Notice Me.

8.1K 195 48
                                    

       Paki play yung kanta habang binabasa. :) 

___________________

NOTICE ME.

 

                We come from different places, but two worlds collided could be beautiful.

 

                “Hoy, payatot! Hindi ka pa ba mag uupdate ng story mo sa wattpad? Madami kami nag-hihintay oh.”  Text ni Audrey, bestfriend ko at isa sa mga annoying readers ko na kakaupdate palang humihingi kaagad ng kasunod.  Para bang ganun kadali mag-isip ng susunod na update, minsan kapag hindi ka nag-update kaagad papagalitan ka pa. Hindi ko nalang sila pinapansin kapag ganun kasi kahit naman ganyan sila sobra ko silang naappreciate dahil sa pagtyatyaga nilang basahin mga stories kong produkto ng pag kabored ko dito sa bahay.  “Panget mo, mag-online ka sa meebo chat maeexpire na ‘tong load ko eh. Ge.” Agad akong nag-online sa wattpad para makachat si Audrey. Nakakamiss din pala ‘tong meebo, buti nalang binalik nila ulit, tinanggal kasi nila dati at hindi ko alam kung bakit.

                Mabilis din na nakapagonline si Audrey, kaya agad ko siyang chinat para maasar dahil bored naman ako ngayon.

                                DanielJFP: Panget.

                                WrdsbyAdry: Mas panget ka! Mag-update ka na please.

                                DanielJFP: Libre mo ko bukas, mag-uupdate ako. ;)

                                WrdsbyAdry: Ibabash kita sa Wattpad Confessions, walangya ka! Hahaha.

                                DanielJFP:  Go ahead, asa ka naman papansin ko yun.

                                WrdsbyAdry:  Porket madami kang fangirls dito!

                                DanielJFP: Dali na kasi.

                Seryoso ako sa sinabi ko kay Audrey na mag-uupdate ako kung ililibre niya ako dahil wala natira sa pang-baon ko ngayon week, bumili kasi ako ng bagong libro para malibang ako sa darating na bakasyon. Pag sa bakasyon pa kasi ako bumili, wala na akong pera kaya ayos lang na mawalan ako ng baon ngayon week kesa saw ala akong mabasa. College na ako next school year at sa UPLB ako papasok. Hindi ko nga alam kung pano ako nakapasa sa UPCAT dahil hindi naman ako nag review talaga, stock knowledge lang ginamit ko. Maswerte lang talaga ako. Balak kong mag BS in Agricultural Biotechnology. Ang layo ng course na kukunin ko sa hobby kong pag-susulat at pag-babasa, no? Yan kasi talaga napagdesisyunan kong kunin eh.

                DanielJFP: Psst, panget. San ka na?

         Kanina pa hindi sumasagot si Audrey sa mga pm ko sa kanya sa meebo. Malamang nag-babasa nanaman yun ng mga stories sa fanfiction. Ewan ko ba, kung pupunta ka sa fan fiction category dito sa Wattpad (Filipino world) puro makikita mo si Lorraine Mariano. Sakop nga niya nga ata buong fan fiction eh, para bang siya lang artista sa Pilipinas. NO, I don’t hate her masyado lang ako nauumay sa kanya. Masyado na kasi siyang overrated, mapatv man o wattpad.

           WrdsbyAdry: PAYATOT!!! GISING KA PA? GRABEEEE, SORRY. Iniyakan ko pa kasi yung last update sa Letters to Lorraine. Yung feels, payatot! Grabeeee! Basahin mo din!

Notice Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon