I was just an ordinary boy,hindi galing sa mayamang pamilya,hindi rin naman sa mahirap,kung baga sakto lang...
Pero kahit na ganun,ok lang,as long as nabubuhay kami and healthy ang bawat isa sa amin.
Hindi ko naman sinasabing hindi ko pinapangarap yumaman ah,ang plastik naman nun di ba? Siguro nakamind set na lang talaga sa utak ko na darating din naman yung tamang araw para dun...
By the way my name is Erwin Paul Hernandez Villacorta,oh di ba finull name ko na para wala ng maraming tanong...haha!
Sabi nila gwapo daw ako? Siguro nga,kung nakaisang paligo pa ko...haha!
Hindi naman ako kaputian,tsaka katangkaran,actually I was just 5'6" ganun? And medyo nageexcel din naman sa school activities...
I was on my way to school na ngayon. Oo,nga pala I'm a grade 10 student na sa isang public school...sakay ako nun ng service,oh di ba? ang laki ko na nakaservice pa rin.haha.
Sa anong magagawa ko sobrang care sakin ng mga parents ko eh...pero,haixt! Kung alam lang nila na loko loko tong service ko,kung sa paanong paraan? Ganito...ibaba nya ko sa sakayan pa ng tricycle na medyo malayo pa sa school namin,TINATAMAD na daw kasi syang maghatid...kahit na binibigyan nya naman ako ng pamasahe papunta dun,mali pa rin di ba? Haixt! Pasalamat talaga sya ayoko lang ng gulo kundi sinumbong ko na sya...
Hay balik na nga lang tayo sa school nag-iinit lang talaga yung ulo ko sa service kong yan eh...
Kasalukuyan na ko nung nakapasok sa school,makikita ko na naman yung mga classmates ko...aixt! Ano ba yan?!
Joke lang! haha! Mahal na mahal ko kaya yung mga classmates ko kahit minsan may pagka-abnormal yang mga yan. Sa paglalakad ko nun,ayun sa wakas nahanap ko rin sila,ayun eto ako patakbo kunware sa kanila,akala mo naman hindi ko alam na kunwareng saya lang yung pinapakita nilang nakita ako.haha! Joke lang ulit!
Nga pala wag na kayong magugulat kung sasabihin kong most of my friends ay babae ah...ewan ko ba? Siguro mas nasanay lang akong kasama yung mga babae,sa bahay ba naman kung ang kabonding mo lagi is yung nanay,ate at lola mo di ba? Pero kahit ganun hindi naman nababase sa mga kaibigan mo yung kasarian mo di ba?
"Uy pumuti ka ah!"bati sakin nung isa kong classmate na si Alyssa.
"Oo nga Paul."saad pa nung isa. Ha? Ano daw yun? Maputi na ba sa kanila yung lagay na ganito?
"Di naman sakto lang yung kulay ko."
"Hindi nga,pumuti ka,promise! di ba Natalie?"
"Oo nga...pumuti ka."
"Ahhh...ganun?"napapakamot na saad ko.Ano naman sa ngayon kung pumuti ako? di ba? Ewan ko ba,kala mo naman talaga big deal yun...
Paglingon ko nun sa gilid ko tinabihan ko lang dun yung babaeng nakatanaw sa tarangkahan ng corridor ng building na yun.
"Musta?"ngiti ko dito.
"Eto ok lang,ang saya nung bakasyon namin eh..."
"Ganun? Kasama mo dun papa mo di ba?"
"Yeah...Why?"
"Wala lang.."
"Paul ganda ng kulay ng bag mo ah!"bati uli ni Alyssa. Haixt! Ano ba to si Alyssa! Minsan talaga may lahi din tung 'e' epal...haha!
"Syempre favorite ko yan, maroon."
"Buti ka pa nabilan na,ako...next week pa eh."saad nung babaeng katabi ko...si Mavy. My one and only...ashuu!! :)
"Uy mga tropa! Andyan na yung adviser natin!"sigaw nung isa naming classmate.
"Sige!"saad namin lahat dito...
BINABASA MO ANG
Heaven by your Side (one shot)
Historia Corta"Always tell someone how you feel, because opportunities are lost in a blink of an eye but regret can last for a lifetime..." ---Anonymous What was your biggest regret in your life? But first of all... Who was the last person you had told 'I love yo...