Part 1

1.9K 27 23
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng mall. Siguro dito na ako dinala ng mga paa ko dahil sa sobrang bored. Lahat ng taong nakakasalubong ko ay mga nakangiti at tila ba masaya na parang walang mga problema. Bahagya akong napangiti dahil sa aura ng mall. Lakad lang ako ng lakad. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Ayoko namang kumain dahil busog pa ako.

Namataan ko nalang ang sarili kong papasok sa department store. Hinayaan ko nalang ang mga paa ko kung saan niya gustong magpunta.

"Alam mo girl, umamin kana kaya kay Rald na gusto mo siya! Nako ha, sinasabi ko sayo baka maunahan ka pa ng higad sa tabi-tabi."

"Ayoko sis. Babae ako eh, bakit ako yung mauuna? Tsaka isa pa, parang wala naman siyang feelings sakin eh, ayokong ma-reject."

Bahagya akong natulala dahil sa narinig. Pamilyar ang mga katagang iyon. Pamilyar ang mga bawat salitang binigkas ng babaeng iyon. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon apektado pa rin ako sa mga salitang binitawan ko, sampung taon na ang nakakalipas. Oo tama kayo, ganun na ganun kasi ang sinabi ko sa kaibigan ko dahil ayokong aminin ang feelings ko kay Vi. Oo vi. Ang weird ng name nya noh? Pero para sakin siya yung the best na nakilala ko.

6PM na pero hindi pa rin kami pinapauwi ng Filipino teacher ko. Paano puro sermon ang pinapakain niya ngayon sa buong klase. Bagot na bagot na kaming lahat at wala namang nakikinig dahil panigurado ganun na naman ang sasabihin niya bukas.

"Maliwanag ba? A-yo-ko ng maingay, madaldal, hindi nakikinig at ng mga walang respeto. Maliwanag?"

"Opo!" Masiglang sumagot ang mga classmate ko upang matapos na ito dahil gustong-gusto na nilang umuwi.

Ako din gusto ko ng umuwi, namimiss ko na si mommy.

Maya-maya parang mga nakawalang hayop ang mga classmate ko dahil nag-uunahan sila sa pintuan. Pasado alas-syete na nung maisipan ng teacher ko na pauwiin kami. Ang lakas talaga ng trip nun.

"Bessy! Tara sabay na tayo. Gabi na huhuhu nakakatakot!" Biglang kapit sa akin ang bestfriend ko.

Pahakbang palang kami palabas pero napansin kong hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Napatingin ako sa likod at nakita kong hawak pala nung classmate kong hindi-ko-alam-ang-pangalan ang bag ko.

"Hatid na kita!" Hinigit niya ang bag ko na naging dahilan upang matumba ako sa kanya.

"Alam mo, pabibo ka. Akin na yung bag ko!" Bulalas ko dito sa lalaking feeling close.

"Uy Vi ah! Kailan mo pa naging type ang bestfriend ko? Ayieeee." Sabay sundot sa tagiliran ko.

Nginitian lang kami nung Vi at naunang maglakad bitbit ang bag ko.

Bigla akong napangiti dahil sa munting alaala. Oo nga, ganun nga pala kami nagkakilala. Hindi pa rin maalis sa aking mga labi ang ngiti. Sana pwede pang ibalik yung dati. Sana pwedeng i-reset yung buhay. Napabuntong-hininga nalang ako habang papalabas ng department store. Dumerecho ako sa book store. As usual maraming tao kalimitan puro teenagers. Namimiss ko tuloy yung teenager pa ako. Pumasok na ako sa loob at naghanap ng librong pupukaw sa atensyon ko. Pasikreto akong nagbabasa ng libro kagaya ng ginagawa namin ng mga kaibigan ko at ni Vi. Palihim naming binubuksan yung mga librong nakaplastic. Nakakatuwa. Namimiss ko na ang mga kaibigan ko. Kamusta na kaya sila? Si Vi? Maayos lang kaya ang lagay nya?

"Weather?" Awtomatiko akong nanigas mula sa kinatatayuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na galing pa sa Antarctica. Hindi ako kaagad nakagalaw. Tama ba ang narinig ko? Ang boses na yun. Ang boses na matagal ko nang gustong marinig. Napapikit ako at nanumbalik ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan ko.

Unconfessed Feelings | ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon