Charry's POV
Nagkakagulo na kami ngayon dito sa kusina , hindi namin alam kung bakit kami napunta sa isang bahay na nasa gitna ng gubat. "Anong gagawin natin ngayon? Saan , kanino , at paano tayo hihingi ng tulong!?", natatarantang tanong ni Karen. "Easy lang Karen , makakaalis din tayo rito", pagpapakalma ni Sylvia. "Easy lang!? Tanga ka ba!? Nasa gitna tayo ng kawalan , hindi natin alam kung nasaan tayo tapos sasabihin mo sakin easy lang!?", wika ni Karen sa nanggagalaiting bosses. "Gago ka ba!? Paano ka makakapag-isip ng ayos niyan kung natataranta ka!?", tugon ni Sylvia sabay tayo sa harap ni Karen habang nakakuyom ang kamaao. Agad na tumayo si Mark at Nora upang paglayuin ang dalawa.
"Tumigil na kayo! Tayo-tayo na nga lang itong magkakasama dito tapos mag-aaway pa kayo?", wika ni Mark habang nakahawak sa braso ni Karen. "Kumalma nga kayo! Sa oras na 'to , ang kailangan ay magtulungan hindi magbangayan!", pahayag ni Nora. "Sa ngayon 'wag muna tayong maghiwa-hiwalay para na din sa kaligtasan natin", suhestyon ko. "Oo nga tama si Charry , magsama-sama muna tayo para lahat tayo ligtas", pagsang-ayon naman ni Michelle.
Nagulantang kaming bigla ng kumulog ng malakas at kumidlat. Namatay ang lahat ng ilaw at bumuhos na ang malakas na ulan. Magkakakapit-kamay kami nang sa gayon ay hindi kami magkalayo-layo. Puno ng kaba ang dibdib ko dahil sa lakas ng kulob at kidlat , nadagdagan pa ito ng may makita akong imahe ng isang babae sa labas ng pinto. Napasigaw ako ng malakas ng sa isang kurap ko lang ay malapit na sya sa harapan ko , pagtingala ko namn ay nakita ko ang chandelier na mahuhulog sa harapan ko. Hinatak akong bigla ni Sam at agad na dinala sa mga bisig nya.
Matapos iyon ay nagbukas bigla ang mga ilaw at may nakita kaming papel na nakadikit sa chandelier. Agad akong lumapit sa chandelier upang kunin ang papel na nakadikit dito.
Be very careful because I'm about to get one of you. Good luck.
-The Killer.
"Guys bilangin nyo kung ilan tayo , may isusunod na naman ang killer!", wika ko habang hawak-hawak ang papel na galing sa chandelier. Agad na nag-head count si Karen pagtapos kong ipaalam ang nalaman ko.
,
"Wait ilan na ang namatay?", tanong ni Karen. "Apat", sagot ko. "Yare kulang tayo ng isa", wika ni Joaquin. "Si Sylvia nawawala", tugon naman ni Nora. "Patay pano natin sya hahanapin , malakas na ang ulan at may kasama pang kulob at kidlat?", nag-aalalang wika ni Michelle. "Alam ko na hanapin natin sya sa buong gubat at dapat 12 noon nandito na tayo sa bahay para safe", suggest ni Sam. "Oo nga para mas mabilis natin syang mahanap", pagsang-ayon ni Mark. "Divided into 3 ang bilang natin para saktong lima sa isang grupo ang member", tugon ni Joaquin. "Sa isang grupo may tatlong babae at dalawang lalake or vise versa , para lang sure na safe ang girls kailangan may kasamang boys", wika ni Karen.Hinati nila ang bilang nilang lahat sa tatlo para makabuo ng tatlong grupo. Ang miyembro ng unang grupo ay sina Sam , Charry , Karen , Ethan, at si Mark. Ang pangalawang grupo namn ay binubuo nina Joseph , Karlo, Coleen, Jena, Anna. Ang pangatlong grupo naman ay kinabibilangan nina Jerome, Michelle, Red, Nora, at Joaquin. Matapos mabuo ang grupo nila ay inumpisahan na nila ang paghahanap. Nakasuot sila ng kapote dahil malakas ang ulan pero sa mga oras na ito ay wala nang kulob at kidlat. May dala din silang kanya-kanyang flashlight dahil medyo madilim ang daan.
"Mag-ingat kayo sa paglakad , baka madulas kayo , naulan pa naman", paalala ni Karen sa mga kagrupo. "Opo madam", sagot naman ni Ethan. Nagpatuloy pa kami sa paghahanap at wala naman kaming nakitang bakas ng isang tao. Ten o'clock am biglang umulan ng malakas kaya naman kumaripas na kami ng takbo papunta sa tinutuluyan namin.
Killer's POV
Minsan pa ulan bumuhas ka't 'wag nang tumigil pa,
Hatid mo ma'y bagyo , dalangin ito ng puso kong sumasamo,
Gigil ko'y umaapaw , ngipin ko'y humihiyaw sa saya,
Tuwing pumapatay sa munting silid nya.Ang sayang panoorin na silang lahat ay natataranta at ako nama'y papatay. "Haaaaaaaaayyyyy", uy gising na sya , sa wakas. "Good Morning Sylvia", wika ko habang may hawak-hawak na wine glass kanang kamay. "Ikaw ang killer!?", bulat na bungad ni Sylvia. "Oo , eh bakit naman parang gulat na gulat ka?", wika ko sabay baba ng hawak kong wine glass at kuha sa kutsilyo sa mesa. "P'ano ka nabuhay?", pagtataka nyang tanong. "Simple lang , tumakas ako", sagot ko.
"Ang ganda mo naman Sylvia. Tingnan mo naman oh , mapute , makinis , mahaba ang buhok , matangkad , at baby face. Ganyan ang itsura ko dati", wika ko habang umiikot sa pwesto nya. "Pero nagbago lahat iyon nang sunugin nyo ko ng buhay!! Ang malas mo dahil ikaw pa ang nahuli ko", wika ko sabay tapat ng kutsilyo sa leeg nya. "Huwag , huwag , nagmamaka-awa ako , 'wag mo 'kong papatayin", pasusumamo nya ng habang pilit na nilalayo ang ulo nya sa kutsilyo. "Bigyan mo ko ng rason kung bakit 'di dapat kita patayin", tanong ko. "M-ma-ma-maawa ka na , marami pa ang nagmamahal sa'kin , kailangan pa ako ng pamilya ko , ako nalang ang pag-asa nila para maka-ahon sa hirap", wika nya nang may kasamang paghikbi habang natulo ang luha.
"Ang galing mo namang umarte , pero hindi pwede!!"
"Maawa ka na please...."
"Maawa!? Bakit ikaw naawa ka ba nung ginawan mo ko ng chismis sa buong 'Riverstream' huh!?", 'di na ko nag-alinlangan pa at hinila ko palabas ang dila nya at pinutol 'yon. Napasigaw sya nang malakas at dahil sa gulat ay naitusok ko sa kaliwang mata nya ang kutsilyo na hawak ko. Mabilis na sumirit ang dugo na naging panligo sa kanyang katawan. Nang matapos ng sumirit ang dugo ay agad kong sinulatan ng number 4 ang kanyang noo.
--------
Maya-maya pa'y nakumpleto na silang lahat sa kanilang tinutuluyan. Walang sinuman ang nakahanap kay Sylvia at dahil malakas na ang ulan ay ipinagpaliban muna nila ang paghahanap. Napag-isipan ni Sam na magpalit muna ng damit dahil pawis na pawis na sya. Pagbukas nya ng cabinet nya ay hindi damit ang tumambad sa kanya kundi bangkay ni Sylvia na naliligo sa sariling dugo at may nakatarak sa mata nyang kutsilyo. "Guys nandito yung bangkay ni Sylvia!!", wika ni Sam na hawak-hawak pa hinubad nyang t-shirt. Unang lumapit si Karen sa tinurong pwesto ni Sam at nakita nga nya ang kaawa-awang pigura ni Sylvia na nawala ang ganda at kaawa-awa. Napagdesisyonan nila na ibalot nalang sa kumot si Sylvia at dalhin sa kubo na di kalayuan ang distansya sa kanilang tinutuluyan.
Sa mga oras na 'to ay nag-dadalamhati parin sila 'di lang dahil namatayan sila ng kamag-aral kundi dahil din sa kadahilanang 'di nila alam kung nasaan sila. "Five down , fifteen more. Prepare for your death", wika ng isang tinig sa 'di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Riverstream University: The Arrival of Dreadful Revenge
KorkuRiversteam University The Arrival of Dreadful Revenge "Sa aking pagbabalik , humanda ang lahat ng tumarantado sa'kin" [SLOW UPDATES] Maganda , sikat , may disiplinadong estudyante , at may high standard when it comes to quality education , eto rin a...