Riverstream University

6 0 0
                                    

"Guys ayusin na natin 'to , alas-onse na , tulog na tayo", wika ni Karen. Agad naman itong sinunod ng kanyang mga kasama. Agad nilang iniligpit ang mga plato , baso , at planggana na kanilang ginamit sa pag-iinom.

Kahit lasing na ay nasa katinuan parin silang magbabarkada este magkakaklase. Agad naman silang natulog pagtapos nilang ayusin ang kanilang mga ginamit sa pag-iinom.

Alas-otso ng umaga , nagising ang bawat isa , kanya-kanya sila ng ginagawa. Si Jena ay nagsusuklay ng buhok , si Jerome ay nagdidilig ng halaman , si Karen ay naglilinis ng kwarto , si Jacob ay nag-aayos ng higaan , si Ethan ay nagce-cellphone , si Joaquin ay nanonood ng TV , at si Mark at Niña naman ay hindi nila makita. Matapos maglinis ni Karen ng kwarto ay agad nyang hinanap si Mark.

"Joaquin nakita mo ba si Mark?", tanong ni Karen kay Joaquin.

"Hindi bakit?", sagot ni Joaquin. "Di ba magkasabay pa kayong natulog kakabi?", dagdag nito.

"Oo , pero kanina paggising ko bandang ala-sais wala na sya sa tabi , dahil inaantok pa ko , natulog ulot ako", sagot ni Karen.

"Hanapin mo nalang siya diyan sa tabi-tabi , alam mo naman 'yun parang bula , bigla-biglang nawawala", payo ni Joaquin.

"Sige salamat", wika ni Karen. Agad naman nyang kinuha ang tuwalya nya sa kanyang kwarto at tinungo ang banyo upang maghilamos.

Pagdating ni Karen sa banyo ay agad nyang binuksan ang ilaw at isinara ang pintuan. "Ahh!!", sigaw nya ng madulas sya ng dahil sa sabon na naapakan nya sa sahig. "May sabon pala dun , di ko napansin", reklamo nya. Humawak sya sa isang bagay na di nya alam habang dahan-dahang tumatayo. Nang makatayo na sya napansin nya na kamay pala 'yun , dahil sa gulat nya ay nahila nya ito at tumambad sa harapan nya si Niña na dilat ang mata.

"Ahh!!!!!!!!!!", sigaw ni Karen. Nangibabaw ang kanyang boses sa loob ng banyo at dinig ito hagang labas ng banyo. Agad namang dumating ang mga barkada nya upang alamin ang nangyari. Naiwanan ni Karen na hindi naka-lock ang pintuan ng banyo kaya naman nabuksan agad ito ni Jerome.

"Anong nangyari kay Niña!?", gulat na tanong ni Ethan. Lahat sila ay natigalgal dahil sa nakita nila , si Niña ay nakahandusay sa sahig na nakasuot ng bra at panty , halata mo sa kanya na binaboy sya dahil halos wasak na ang panty nya at dilat pa ang kanyang mata.

"Hindi ko alam", sagot ni Karen. Lahat sila ay di makagalaw ng dahil sa gulat. Mistulang tumigil ang oras dahil wala kahit isa sa kanila ang nakagalaw. Hindi nila alam ang gagawin nila ng makita nila si Niña na dilat ang mata , halos masira na ang kanyang underwear , at naliligo sa sarili nyang dugo. Sobrang karumal-dumal ng ginawang pagpaslang sa kanya , sya pa naman ay isang bussiness student na malapit ng magtapos sa pag-aaral.

Nahimasmasan lamang sila ng pumasok na si Mark at biglang nagsalita, "Guys , ano yung masangsang na amoy na 'yon?", tanong ni Mark. Walang sumagot sa kanya kaya minabuti nya nalang na lumapit doon sa pinagmulan ng masangsang na amoy. Sya'y natigalgal , di nakapagsalita , at mistulan mong tumagil ang oras ng makita nya ang nangyari.

Umuurong ng paunti-unti si Karen papunta sa pinto ng madampot nya ang sabon na nagpadulas sa kanya. "Guys , hindi kaya ito 'yung sumpa sa school natin 2 years ago?", natatakot na tanong ni Karen.

"Wag naman sana", wika ni Jena na kinakabahan na.

"D-di kaya nga-nga-ngayon na yung pagbabalik n-nya?", nauutal-utal na sabi ni Joaquin.

Ilang sandali pa ang lumipas ay tumawag sila sa mga magulang ni Niña upang ipaalam kung ano ang nangyari. Pagtapos noon , nagising na rin ang labing dalawa (12) nilang kaklase.

~~~
Ano mga bro , ayos ba ang simula ko? Don't worry narrative lang 'yan. Basahin nyo nalang po ang next chapter to know the characters in this story. Thank you.

Riverstream University: The Arrival of Dreadful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon