TW 1

0 0 0
                                    

Amy Jackson on the multimedia...

~~~~~~~~~~~~~

Malia

Being born with the bless of the God and Goddess of Darkness is hard. I despise being one. Pero isa lang ang naggiging takbuhan ko sa tuwing ang lahat ng tao ay kinamumuhian ako, ang kadiliman. The darkness calms me. It gives me strength.

Siguro, napagod ako sa kakapuna ng lahat sakin sa lugar na yun kaya naisipan kong maglayas.

At eto ako ngayon. Nakahiga sa isang sanga sa itaas ng puno. Malapit lang to sa terrace ng kwarto ko kaya dito ako lagi nagpapahinga.
I closed my eyes.

Freedom. It felt so good to be free. Free from others​ accusations. Free from others judgmental eyes.

"Malia! Get down here!", sigaw ni mom sakin. Minulat ko ang aking mga mata at nakita siyang nasa terrace ko. Anger was plastered all over her face.

What did I do this time?

Bumaba na ako mula sa puno at lumapit sa kanya.

"You know what, your school sent me a notice earlier this morning. It was said there that you have been absent for almost a month. Explain now, young lady", sabi ni mom sabay lagay ng kamay niya sa kanyang baywang.

"U-uhmm... May ginawa po kasi kaming misyon ni Kevin kaya absent ako!", pasigaw ko na sabi kay mom.

"I already asked Kevin about that and he said that you don't have any mission", pabala na sabi ni mom.

"Sorry Mom. Tinamad po kasi akong pumasok sa school. Wala naman pong masyadong activities sa school na handle ng Student Council", paliwanag ko sa kanya. Totoo naman eh. Tinamad ako.

"Alam kong masyado kang tamad na bata. Pero dahil sa ginawa mo, punishment shall be serve upon you", sabi niya sabay talikod sakin.

I already know the punishment. No missions for now. I guess, I should go to school tomorrow.

Tiningnan ko yung oras sa wristwatch ko.

4:30 pm. Hapon na pala. Hindi ko namalayan yung oras.

Napagdesisyunan kong pumasok na lang sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko yung laptop ko at nag log in sa aking blog site. Nag a update ako dito sa tuwing wala akong maggawa at kung hindi ako tinatamad.

Nag type na ako...

No one notices my effort. No one notices my pain. But, they notice my every single mistake.

Done. Yun lang muna ngayon.
Maya-maya ay napagdesisyunan kong bumaba at pumunta ng kusina.

Nakita ko si mom na nagluluto. Mas gusto niya kasi yung home made kesa bumili ng luto na.

Habang nagluluto si mom ay dumiretso na muna ako sa sala.
Nang makaupo na ako sa couch ay may naalala na naman ako.

Ang aking nakaraan. Huwag na muna ngayon. Masaya na ako dito.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Hindi naman siya kalakihan. Dalawang palapag ito. At ang space ay enough para sa dalawang tao.

Actually, hindi ito yung main house namin. Nasa Japan.

Maya-maya pa ay tinawag na ako ni mom.

"Dinner's ready!", sigaw niya.

Pumunta na ako sa kusina at kumain na. Habang kumakain ako ay nagsalita si mommy.

"Mal, about sa school mo. May transferees dun at base sa impormasyon na binigay ni Kevin sakin ay mga Mafia Reapers daw", napatigil ako sa pagkain at tumingin kay mom.

"Really? I should go to school then", smirk plastered on my face.

"Oh, did you forgot already? No missions for now", sabi ni mommy at pinagpatuloy na yung pagkain niya. I pouted.

"Don't pout. You look cute sweetie", sabi niya kahit di nakatingin sakin.

Effective talaga.

"But, it won't work. I made up my mind. Still, no missions for you", binabawi ko na. Hindi pala effective.

Tinapos ko na yung pagkain sa harap ko.

"Tapos na ko", sabi ko at umalis na ng kusina. Wala na talaga akong maggagawa kapag si mommy na yung nagsabi.

Hindi ko na nilingon si mommy. Tampo ako sa kanya eh.

Dumiretso ako sa banyo. Hinubad ko na yung suot kong damit ko at nagbabad sa mainit na tubig ng aking bath tub.




After a few hours. Oo, hours ako kung magbabad. Nasanay kasi ako. I got out from the bath tub and grabbed my bath robe. Kulay light blue yung robe ko and sabi nga nila, hindi daw bagay sa personalidad ko. As if naman magpapa apekto sa mga sinasabi nila.

Kumuha ako ng pajama, sleeveless at undies mula sa walk in closet ko at nagbihis na.

Humiga ako agad sa kama pagkatapos kong magbihis. Pupunta na naman ako sa school bukas. Kainis.

Ay nakalimutan kong patayin yung ilaw. Bumangon muna ako mula sa pagkakahiga at pinatay na yung ilaw.

Much better.

Pagkahiga ko. Ay ganun din ang pagpikit ng aking mga mata at nilamon na ako ng kadiliman.

~~~~~~~~~~

I know guys medyo lame tong first chapter. Focus kasi to sa present na nangyayari kay Malia.
Pero next chapter babawi ako. Handa na kayo?

Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon