Kaibigan

3 1 0
                                    

Mga damdaming hindi ko mapigilan
Ngunit,ayaw kong pakawalan
Nanga-ngambang baka ito'y magdulot ng kalungkutan
Sa puso kong sugatan.

Hindi ko alam kung Handa ko na bang suuingin ang Laban,
Gusto kong sabihin at patunayan sayo
Kung ano ang tunay na nadarama ng puso ko
Ngunit pinangungunahan ako ng kaba at takot
Sa magiging sagot at reaksyon mo.

Gusto kong hilingin sayo na wag ka munang,
Magka-gusto  sa iba
Gusto Kong pagbawalan yang puso mo na gustuhin siya
Pero hindi ko kaya.

Gusto kong maging parte ng storya mo
Gusto ko Isa ako sa may pinaka-mahalagang karakter sa libro mo
Kaibigan,yan ang papel ko sayo,
Hanggang dito nalang ba talaga ang karakter ko?

Hindi ko magawang umamin
Pero puro ako reklamo
Puro pasakit ang naramdaman ko
Ako naman ang may kasalanan nito.

Siguro nararapat na kalimutan ko nalang ang nararamdaman ko
Tapos tatamgapin ko nalang kung ano ba talaga ako sayo
Kaibigan, Kaibigan lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon