ang ingay!
nagkakagulo!
pagmulat ng mga mata ko si slater ang daming dugo ng damit? Nakahawak sa kamay ko ,umiiyak sya , may doctor , may mga nurse , nagkakagulo sila ,anu nangyayari? san nila ako dadalhin? Ano nangyari ,naalala ko yung nangyari kanina YUNG anak ko ,ang sakit
Tin : doc ,slater yung anak ko ,yung anak ko! ( umiiyak na ko )
Slater : babe don’t speak! ,everything will be alright
Papasok Na sa OR
Tin : slater! (hinawakan kamay ni slater ng mahigpit , iyak na ng iyak) Parang awa mo na yung anak ko! Yung anak ko
Pinigilan na si slater makapasok sa loob
Dr. hanggang dito na lang po kayo sir ,bawal napo sa loob
Slater : doc gawin nyo po lahat ng makakaya nyo para mailigtas ang magina ko
Tumango ang doctor..
………………
………………………………..
Hours later
[ slater ] nakatungo lang at nakaupo ako sa tapat ng OR at umiiyak ,natatakot ako sa pwedeng mangyari sa magina ko. Hinding hindi ko mapapatawad sarili ko pag nangyari sa kanilang masama ,kasalanan ko to! Kasalanan ko to!
Unang Dumating ang parents ni tin
mom and dad ni tin : asan si cristine ? ano nangyari slater? ,anong sabi ng dr. ?
tinayo ng dad ni tin si slater ,at pinaupo sa upuan dahil nasa sahig ito nakaupo
slater : dad ,mom kasalanan ko tong lahat (habang umiiyak! ) mom dad sorry!
mom yen : wag mo sisihin sarili mo anak , magdasal na lang tayo na walang mangyari sa magina mo.
Dumating na ang parents ni slater ,yumakap agad yung mom nya sa kanya umiiyak padin si slater ,napaiyak nadin ang mom nya at ni tin.
dad ben : ano ba kase nangyari anak?
Kweninto naman ni slater buong pangyayari sa mga magulang nya at syang dating nila wendy ,carlo and echo. Yumakap si wendy kay slater
Wendy : magpakatatag ka slater ,kilala ko si bessy masamang damo yun kaya , kaya malalagpasan nya to
Tahimik pading umiiyak si slater
Dumating si bruhang KIM
Slater : (pagkakitang pagkakita ni slater kay kim )ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGPAKITA PA DITO!! ( dinuro si kim ) IPAGDASAL MO NA WALANG MASAMANG MANGYARI SA MAGINA KO BAKA MAPATAY KITA!!!
Inaawat si slater ng mom and dad nya at nilayo sa lugar nay un dahil natatakot sila sa pwedeng gawin ni slater kay kim.
Kim : sorry slater ,sorry po tito ,tita hindi kopo sinasadya (sincere naman ang paghingi ng tawad ) hindi kop o alam na aabot sa ganito.
Nagpanting ang tenga ni wendy ito pala ang may kasalanan kaya nandito si tin sa hospi. Bumitaw sya sa pagkakayakap ni carlo at Pinuntahan nya pinagsasabunutan at sinampal sampal nya si kim at sinabing “ WALANGYA KA! Inawat sya ni carlo at echo ANG KAPAL NG MUKHA MO! ANG LAKAS NG LOOB MONG MAGPUNTA PA DITO ,LUMAYAS KA DITO!! Tinutulak nya si kim LUMAYAS KA DITO !!
Dad alvin : iha (kim ) umalis ka na! (at umalis na si kim )
Lumabas ang dr. nagunahan sila sa paglapit sa doctor wala si slater at parents nya dahil nga nilayo muna.
Lahat sila : doc musta puh yung patient ,yung baby po
Dr. : family and relatives ni mrs young
Mom and dad ni tin : kami po parents ni cristine ,kamusta po dr.
Dr. : ok na yung patient dinala na sa RR hantayin nyo nalang sa magiging room nya
Wendy : how about the baby po dok?
Dr. : the baby is gone..
Tulaley silang lahat ,iniisip nila kong pano sasabihin kay slater at lalo na kay tin ,baka masaktan ito ng bongga! Umiyak na yung mom ni tin at si wendy.

BINABASA MO ANG
Marrying stranger <3
Romanceang story na to ay ay kathang isip lamang ( don't take it seriosly )