Chapter 01.
"Alam mo Elora pang ilang bote mo na yan. Stop na uy."
"Shut up Kai." Sabay agaw ng beer na hawak hawak niya.
Nakailan na nga ba ako? Lima? Hay ewan, oo baka nga. Ay mali isama pa pala natin yung inagaw ko bali anim.
"Anim." Pabulong kong sinabi. Natahimik ako at napatulala.
Anim na taon na pala mula ng magkakilala kami ni Jaze. Hay nako Jake. Mula ng makilala kita kala ko ikaw na. Alam mo yun, yung parang sa mga teleserye at movie. Yung tipong magiging bestie tapos maiinlove tapos kayo yung tipong "happily ever after". Bongga diba?
Pero hindi, real life kasi ito.
Sabihin na lang natin na umabot na tayo sa stage na in love. Sadly, dun rin tayo nagtapos. Hindi ko alam, hindi pa ba ako sapat?
Eh pano yung mahal ko, lalaki rin pala kasi ang gusto.
"Bakla, punyeta naloko ako ng bakla."
"Hay nako Elora, eh di mo naman masisi si Jake eh. Ikaw rin naman kasi masyadong girly. Pag monthsary make up ang nais ayan tuloy nahumaling yang boyfriend mo sa mga ganyan."
"Napakababaw, hayop!" Sagot ko sabay inom ng beer ko.
"O siya tama na yan Elora, ang bata bata pa natin oh. Ano gusto mo mamatay tayo ng maaga dahil sa liver cancer? Ayoko, gusto ko pa mahanap yung prince charming ko noh!"
"Prince charming? Iiwanan ka rin yan kasi makakahanap pa yan ng ibang prinsesa."
"Bakit ba ang bitter mo ha?" Sabat niya at tumabi sa akin sabay agaw ng beer.
"Kai. Kaisee Sinca. Alam mo bes haggang ngayon napapaisip ako bakit ganyan spelling ng name mo. Bakit di na lang KC yung K and C?" Napataw si Kai, at syempre ako rin.
"Adik ka rin eh. Lasing ka na, tara na. Tsaka reyna ka nga talaga ng mga change topic type na kausap."
"Edi wow."
Luamabas mula sa cbar ang magkaibigan. Nahirapan silang makahanap ng taxi.
"Oy bes uso kasi waze at uber diba? Be millenial naman oh napagiiwanan ka na."
"Ay gago kahit mag waze o uber pa ako rush hour ngayon, taken na lahat ng taxi."
"Edi mag airplane na lang tayo."
YOU ARE READING
Bes, tipsy na ako.
Teen FictionIsang barkadang problemado na tila beer lang ang makakasagot dito.