Nagising ako ng maaga at naabutan ko nagluluto si manang Tesi ng almusal. Si manang Tesi nalang kasi ang kasama ko magmula nong iwan ako ng magaling kong ina at si daddy naman hindi ko na masyadong nakikita dahil busy sa work masyadong nasaktan si daddy nong iwan kami ni mommy kaya para makalimot si daddy lagi nalang siya nag oovertime sa work.
Sabi pa ni mommy di niya kami iiwan pero bakit iniwan niya parin kami? Isa lang sa patunay na walang forever dahil lahat ng tao nangiiwan pag nagsawa na sila.
Hays nalulungkot na naman ako :'(Lumapit ako kay manang Tesi at yumakap ako sa likod niya at binati siya ng magandang umaga. Kay manang Tesi at kay Rhea ko lang pinapakita ang good side ko kasi alam kong di nila ako iiwan.
Manang luto na ba yan? Nagugutom na po ko e
Malapit na to maupo kana sa mesa at ipaghahanda na kita masayang wika ni manang
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ko sa taas upang makaligo at makapag bihis
after one hour natapos na ko sa lahat at ready na kong pumasok.
Pagkapasok ko palang sa school ay nakita ko na si rhea naghihintay sa pathway tinawag ko naman siya at binati niya ko
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang makita ang ibang mga studyanye na kasama nila mga jowa nila.
Naasar na naman ako umagang umaga ganito na agad nakikita ko masyadong PDA ang sakit sa mata grabe pag ako talaga nagkaroon ng sariling paaralan.
Ipagbabawal ko ang PDA sa eskwelahan. Aba asa school sila para mag aral hindi para lumandi!
Sa wakas nakarating kami ni Rhea sa room kakaunti pa lang ang mga tao masyado pa kasing maaga. Nakita ko agad ang katabi ko nakaupo at yung ulo niya nakadapa sa arm chair.
Pag kaupo ko sa upuan ko di ko maiwasang pag masdan ang kanyang mukha ang matangos ang kaniyang ilong, manipis na labi, mahahabang pilik mata ang gwapo niya talaga este ang pangit niya sobrang pangit niya pramis! Bigla naman siyang nagisingAlam kong gwapo ako wag mo na kong masyadong pagmasdan baka malusaw kagwapuhan ko sige ka hindi na ko hahabulin ng mga babae
Ang kapal mo talaga! Hindi kaya kita tinitignan wag kang ASOmming!
Naku wag ka ng magpalusot na huli ka na kaya sa akto. Sabihin mo lang sa akin na gusto mo kong titigan di kita pagbabawalan *wink*
Ang feeling mo talagang empakto ka! Ang hangin mong masyado! Sapakin kaya kita dyan gusto mo?
Di joke lang eto naman umagang umaga ang init ng ulo pinagdiskitahan mo pa ang gwapong si ako
Pinabayaan ko na nga siya ang hangin nakakairita dumadagdag pa sa init ng ulo ko dahil sa nakita ko kanina nakakairita gash!
Asan na ba yung Ma'am makaranas na yun?
Speaking of Ma'am Makaranas andyan na pala siya papasok ng room.After ng lahat ng subjects ko nag yaya si Rhea punta daw kami ng plaza miss niya na daw pagkain ng kwek kwek naku kaya ang taba taba niya kasi kain ng kain. Pumayag naman ako kasi malapit lang naman siya.
Pagkarating namin ng plaza nakakita ako ng mga studyante kasama mga jowa nila. Ano yan dito meeting place nila?
Di na sila mahiya.May nakita akong mga naghoholding hands habang naglalakad. Ano yan kailangan silang maghawakan para di mawala kasama nila? Di naman bata yung girlfriend niya a bat pa nuya hahawakan? Muntanga lang sila grabe.
Yung iba naman nagsusubuan ng pagkain. May kamay naman sila bat kailangan pa nilang magsubuan? Nakakairita lang ang sakit sa mata kala ko wala na kong makikita na ganito pero masyadong malala dito gusto ko na makauwi kasi nagkakasakit na ko sa mga nakikita ko
Rhea dalian na nga nating bumili ng pagkain magkakasakit na ata ako dito e.
Naku Zeya para kang baliw napaka OA mo may mga mag jowa lang magkakasakit kana agad? Wag mo na kasi silang pansinin porket iniwan ka lang ng ex mo naging ganyan kana agad
Wag mo nga ipaalala sa akin yung lalaking yun nakakasira ng araw alam mo yun? Sirang sira na nga araw ko dinagdagan mo pa? Makauwi na nga lang bwesit bahala ka sa buhay mo uuwi na ko mag isa.
Di ko na siya hinintay at umuwi na agad ako. Di naman ako nag aalala kasi alam naman niya kung paano umuwi
BINABASA MO ANG
That Bitter Girl Has Fallen
Teen FictionPara sa mga taong nasaktan, binalewala at pinaasa kaya naging bitter.:D