Chap 5

13 0 0
                                    

"Uy, bunso......gising na....hoi" pinikpik ko ang pisngi ni Christian para gumising. Bumuka ng dahan-dahan ang kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita. Lumukot ang aking noo, nagtatanong kung keri pa niya. Dahan-dahang lumabas ang kanyang mahinang ngiti na kinukumbinsi akong okay lang siya at dahan-dahang bumangon sa higaang sako at cardboard. Inanalayan ko siyang makatayo at inakay papalabas, pero huminto ito, nagtatanong kung saan kami pupunta.

'Ano....bunso? Naalala mo ba yung lalaking nakasama natin sa lawa? Si ser Kevin yun....naalala mo ba?" tumango siya at natahimik, pinapatuloy ako. "Ummm ano, sabi nyang idadala niya tayo sa isang restaoran......ano bunso eh....alam kong hindi dapat pumayag....pero ano....gutom ka na eh....at ano...ummm...wala na tayong choice dahil....ano..." arghhh nakakadistract yung blankong mukha niya. Hindi man lang dumilat o ano pa. Blanko lang, parang sarkastiko na.

Bumuka ang kanyang bibig, "Ate ganyan na ba tayong ka desperado? Naalala mo pa ba ang kanilang ginawa nung-" napaka-kalmado niya. His voice almost cold like he's shutting my choices out, shutting me out pero pinutol ko na yung sasabihin niya. Diretsong nalukot ang aking mukha.

"Bunso! Hindi na ba ito desperado bunso?? Ha?? Ano bang desperado sayo?! Yung namatay ka na sa gutom??! Bunso! Ito na yun eh! Pagmamataas! Ano na tung nangyayari natin ha?? Bunso...," nagsimula na akong umiyak, hysterikal na "bunso, ayoko ng mangyari yun sayo bunso kaya please hanggang makakaya natin ay gagawin natin okay? Hindi ko na kaya bunso....." I started reaching my arm out to touch his face for him to look at me, and when he did I could see tears forming at the corner of his eyes threatening to fall. "Sige na please?" patawad ko. Tumango ito at kinuha ang aking mga kamay at yumakap ito sa akin ng mahigpit.

"Ate.....hindi ko na kayang makita kang masaktan dahil sa kanila. Hindi yun pwede sa libro ko eh. Alam kong desperado na tayo.....higit pa siguro pero ate....." huminto ito sa pagsasalita nung tumingin ako sa kanyang mga mata na nakikiusap. "Oo, pupunta tayo, kakain tayo..." at hinigpitan ang yakap, umiyak naman ako sa mga bisig nito.

"Tahan na," at hinalikan ang sentido ko.

:$:$:$:$:$:$:$:

"O! Kanina pa ako dito ah?" binati kami ni Ser Kevin ng nakakaasar na boses na nakatayo sa pinag-usapan naming spot. "Hi! Bunso ni ate mo!" bulyaw niya at kumaway siya sa bunso ko. "O bakit mapula yang mga mata mo tsong?" tanong niya sa kapatid ko. "Yung sayo rin?" tanong niya rin sa akin.

"Baka nagdru-drugs kami? Kung may nagrered eyes, tawagin mo na ang Police ha? Para sure." sarkastiko kong komento na nginiwian niya lang. Ilang kilometro nlng kami sa kanya.

"Wag mo lang alalahanin kami kuya. Ummm ako pala si Christian kuya.....ser kevin diba?" malapit na kami sa kanya at inilahad ni bunso ang kamay niya kay ser na kinuha namn nito na nakangiti.

"Oo, Kevin Love lang...." at inilahad niya ang kamay, "pro joke lang.....hindi naman ako basketball player, or I'm not even that white. Kevin Fields pro para sayo," tumingin siya sa gawi ko, "Kevin babes." at kumindat ang walang hiya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagbawi ng tingin.

Di ko siya feel ngayon. I need my walls up. This isn't gonna be my second.

"O, so ano namang pangalan mo bes? Hindi ka nagpakilala sa una nating pagkikita ah? Or would I say our second?" and he wiggled his eyebrows. "Kevin Fields," inilahad niya ang kanyang kamay sa akin na kinuha ko na nakataas na kilay.

"Christina Aguiler," at binawi ang kamay.

"Wews...Aguiler ba nga ba? Aguiler...a. Christina Aguilera? Ikaw ba yung dople ganger niya?" at pinasadahan niya ako ng tingin. Natawa ang putang ina. "Di joke lang," at natawa dahil sa asim kong mukha. Pinasadahan na rin niya ng tingin si Christian at ibinalik sa akin, kinukumpara ang aming mukha. "Bakit nga ba hindi kayo mukhang magkapatid? Ampon ba ang isa?" at humalaklak siya ng malakas. Natahimik kami. Hindi ko nagustuhan ang biro niya. Nagtagpo ang mga kilay ko na tumingin sa kanya. Nakuha niya ang ipinahiwatig ko at natahimik saglit. "Joke lang yun. But nice meeting you both, Christian and Christina," tumango lang kami sa kanya.

Note To Self: The Music in MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon