Part 2

891 23 10
                                    

"Umamin ka na kasi Weds! Malay mo may gusto rin pala sayo." Pangungulit sakin nang mga kaibigan ko. No no no. Babae ako. Hindi dapat ako yung mauna. Nextime ko nalang sasabihin kapag handa na ako.

"May sasabihin ako."

"May sasabihin ako "

Nagulat kami pareho dahil sa pagkakasabay ng aming mga sinabi. Sabay nalang kaming natawa dahil sa nangyari.

"Sige. You first." Nakangiti niyang sambit.

"Hindi. Ikaw na muna." Pagpasa ko.

"Nope. You're a lady so go first." Wala na kong nagawa at sinunod nalang siya.

Wait aamin na ba talaga ko? As in now na? Wow. Nakakagulat.

"Uhm.. Ano kase.." Nauutal kong sambit.

"Hmm?"

"Vi. Gusto kita." Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Grabe para kaming mga bata.

"Ever since highschool. Ikaw lang." What the hell Weather. What the fck is that. STOP!! STOOOOP!

"Ako din naman eh." Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. What? Wait gusto niya rin ba ako? Wait what to do?!

"So pwede pa tayo diba? Hindi pa naman huli?" Tanong ko at saka lumapit sa mukha niya.

"Pwede pang ibalik kagaya ng dati?" I asked again.

"I wish I can, Weather." Napatigil ako sa sinabi niya. Bakit? Bakit wish niya lang?

"Wish? We can make tha--"

"I'm married, Weather. I'm a married person now."

Naiwang nakanganga ang aking mga bibig. Pawang tumigil ang aking mundo maging ang pagtibok ng puso ko. Gustong tumakas ng mga luha galing sa aking mga mata pero bakit umatras sila?

"T-Talaga? S-Sorry and Congrats." Iyan na lamang ang tanging nasabi ko at papaalis na sana ako ng restaurant dahil hindi ko na kaya yung nalaman ko. Pero hinigit ni Vi ang kamay ko pabalik sa kinauupuan ko.

"Pero alam mo Weather kung bakit iniwasan kita noon?"

Hindi ako kumikibo. Nakatingin lamang ako sa sahig at naghihintay sa mga sasabihin niya.

"Kasi gusto na kita nung mga panahon na iyon."

"Natakot ako Weather, na baka kapag inamin ko mawala ka sakin, mawala yung friendship and closeness. At mapalitan ng awkwardness. I'm sorry."

Ang sakit. Ang dami naming sinayang na panahon pero ang totoo gusto pala namin ang isa't-isa noon.

~~*

Nag-usap kami ni Vi nang maayos. Nagkwentuhan kagaya ng dati. Oo masakit yung nararamdaman ko habang nagkukwento siya about his family pero isinantabi ko muna iyon. Kailangan kong maunawaan lahat para pag-uwi ko, sisimulan ko nang mag move-on at tanggapin ang lahat.

"And oo nga pala, this is my son." Sabay abot sa akin ni Vi ng litrato mula sa kanyang bulsa.

" Sabay abot sa akin ni Vi ng litrato mula sa kanyang bulsa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Unconfessed Feelings | ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon