Exorcism Part II

85 9 3
                                    

Nang makauwi na ang magkapatid ay nag usap sila kung dapat pa ba talagang bumalik sila sa manggagamot dahil kung titingnan naman ay maayos na si Cristine. At sa totoo lang ay hindi sila lubos na naniniwala sa panggagamot ng isang albularyo nagkataon lang na wala na silang ibang pagpipilian kundi ang lumapit dito. Dahil dito ay napagdesisyonan nila na wag ng bumalik.

Lumipas ang ilang araw at hindi nila namalayan ang paglipas ng panahon at naging maayos naman ang kanyang kapatid. Isang buwan ang lumipas naging maayos pa rin ang buhay nila. Ngunit sa pagsapit ng ikalawang buwan muling nag iba si Cristine kasalukuyan itong naglalakad pauwi sa kanilang bahay dahil galing ito sa unibersidad na pinapasukan ng mapadaan ito sa isang kainan kung saan nakita niyo ang isang pamilya na masayang nagsasalo salo. Dahil dito muling umusbong ang galit nito sa kanyang magulang. Pagdating nito sa bahay ay agad itong nagkulong sa kwarto.

Kauuwi pa lamang ni Angel galing sa trabaho kinagabihan ng mapansin siyang wala si Cristine sa sala. Kaya umakyat siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay upang silipin ito sa kanyang kwarto. Nakita niya itong nakatalukbong sa kumot at tila nakaupo. Tinanong niya ito kung kumain na ngunit hindi ito sumagot. Kaya sinabi na lang ni Angel na bumaba na lamang ito at maghahanda siya ng pagkain nilang dalawa.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin bumababa ang kapatid kaya napagpasyahan ni Angel na bumalik sa kwarto nito.  Nasa harap palang siya ng pintuan ng kwarto ng kapatid ng marinig niya ang pagtawa nito. Pumasok siya sa kwarto nito upang tingnan.

Nakita niya itong tumatawa. Inakala ni Angel na nagbibiro lamang ang kapatid kaya sinabihan nito ito. “Bunso wag ka na ngang paVIP alam mo naman na gutom na si Ate.”

Pero hindi siya nito pinansin. Kaya nagpasya siyang lapitan na lamang ito. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng bigla na lamang itong umiyak na labis na ikinagulat niya at bigla na lamang ito nagsalita ng mga hinaing nito sa kanilang magulang.

Lalong nag alala si Angel dito kaya pinasya niyang tanggalin ang kumot na nakabalot dito upang aluin ang kapatid. Ngunit laking gulat niya ng makita ang kapatid na umiiyak at nagsasalita habang hawa hawak nito ang matalas na patalim. Tinangka niyang kunin dito ang patalim ngunit umiwas ito at biglang nagsalita.

“Kawawa naman ng Cristine ko lagi na lang nasasaktan. Hindi ko na papayagang saktan nyo ulit siya sa pagkakataon ito. Kaya kukunin ko na siya….”

“Cristine huminahon ka ibigay mo na sakin yan… please” pakiusap ni angel sa kapatid. 

Muli nya itong tinangkang lapitan ngunit laking gulat niya ng bigla nitong ibinaon ang patalim sa sariling leeg. At hindi pa ito nakontento sa ginawa. Mas lalo nitong idiniin ang pagtalim at pagkakuwan ay ngumiti kay Angel sabay hugot ng patalim sa leeg nito. Sumirit ang dugo at nagsitalsikan. Pagkakuwan ay tumawa ng pagkalakas lakas si Cristine.

“Wala ka ng magagawa akin na siya.” Pagkasabi nito ay paulit ulit nitong sinaksak ang sarili at ang huli ay ang pagbaon ng patalim nito sa puso. Panay parin ang pagtawa nito na parang nababaliw.

Tulala at walang tigil sa pagluha si Angel kitang kita niya kung paano unti unting maubusan ng dugo ang kapatid. Maya maya ay nakita niya itong tumigil sa pagtawa at nanghihinang bumagsak ang katawan. Bago pa man ito na mawalan ng buhay ay may sinabi itong lalong nag paiyak kay Angel. “Ate salamat ngunit patawad sasama na lamang ako sa kanya. Mahal na mahal kita.”

Kasabay ng pag iyak ni Angel ang pag alulong ng mga aso sa kanilang bahay. Wala na ang kanyang kapatid. Labis ang pagsisisi ang kanyang nararamdaman. Iniisip niya kung gaano siya kawalang kwentang kapatid ni wala siyang nagawa dito.

"BINGIT" (Haunt by Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon