Gusto Kita, Ikaw Lang Talaga

79 1 0
                                    

Hindi ko maintindihan si kupido

Papana nalang, hindi pa asintado

Oo nga’t sa akin ay sapul sa puso

Pero bakit sayo’y daplis lang sa siko

Hindi tamang sabihing gustohin mo rin

Pagkat ako’y babaeng may halaga rin

Sabihin mang sakim, di pa rin aamin

Aayaw ka lang at ayokong mabitin

Itonong mo sa aking mga kaibigan

Puso’t isipan ko, ikaw lang ang laman

Kahit sa tindera roon sa may kanto

Sa driver ng jeepney na sinasakyan mo

Gusto kita, ikaw lang talaga

Itanong mo sa alagang aso’t pusa

Ngiti mo palang, parang nasa langit na

Sa buwang matatanaw sa bintana

Sa araw paggising mo sa umaga

Gusto kita, ikaw lang talaga

Ngunit ayaw na saakin ay manggaling

Takot marinig ang iyong sasabihin

Mas mabuti  pang kalimutan na kita

At biglang pumatak itong mga luha

Ngunit..

Sabi ni kupido, ng mga kaibigan ko

Ng tindera sa kanto, driver ng jeepning sinasakyan ko

Sabi ng aking aso’t pusa

Ng buwan at ng araw

Ako’y mahal mo na, bakit humanap pa ng iba

Gusto ko mang magsisi

Wala ring mangyayari

Bakit hindi ko nakita, bakit hindi narinig

Sana noon palang agad ko nang sinabi.

Gusto kita, ikaw lang talaga 

:)

IMPACTako PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon