Chapter 8

1 0 0
                                    

Noah's POV

Congratulations Noah Contagle for passing the auditions.
Congratulations Noah Contagle for passing the semifinals.
The first inter-schools champion is Noah Contagle.

'Di ko malimutan ang mga salitang 'yan na pumasok sa tenga ko at tumungo sa utak ko. 'Di ako makapaniwala na ang dati kong pangarap na manalo sa singing contest ay natupad na. Ang pangarap ko dati na maging isang singer ay natupad na. Mahirap paniwalaan na natupad ko na ang mga iyon , pakiramdam ko ay nananaginip lang ako ng gising nung umpisa hangang napagtanto ko na totoo pala ang lahat ng iyon.

Pero mas naging masaya ako ng sobra ng tanggapin ako ni Charry bilang jowa nya. Ang pag-iibigan namin ay naging sikreto lang dahil ayaw naming may makaalam na kung sino man. Ang saya ng pagsasama namin na tumagal ng isang taon. Ngunit iniwan ko nalang siyang bigla at 'di na muling nagpakita. Third year highschool kami nanging mag-jowa at tumagal 'yon hagang fourth years highschool at iniwan ko na sya.

Inaamin ko nagkamali ako , inaamin ko nasaktan ko ang puso mo
Iniwan ka nang walang dahilan , sumama sa iba hindi man lang ako nagpaalam , 'di man lang nagpaalam.

One week after ng graduation ako nakipagbreak kay Charry , 'di ko sa kanya sinabi ang dahilan kung bakit ako nakipagbreak at nagpunta ako ng california upang hanapin ang pinakamagaling na vocal coach na pwede kong dalhin dito sa Pilipinas. Sumama ako sa manager ko at mas pinili ko ang industriya ng pagkanta kaysa sa sarili kong sinisinta. In short mas pinili ko ang career ko kaysa sa kanya.

Nabalitaan ko lagi ka raw tulala , dinibdib mo aking pagkawala
Lagi ka raw umiiyak palagi mo raw akong hinahanap 'di ka pa rin nagbabago , mahal mo parin ako

After one week , nalaman ko mula sa kaibigan nyang psychiatrist na si Cristine na lagi daw syang nasa isang sulok , tulala , at umiiyak. Alam pala nya ang tungkol samin ni Charry dahil lagi nya daw kaming nakikita na magkasama sa lumang building malapit sa city hall na magkahawak-kamay. Sya ang tumulong kay Charry upang maka-move on at bumalik sa katinuan. 'Di ko akalin na mahal pa rin nya ako matapos ko ang ginawa ko sa kanya.

Nanghihinayang , nanghihinayang ang puso ko , sapiling ko'y lumuha ka lamg , nasaktan lamang kita
Hindi na sana , hindi na sana iniwan pa , iniwan kang nag-iisa at nagdurusa , ako sana'y patawarin na.

Matapos ang lahat , 'di alam kung papatawarin pa nya ako. 'Di ko alam kung tatanggapin nya akong muli.

Paggising ko ay tinungo ko agad ang kitchen dahil parang maa gusto ko munang pawiin ang uhaw na nadarama ko kaya naman kumuha muna ako ng malamig na tubig at ininom ito.

One day palang kami rito ay dalawa na ang namamatay at nababahala na kami rito , sa ngayon ay iniimbestigahan parin ito ng mga pulis at sinagot naman ng school ang pagpapalibing sa namatay naming kasama. Napasulyap ako sa orasan at alas onse (11:00) na pala ng umaga , tinanghali na ako ng gising at lahat sila ngayon ay nasa ilalim ng puni ng maga at nagkakatuwaan. Pupuntahan ko muna sila roon upang malaman kung ano ang ginagawa nila. Habang naglalakad ako papunta sa kinaroroonan nila ay may naapakan akong papel na nakatupi ng apat na beses. Napagdisisyonan kong kunin ito at pasahin habang naglalakad.

Araw na kay ganda ,
Nakakaligayang makita.
Mga ibong umaawit ng masayang tugtugin
Ay magiging abo dahil sa'kin

Magandang katawan ay masisira
Makinis na balat ay matutuklap
At kagandaha'y mawawala ,
Huhulas , at maglalahong parang bula

Kutsilyong panghati sa baboy ,
Magiging panghati sa tao ,
Itak ay babaon ,
Sa taong lalaban sa panginoon

Ang katawan mong malusog
Ay tutusukan ng kutsilyo ,
Ang mata'y titirik ,
At ang dugo'y dadaloy

Mapula mong dugo ay magiging lakas ko ,
Buhay mo ay kukunin ko ,
Maghanda ka na sapagkat ikaw na ang sususnod
Sa hukay ay ibabaon at sa impyerno'y magdidiwang ka kasama ko.

Kinabahan ako ng mabasa ko ang nilalaman nito , kumaripas ako ng takbo papunta sa kanila. Habang tumatakbo ako papunta sa kanila ay bigla nalang akong tumiwarik. 'Di ko namalayang may tali pala na naka-abang sa aapakan ko at saktong paghila sa tali ay nandun na ang paa ko. "Tulong!!",sigaw ko at tumingala naman ang mga tao sa baba ng puno at nagulat sila ng makita nila akong nakatiwarik. Biglang may humila sakin paloob ng tree house at inupo nya ako sa isang silya at binuhusan ng gas. Kung hindi ako nagkakamali , isang babae ang pumapatay saamin. Matapos nya akong buhusan ay sunod nya namang binusan ang buong tree house.

Akala ko'y pagmamalupitan nya muna ako bago nya ako patayin ngunit hindi , bago sya tuluyang makababa ay sinilaban nya ang sahig ng tree house at nagtuloy-tuloy ang apoy papunta sa pader , kisame , at sa katawan ko. Marami pa akong pangarap sa buhay , gusto ko pang maging magaling na singer , maging recording artist , at makapaglabas ng album ,  ngunit 'di na 'yon matutupad dahil mamamatay na ako rito sa tree house na 'to at dito na rin matatapos ang buhay ko.

Karen's POV

Masaya kaming nagkwekwentuhan ng mga kaklase ko sa ilalim ng puno ng mangga. Habang nagkwekwentuhan kami ay kumakain din kami ng mangga na may kasamang bagoong. Perfect partner talaga ang bagoong sa mangga. Parang naglalaban ang tamis at asim. Ewan ko lang yung iba kung natatamisan sa bagoong , siguro ako lang yung natatmisan dahil first time ko lang natikman ang bagoong. Nung bata kasi ako panay green apple ang kinakain ko at orange. "Tulong!!", laking gulat ko ng marinig ko ang sigaw na iyon , naitapon ko tuloy ang hawak-hawak kong mangga ng marinig ko ang salitang 'yon.

Napatigalgal ako ng makita ko ang kaklase naming si Noah ay nakatiwarik na sa may puno. Bakit 'di ko namalayang may dumaan pala sa likuran ko kahit ako yung malapit sa sulok? Ilang sandali pa'y mayroong humila sa kanya paloob ng tree house. "Intayin nyo ko! Tatawag lang ako ng pulis upang humingi ng tulong!", wika ni Red sabay karipas ng takbo papunta sa loob ng bahay. Ilang sandali pa ang nakalipas ay nagliliyab na ang tree house at sumunod na nagliyab ang itaas na bahagi ng puno. Agad kaming nagtakbuhan dala-dala ang mga pagkain namin at lumayo sa puno.

Mukhang planada ang lahat ng ito ng killer dahil mantakin mo nasusunog na ngayon ang stem ng puno na parang binuhusan ng gasolina. Ang apoy ay magilis na angliyab at 'di rin nagtagal ay natupok na ang buong puno at dahil may mga damo rin na nakapaligid sa puno ay agad din na nagliyab. Agad kong inutusan si Sylvia na tawagan ang mga bumbero upang maapula ang apoy. Dahil nakadikit naman ang isang piraso ng papel sa pader na naglalaman ng mahahalagang numero ng na maaring tawagan in case of emergency kaya naman madali naming nakokontak ang sinoman.

Matapos ang limang minuto ay dumating na ang mga bumbero at inapula ang apoy. Tumagal din ng kalahating oras bago maapula ang apoy dahil ang apoy ay sadyang malakas. Matapos iyon maapula ang apoy ay agad na umalis ang mga bumbero at nilapitan ko ang lupang puro nalang abo ang natira. Ang katawan ng kamag-aral naming si Noah ay naging abo na kasama ang natupok na mga damo at ang puno. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Killer's POV

Number 1 , 14 , and 13 down. Prepare for your death! This time , your dead body will be a surprise!

~~~~~
Song featured:

Nanghihinayang revive by Angeline Quinto.
Originally interpreted by JEREMIAH

Riverstream University: The Arrival of Dreadful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon