Chapter 1

7 1 1
                                    

(Real World)

Ako si Ryiara naniniwala ako na may kakaiba sa akin. Malakas ang paniniwala ko na lahat ng aking imahinasyon at panaginip ay may konekta sa aking buhay na aking kinagagalawan ngayon. May nakilala akong lalakeng nag ngangalang Thistle. Oo naattract ako sakanya dahil sa itsura nito. Aminin man natin o hindi karamihan ng tao ngayon ay puro itsura na ang hinahanap. Kaunti na lamang ang taong hindi naghahanap ng itsura kundi ang ugali ang hinahanap nila. Nagkakilala kami ni Thistle sa facebook. Inaamin ko na nilandi ko sya dahil na attract ako pero wala akong balak saluhin kung mafall man sya. Nagka mabutihan kami sa ilang araw lamang. Hanggang sa isang araw ay dinala ako nito sa bahay nila. Andoon ang mom at dad nya, at ang pakilala nito sa akin ay kaibigan. Sa bahay nila, sa kwarto dinala nya ako. Puno ng kaba ang aking nararamdaman dahil alam ko nang ayun ang gagawin namin.

Hindi ko alam kung bakit sumama parin ako sakanya kahit na tama ang kutob ko. He's not my first kaya medjo alam ko na ang mga gagawin. May nangyari sa amin ni Thistle, pagkatapos ng nangyari sa amin ay inalok ko sya na maging kami dahil sa nagalaw na nya ako. Para kasi sa akin dapat boyfriend ko or sa boyfriend ko lamang magagawa iyon. Pero nangyare na ang hindi dapat. Pareho kaming stranger na nagkakilala lang sa facebook at ginawa agad ang hindi dapat. Inalok ko syang maging boyfriend ko ngunit para bang ito ay nang aasar. Ang dating sa akin ng pang aasar nya ay parang ganito "Huh? Sino ka para maging girlfriend ko? Ni hindi naman kita niligawan." Nung inamin na nya na gusto lang talaga nya ako matikman at gusto nya humanap ng pampalipas oras o rebound dahil sa niloko sya ng ex nya, parang gumuho ang aking mundo. "Bakit? Bakit ganito? Bakit sa ganitong lalake ako parati napupunta?" Masakit sobrang sakit na sa twing gabi na lang ay iniisip ko kung bakit ganito ako, kung bakit sa ganitong lalake lagi ako napupunta. Umiiyak ako yung tipong kahit hindi nakikita sa mga nata mo na may luha ka, nasa kaloob looban naman ang iyak na iyon. Napipigilan kong hindi lumuha pero sa puso't isip ko ako ay lumuluha. Minsan iniisip ko sa aking imahinasyon na kung sino ba yung itim na tao na nagpapakita sakin sa panaginip ay kunin na nya ako. Baka sakanya ako sasaya.

"Bakit ganito? Bakit ganito? Wala na bang seryosong lalake? O dahil sa mali lang ang napipili kong lalake?" Iniiyakan ko ang lalakeng tinanggihan ako upang maging karelasyon ko. Minsan iniisip ko na "Pang kama lang ba ako? Ano ba talaga ako dito sa mundong ito?" Habang iniisip ang mga katagang ito ay umiyak ako, sumisikip ang aking dibdib hindi ako makahinga. Umiiyak ako sa kadahilanang hindi ako kayang mahalin o seryosohin ng taong gumalaw sa akin. Yung akala kong lalakeng mafafall sa akin ay hindi pala nafall kundi ako ang nabigtima ng pafall.

Ako yung tipo na babaeng handang ibigay sayo ang gusto mo basta mahalin mo lang ako. Ang tinutukoy ko sa "Ibigay sayo ang gusto mo." Ay yung gusto ng lalake na maikama ang babae. Minamahal ko yung lalakeng nakakagalaw sa akin.  May nakita ako sa facebook na mga katagang "Women gets sex to get love, men gets love to get sex." Para sa akin kaya ako nakikipagtalik sa karelasyon ko dahil mahal ko ito at tanging pagmamahal nya at tiwala lamang ang gusto ko mula sakanya.

Hinabol ko si Thistle chinat ko sya, kinulit ko sya nakikipag kita ako sakanya ngunit dedma lamang ito. Hanggang sa nabalitaan ko na sila na pala ulit ng girlfriend nito. Masakit sobrang sakit. Pinampalipas oras nya lang ako. Tinigilan ko na si Thistle dahil ayoko ng away. Dahil ako yung babaeng inaamin ko na walang kalaban laban sa pang aaway. Dahil malambot ang aking puso pero kapag napuno na ako lahat ng pasensya ko lahat ng pagtitiis ko... Hindi ko alam kung saan ito mararating ng galit at inis ko, baka makapatay ako.

Ilang araw ko iniimagine yung mga nangyari na. Yung mga desisyon ko na dapat kung ganito ang gagawin ko sa hindi ko dapat gawin. Lumipas ang ilang linggo ay naka moved on na ako kay Thistle. Nag flirt ako sa omegle pero yung flirt na chat lang. Pero hindi ako nakikipag meet. Hindi alam ng mga kaibigan ko ang mga ganap sa love life ko dahil hindi ako mapag kwento. Tinatanong lang nila kung kamusta na kami, sagot ko ay wala na tapos kung ano dahilan. Hanggang ganon lang ang aking sinasagot dahil ayoko na idetalye pa lahat.

TDW (Shortcut Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon