Chapter 5 - Seriously?

98 2 0
                                    

Veronikae's POV

Andito ako ngayon sa school,

Nag lelecture ang Adviser namin,

" bla bla bla bla bla bla bla bla bla bla " - Miss Jen

hindi naman kasi ako nakikinig e, hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari nung weekend, akala ko best day yun. Mabuti nga hindi ako namatay, kasi nga diba? Marami ang namamatay sa maling akala. tss! ( CHOS! )

" Pst! Kae! Ui! " - Mika

Simula nung umuwi kami galing resort nila Mika, hindi ko pinapansin ang bestfriend ko.

Nagtatampo ako,

Akala ko naiintindihan ang dahilan ko kung ayaw ko nang makita si Rick.

Alam nya kung gaano ako nasaktan, pero

siya pa pala ang maagiging dahilan kaya nasasaktan ulit ako.

" Kae sorry na oh! "

Magkatabi ang mga upuan namin

kaya kahIt bulong lang yan, naririnig ko pa rin.

pero deadma pa rin ako.

**** RiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiNG! ***

Hay salamat, break time na. :)

Nagtataka kayo siguro kung ano ang nangyari nung nahimatay ako no?

-- THIRD PERSON'S POV --

Well, ganito yuN.

** F L A S H B AC K **

***** BOOOOGGSSSSHHH ****

Nahimatay si Kae, bakit?

Hindi pa kasi siya kumakain simula noong umalis sya sa bahay nila hangang makarating sa Private Resort. Sa sobrang excited ba naman nang dalaga, makakaisip pa ba yan kumain?

Nung bumaba sila sa sasakyan, nakaramdam na siya nang paghilo pero binalewala nya lang ito.

Nagandahan din siya masyado sa lugar e.

Kaya nung makita niya si Rick, lalong nadagdagan ang hilo niya, sa sobrang kaba at pagkabigla, nahimatay sya.

Pagkagising ni Kae, nandun na siya sa kwarto nila Mika

Tinanong nya kun ano ang nangyari,

at sinabi rin naman ni Mika ang dahilan, pati tungkol kay Rick.

Kaya naghanap nang paraan si Kae para makauwi kaagad kasi alam nya na may plano si Rick na lapitan siya, at ayaw niya nito.

** END OF FLASHBACK **

" Kae, sorry na talaga! Hindi naman ganun yung intensyon ko e!"

" Kung ganun, ano pala ang intensyon mo? Bakit mu tinulungan si Rick ha? Alam mo naman siguro na ayaw ko diba? Pero ano ang ginawa mo? Akala ko ba naiintindihan mo ako?"

" Akala ko kasi makakabuti na magkaayos kayo. Tutal matagal na yun diba? Past is past. Tinulungan ko lang naman ang pinsan ko. Hindi ko nga alam ang buong storya pero parang ang gaan nang loob ko kay Rick, feeling ko mabait siya, na may dahilan siya kung bakit ka niya niloko."

"Wow a? May dahilan na pala kapag nagloko ngayun? Ang sabihin mo, Flirt siya! Porke't patay na patay ako sa kanya noon ay magpapaloko rin ako. No way!"

"Oo na, hindi ka na magpapaloko. Hindi ko na tutulungan si Rick, promise!"

"Sige na nga, basta 'wag mo na uulitin ha?"

"Promise talaga!"

Nagkaayos na ang magkaibigan at nangako nga si Mika na hindi na niya tutulungan ang pinsan niya.

Andito sila nga sa Canteen, Recess kasi e.

At tulad nang ibang HS Students,

ang crush pa rin ang parating hinahanap.

" Mika, Miss ko na si Frans. >.< "

" Halata naman e, para ka ngang Giraffe dyan."

" Hindi ko pa kasi siya nakikita. Asan na kaya siya? Pareho naman yung recess natin sa kanila a?"

" Don't worry, magugutom rin yun. And speaking of, mukhang nagutom a. Andiyan na siya! :D"

" Hinding hindi talaga ako magsasawang tingnan siya."

Tiningnan lang ni Kae si Frans hangang matapos ito bumili nang pagkain.

At mukhang wala nang mauupuan ang binata.

"Uhm, excuse? Pwede bang makiupo? Wala na kasing bakante sa iba e."

Mukhang hindi narining ni Kae si Frans na nagsalita, hindi pa rin nag si-sink in sa utak niya na lumapit sa kanila ang binata.

Kinurot ni Mika si Kae kaya natauhan rin siya.

"Ha? Anong sabi mo?

" Ang sabi ko, pwede bang makiupo?

"Makiupo? Dito?

" Oo, pwede ba?

Kilig na kilig lang si Mika na pinapanood si Kae at Frans na nag uusap. Kahit na mukhang tanga sa Kae sa pinagsasabi niya.

"Sure ka?"

" Uhm, kung pwede lang naman e. Pero kung ayaw mo, okay lang. Sige."

Mukhang nagulat si Mika sa nangyari at sinenyasan na si Kae na pigilan.

" Uh, wait! A-ano, pwede kang umupo. :)" Sabay ngiti.

"Thanks"

Habang kumakain, tulala si Kae,

Paano ba naman kasi, sa kanya tumabi si Frans.

Palihim nga na tumatawa si Mika, parang baliw lang din.

Mukhang napapansin ni Frans na tahimik lang si Kae at tawa nang tawa naman si Mika.

Kaya nagsalita na siya.

" Kae?"

"Haa? A-ako? A-a-ano y-yun?"

"Ok ka lang?"

"H-ha? Oo naman."

" You sure?"

" Me Sure! "

Huli na nang maintindihan ni Kae ang sinabi niya kaya nagsalita sa ulit.

" U-uh I mean, I'm sure. hihi. ^___^v"

" Pwedeng bang magtanong?" - Frans

Gusto sanang barahin ni Kae kaso nga lang si Frans pala ang nagsalita.

" Kanino?" - Kae

" Sayo"

" Anu yun?"

" U-uh M-may B-b-boyfriend ka ba?" Nauutal na sabi ni Frans.

Uyyy! Crush kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon