A Sudden Change

20 3 0
                                    

A Sudden Change

by: paletrustglow

   This story was not made by a professional writer, it was just made by a new penman. So, bear with the typographical and grammatical errors. Names, places, characters (dead or alive), and so on, that you may encounter in this story are purely fictitiously, made by the author's wild imagination.

***

   "Best friend?" asik ko.

   "Bakit?" tanong niya naman. Ilang beses na akong nagsasalita dito, ngunit ganyan lang ang parati niyang isinasagot. Sa tagal naming mag-kaibigan, kilalang kilala ko na siya. Siguro, marami na naman siyang iniisip. Hilig niya bang i-stress ang sarili niya?

   Mahal ko ang bestfriend ko, napaka-cliche man pakinggan...pero, oo, mahal ko siya higit pa sa pagiging isang matalik na kaibigan.

   "May problema ka ba? Lalim ng iniisip mo ah?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa nga ako, tanong ng tanong eh. Kung hindi siya sasagot, 'bakit' naman ang sasabihin niya. Hay.

   "Wala," at ang tipid niyang mag-salita ngayon. Maka-uwi na nga lang.

   "Sige, una na ko," wika ko at umalis na. Hindi man lamang niya ako pinigilan. Ano ba kasing iniisip niya?

   Dumiretso naman ako sa aking kwarto ng ako'y maka-uwi na. Inayos ang mga gamit at umidlip ng sandali.

   Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos sa aking buhok. Isa lang naman ang gumagawa no'n. Pero, hindi naman 'yon pupunta dito ngayon, sa palagay ko lang. Agad ko namang iminulat ang aking mata at bumungad sa akin si "Sean?" takang tanong ko.

   "Heart," tawag naman niya sa akin. Kinuskos ko ang mata ko at muli itong iminulat. Hay, nandito nga siya.

   "Anong ginagawa mo dito?" kala ko ay hindi siya sumunod sa akin? O, baka naman sadyang napadaan lang siya? Tutal, mag-kalapit lang naman ang bahay namin.

   "Wala lang," ayan na naman siya. Bakit ba ang tipid niya ngayon? Patuloy pa rin siya sa pag-haplos sa aking buhok. Naka-higa pa din ako, samantalang siya ay nakasandal sa head board ng aking kama, dito sa tabi ko.

   "Alam mo, parang ang tamlay mo ngayon?"

   "Hahaha. Wala lang, nakaka-boring kasi eh," sa mag-hapon na nag daan ay ito na ang pinaka mahaba niyang sinabi sa ngayon.

   "Okay, sabi mo eh. Tara, manuod na lang tayo sa baba," tumayo naman ako at sumunod naman siya sa akin.

   "Anong panunuorin natin?" tanong ko. Naka-upo lamang siya sa sofa at mataimtim akong pinag-mamasdan. Ano bang nangyayari sa kaniya?

   "A Walk To Remember," agad ko naman siyang tinaasan ng kilay. Hindi naman kasi siya mahilig sa romance eh. Sa, tuwing manunuod nga kami ng sine, at may romance ang palabas, ang sasabihin niya ay 'napaka-corny naman daw no'n.

    Anong sumapi sa kaniya? Mukha namang na-basa niya ang nasa isip ko.

   "Basta, 'yan na," wika niya. Kinuha ko naman yung CD at ipinalsak iyon sa DVD Player. Umupo naman ako sa tabi niya, at todo concentrate sa pinanunuod namin ng pelikula, na kaniyang pinili.

   "Heart?" nilingon ko naman siya. Bigla na lang siyang humiga sa aking binti at nag-patuloy sa panunuod. Napakunot naman ang aking noo, dahil doon. Pero, ipinasawalang bahala ko na lamang, sana'y na rin naman ako sa ganito.

A Sudden Change (One Shot Story)Where stories live. Discover now