Chapter 2

13 1 0
                                    

Hapon na't nakakain na rin kami dahil dun sa natirang pera galing kahapon. Nandito kami ni Christian sa isang upuan sa parke, nanglilimos. Hindi pa din ako nakakaramdam ng gutom pero sigurado akong gutom na din tu si Christian. Kanina pa akong humingi ng paumanhin sa kanya pero mabilis din niyang pinatawad at sinabihan ako na wala akong kasalanan.

Malayo sa upuan ay ang lawa. Malinis ang tubig. Sa tingin kong ito lang ang malinis dito sa manila. Malayo sa usok ng mga sasakyan. Malayo sa ingay ng mga tao. Kung pwede lang bang tumira dito ang mga pulubi ay ginawa na namin kaso may istriktong patakaran ukol sa maraming bagay. Patakaran na hindi dapat buwagin o babayaran mo ang ginawa mong kamalian. Oo sa henerasyon na ito ay may mga social injustices. Masasabi mong normal na ngayon ang krimen. Kung saan-saan nlng kumakalat ang tsismis katulad ng paano natin ikinalat ang mga basura natin. Hindi ako alintana sa mga bagay-bagay ukol sa politiks o sa ating ekonomiya. Kahit papaano ay may alam din ako sa mga patakaran bilang isang mamamayan. Masasabi mong edukado ako at alam ko ang mga karapatan ko dito sa bansang ito.

Tumingin ako sa malayo at nakita ang isang lalaking matangkad at chinito. Mukhang may *chaching* dahil sa suot niyang magarbo. Dala niya ang isang guitar bag na inisling niya sa balikat. Naglakad siya sa hindi malayong upuan at umupo. Itinutok ko ang paningin ko sa kanya dahilan para mahinto ko ang paglilimos. Mukhang may iba sa kanya. Malungkot siya at nakatingin sa malayo.
Inialis ko nalang ang paningin ko sakanya at bumalik sa ginagawa.

Ngunit maya-maya lang ay napansin kong inilabas niya ang guitar sa guitar bag at ipinatong sa ibabaw ng binti. Nagsimula siyang mag-strum sa guitar dahilan para makuha niya muli ang atensyon ko. Matagal na akong hindi nakakita ng mga mamahalin na gitara. Isa itong nakakaaliwng tanawin. Nag-strum sya at nag-strum at ako naman ay tutok na tutok sa ginagawa niya na hindi ko namalayan si Christian na malayo na pala sa akin.

"Hoi!" tawag ko sa kanya. Pero nagpatuloy pa rin siyang lumayo. Tumakbo ako patungo sa kanya at naabutan siya na sumisigaw ng, "Kuya, yung pitaka mo nahulog!" at kinaway-kaway ang pitaka sa ere. Narinig siya ng lalaki at huminto Lumingon siya sa gawi namin. Binigyan niya kami ng nalilito na ekspresyon at lumakad palapit sa amin.

"Mama, yung pitaka niyo, nahulog niyo po malapit sa upuan namin," wika ni bunso at ibinigay ang pitaka sa lalaki. Ngumiti lang ang lalaki sa amin at nagpasalamat. Binigyan niya kami ng pera para sa aming panghapuan at almusal bukas bilang ganting pala sa aming katapatan. 

"I think I'll be seeing you two around, yeah?" ngumiti siya sa amin at nagsimula ng maglakad papalayo. Hindi ko alam pero nakita ko na ang lalaki na ito. Mukhang pamilyar ang porma ng mukha niya at ang boses niya pero hindi ko makuha kung saan. Binawala ko nalang ang nasa isip ko at hinawakan ang mga balikat ni bunso para akayin siya pabalik.

"Ate....mukhang may something. Kambal niyo ba si kuya?" wika niya nung nakabalik na kami sa upuan.

"Malipong tim ulo!" inalog-alog ko ang ulo ni bunso at tumawa.

"Agi! Ayaw gad!" reklamo niya, "Eh sa totoo naman ah! Mukhang kamukha kayo ni Mano..." subok niya ulit.

"Ambot ha imo! Halika ka na nga! Gutom ka na diba?" pag-iiba ko ng topic. Hindi ko alam pero may nagsasabi sa akin na hindi ko yan gustong mangyari. Kakaiba lang dahil kahit na ganyan ang nasa puso ko ay may nararamdaman akong saya at interes sa walang dahilan.

'Langya kang puso ka! Pumili ka letche!'
Sigaw ko sa sarili. "Arghhhhh!" sigaw ko.

"Okay ka lang ba ate? Parang namumula ka? Gutom ka lang ba?" tanong ng bunso ko habang naglalakad kami patungo sa isang karinderya malapit sa parke. Gusto kong magbudget sa aming 150 - nung binigay ni Mano-dahil hindi ito parating nangyayari. Oo bumili ako ng pansit at kanin para sa aming dalawa kahapon para sa aming hapunan at pandesal para sa aming almusal kanina umaga at sinayang ko lang ang nalimos ko kahapon dahil natuwa lang talaga ako pero kailangan ko na talagang magtipid.

:$:$:$:$:$:$:$:

"Mana? Yung sabaw po at dalawang kanin po," tukoy ko dun sa tindera. Ito ay ang parehong tinderang nanglait sa kin. Eh sa malapit lang ang karinderya niya at iilan lang ang tao. 'Baka walang tao dahil nakakahalata na sila sa mabahong amoy ni Ate tindera buhahhahah langya nito!' Lumingon si ate tindera at kumunot ang mga kilay niya.

"Oh? Bumalik ang mga," tiningnan niya kami galing sa ulo at hanggang paa at lumukot ang kanyang mukha na may disgustadong tingin at ipinatuloy ay sinabi, "basura." Tumawa siya ng nakakaloko at ngumiti ng nang-aasar.

"Eh ate....may pangbayad naman na ako ate," siguro ko sa kanya dahilan para sumaka ang dalawang kilay niya. Mga kilay niyang mabalhibo at mukhang hindi inalagaan.

"Excuse mi? I don't serve cheap trashes like you. You are disgrace much," wika niya at nag hair flip at kinausap ang isa pang costumer.

"Ate......parang hindi niya gusto tayo.....maghanap nlng tayo ng makakainan ate," alok ni bunso pero hindi ko siya pinakinggan. Parang uminit ang mukha ko at gusto kung ahitin ang mga kilay ni ate.

"Wait bunso hah? Makukuha natin ang order natin. Kuha ka na ng mesa, ako na ang bahala," at nagmartsa ako patungo sa gawi ng letcheng ate at tumayo sa harapan niya. Tumaas ang isang kilay niya, nagtatanong kung ano ang aking gusto at bumuka ang bibig ko.

'Bitch, you ain't telling me that I'm cheap cause unlike you I've got morals.' sabi ko sa sarili ko pero gusto ko ng sabihin ang mga ito sa kanya.

"Una. Tindera ka lang dito, maliit ang sahod kaya't masasabi mong pantay tayo. Dalawa. Wala kang karapatang laitin kami dahil may trabaho ka, may ipangbihis, may ikakain. Ate..baka nakalimutan mong tao din ang kinausap mo at hindi hayop? Respeto naman. Tatlo. Nakakaapekto ang ugali mo sa business na ito. Kayang-kaya kong ipaterminate ka sa trabaho dahil 'Customers are always right' diba? At meron naman akong perang pangbili kaya may karapatan akong magreklamo. Apat. Bago mo laitin ang tao, siguraduhin mong sakto ang gramatiko mo. 'You are a disgrace' yan hindi 'You are disgrace much." Lima. Be careful on who you backstab....or may I correct that...FRONT stab because you never know who you're dealing with. Now serve us what I ordered or I'LL FREAKING FLIP."

Bumuka ang bibig ni ate at natulala siya.Nagclap hands ako sa mukha niya at napukaw siya sa pagkatulala. Dali-dali siyang kumilos para i-serve kami. Pumunta ako kay Christian at umupo sa tabi niya.

Isinerve ang pagkain naming inorder at lumayas na kami doon na inirapan ang ateng. Tumaas naman ang isang kilay niya at umirap pabalik.

Bumalik na kami sa tulay at nagpahinga. Nakatulog ng mabilis ang bunso ko dahil sa pagod ngunit hindi namn ako makatulog.

'Sino ba yung lalaki na yun?'

Hindi ko talaga maalis ang isipan na 'to. Kakaiba ang mga ngiti niya sa akin. Kakaibang-kakaiba. Ang mga mata niyang kumikinang na parang bituin at dagat na inihalo. Asul na may berde,nakakahawa.

Yung mga mata niya.

Mukhang nakita ko na ang mga yan.
'Saan ka ya?' Sa tagal kong pag-iisip ay nakatulog na din ako.

Note To Self: The Music in MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon