dining and there i saw my beloved father sitting comfortably while reading newspaper. hindi ko nalang siya pinansin at umupo na akala ko hindi na siya magsasalita pero ..

"Did you heard the news?"

"What news?" I ask kahit parang alam kona kung ano ang pinupunto niya.

"Yassi Elizalde the daughter of Chris Elizalde the owner of E.U was died last night because of gunshot."

Napangisi ako ng palihim so nagawa nga ni Rex ang inutos ko? Kailangan ko ata siya bigyan ng pabuya dahil sa ginawa niya napahanga niya ako.

Sakto naman dumating si mommy dala ang friedrice kinuha ko muna eto sakanya  at linagay sa gitna ng mesa bago sinagot si dad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Love Of The AssassinWhere stories live. Discover now