Exorcism Part I

106 9 2
  • Dedicated kay Wattpad Chikz
                                    

Natatandaan ko pa habang nanonood ako ng isang pelikula sa tv pinagbibidahan ni Angel Locsin at Cristine Reyes. Mula sa television nakita ko na nanood sila ng pelikulang exorcism. Hindi ko masabi ang nangyayari sa pelikula basta habang pinapanood nila ito bigla na lamang hinimatay si Cristine.

Ng magising ito ay palagi na lamang itong tulala at parang wala sa sarili. Nagsasalita rin ito mag isa. Dahil sa nangyari pinagamot siya ni Angel sa doctor ngunit wala namang nakitang kakaiba ang doctor kay Cristine.

Ngunit sa bawat pagdaan ng araw lumalala ng lumalala ang kalagayan ni Cristine. Sa gabi ay nagiging mabangis ito at nagwawala, sumisigaw ito at pagkakuwan ay tumatawa. Paiba iba na rin ang boses nito nakakatakot at parang galing sa hukay. Dahil hindi na alam ni Angel ang gagawin sa kanyang kapatid ay hindi na siya nagdalawang isip na dalhin ito sa albularyo at ipatingin. Pagpasok palang nila sa bahay ng manggagamot ay panay na sa pagwawala si Cristine halos limang lalaki na ang may hawak sa kanya ngunit hindi pa rin nila kayang pigilin ang pagwawala nito. Ng makalapit ang albularyo kay Cristine ay agad nitong kinalmot ang mukha ng matandang albularyo.

Dinuro nito ang matanda at nagsalita “Hindi niyo ko kaya akin lang ang babaeng ito” nagbabantang sabi nito.

Ibang iba at nakakatakot ang boses nito. Pero imbes na matakot ang mangagamot ay patuloy niya lamang itong dinasalan at habang ginagawa niya ito ay patuloy din sa panlalaban si Cristine. Kalmot at sipa ang natatanggap niya dito at kung ano anong mura na rin ang nasabi nito sa matanda.

Lumipas ang ilang minuto ng bigla na lamang tumawa si Cristine at bigla itong nawalan ng malay. Habang tulog si Cristine napansin ng mga nakapaligid sa kanya ang patuloy na pagdaloy ng luha sa mata nito at ang malalalim nitong paghinga. Sinabi ng manggamot na kausapin daw si Cristine habang ito ay natutulog. Sinunod naman ito ni Angel agad siyang lumapit sa nakahimlay na kapatid at kinausap ito.

Sinabi ni Angel dito na huwag na itong masyadong malungkot at mamoblema sa pagkakahiwalay ng kanilang magulang. Sadyang may mga sarili na itong pamilya. Sinabi niya rin dito na kahit pa iniwan na sila ng kanilang magulang sisiguruhin nito na mapupunan nya ang pagkukulang ng mga ito, mamahalin, aalagaan at hindi nya ito hahayaang mag isa.

Lumipas ang dalawa hanggang tatlong oras nagising din si Cristine panay ito sa pag iyak agad naman itong niyakap ng kapatid at pinatahan. Ng makahuma ay ikinuwento nito kay Angel ang nanyari. Isinalaysay nito na nanaginip daw siya na may isang nilalang na pilit na kumukuha sa kanya ngunit hindi niya makita ang mukha nito. At nakita niya si Angel na ipinagtangol siya nito laban dito at hindi siya pinayagan nito na makuha siya ng nilalang. Kaya siya umiyak ay dun niya lamang napagtanto kung gaano siya kamahal ni Angel.

Pagkatapos noon ay pumasok sila sa loob ng kwarto ng albularyo. May binigay itong kwintas para kay Cristine. Ito raw ang magsisilbing pangontra at proteksyon ng dalaga. Sinabi rin ng matandang manggamot na sa tuwing martes ay kailangan niyang pumunta doon para dasalan at alagaan ng mga orasyon si Cristine.  Dahil kahit na napaalis na ng albularyo ang sumanib kay Cristine may posibilidad pa rin na bumalik ito.

"BINGIT" (Haunt by Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon