Rick's POV
Hi, ako nga pala si Ricko Louie Agustin pero mas kilala ako bilang Rick.
So, Rick ang gagamitin ni Miss Author. Sya nag imbento sa akin e.
Anyways,
Ex ko si Veronikae o Kae.
Naging kami for 4 months
at kahit sa konting time na yun
masasabi ko nga minahal talaga namin ang isa't isa.
Pero noon na yun
mahal ko pa naman sya hangang nayon
pero ewan ko na lang sa nararamdaman nya sa akin.
Siguro galit yung feeling na yun.
Hindi ko naman kasi sinasadya ang mga nangyari noong 3rd Year kami.
Si Sandy kasi e, tss!
Isa si Sandy sa pinakamaganda sa campus pero mas maganda pa rin si Kae.
Maganda nga si Sandy pero kabaliktaran sa kanyang ugali.
Sobrang spoiled yan ng Daddy nya.
Sa sobrang yaman nila, nakukuha niya lahat nang gusto nya at
nagagawa ang gusto nyang gawin.
Ayaw na ayaw ni Sandy kay Kae dahil sa sobrang halata nga sobrang ganda din nito, sobrang lapitin din nang mga lalaki.
At nalaman din nya na ako ang kasintahan ni Kae
hindi ko alam ang plano nya noon kaya nahulog ako sa mga patibong nya
hindi ko inaasahan na gagawin nya iyon.
Sobrang tanga ko rin at nagpadala ko
Sa ka'gaguhan ko! Kaya nawala sa akin si Kae
ang pinakamamahal kong si Kae.
Mahal na mahal ko pa rin sya hangang ngayon.
At sa kagustuhan kong bumalik ang dati sa amin ni Kae,
humingi ako nang tulong sa pinsan ko,
ang bestfriend ni Kae
si Mika.
Hindi ko na rin sinabi sa kanya ang buong storya pero
sapat na ang sinabi ko sa kanya para tulungan niya ako.
at tinulangan nga nya ako.
Sa Private Resort na lang daw nila Mika
ngayong weekend.
Kaya sinimulan ko nang gawin yung sa plano ko.
Ngayon na yung outing
ngayon na yung plano
Ngayon na ngayon na yun!
Nauna na ako sa Resort
alam ko naman kung saan ito e.
Bahala na yung iba kong pinsan, malalaki na yun, at mga lalaki.
Alam din naman nila to e, pero wala akong maaasahan sa kanila
so, ako na nga lang.
Nakarating na ako
at ginawa ko na ang mga dapat gawin.
Andito na ang mga pinsan ko pero naglibot muna sila,
bahala sila.
Nagtext na din sa akin si Mika
malapit na raw sila.
Kaya naghanda na ako.
Sana patawarin ako ni Kae.
Tumayo lang ako sa parang garden nila
Hinihintay ko nalang na magawi sya dito.
At nakita ko na nga sya
Mag'isang naglalakad.
at mukhang nakilala nya ako.
Lalo akong kinabahan.
Kae's POV
Parang si Rick,
Parang hindi,
Sino ba yun?
Mga pinsan lang ni Mika ang kasama namin dito a?
Hindi naman sila magpinsan ni Rick.
Ano ba to!
Makalapit nga nang konti,
Para kasing may hinihintay.
Dafuq lang!
Si Rick nga!
Hindi ako nagkakamali.
Pero parang hindi ako makatakbo
Parang nakarugby yung tsinelas ko sa semento
Hindi ako makagalaw.
Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha.
Ano ang nangyayari?
Papalapit sa akin si Rick,
ayoko nito!
Hindi ko namalayan nandito na sya sa harap ko.
Hindi pa din nagbabago yung itsura nya,
Ganun pa din.
Pero ang bilis nang tibok nang puso ko.
At alam ko hindi ito dahil may nararamdaman pa ako sa kanya,
Pagdududa at galit ito!
Sigurado ako.
"Kae" --Rick
Hindi ko alam ang gagawin ko,
hindi ko inaasahan to.
Pero para akong nahihilo,
dumidilim yung paningin ko.
*** BOOOGGSSHHH***
BINABASA MO ANG
Uyyy! Crush kita!
Teen FictionRoni is one of the sweethearts in their campus, many guys like her, many guys court her, and also, many guys got rejected by her. Why? Because there is a young man whom she have a crush on named Frans. But not like any other man who have lots of gir...