Chapter 4: Barkada

174 6 0
                                    

(A/N: Natagalan ang update ko, BTW sana may nagbabasa xD. Yun lang sige tuloy na natin)

---------------------------

JADE's POV

2 months na ang nakalipas after the welcome party, at Linggo ngayon, nagising ako ng maaga, Gagala kami ng barkada ko ngayon, Barkada? Yup, nakilala ko sila sa bar.

Ewan ko kung saan kami pupunta pero sige sasama na lang ako, masaya sila kasama eh!

-

Andito na ako sa meeting place namin, at mga ilang minuto lang ang

lumipas andito na din sila.

Ipapakilala ko muna sila sa inyo..

Tequila Santos- Tequila? Yup, trip daw ng magulang niya, haha Maingay, Mabait, Average girl, Daddy's girl yan, She's 19, at may boyfriend. Pasaway yan, at mahilig mag bar, Matalino kaso tamad mag-aral, alam niyo bang kahit anong itanong mo dyan, alam nya? ganun siya katalino, kaya siguro tinamad mag-aral, kasi mas marunong pa sa teacher niya, xD

Max Alvarez- Siya ang BF ni Tequila, Playboy dati, pero nung nakilala si Tequila, nagbago, mas loyal pa sa may asawa, haha, He's 20 mas matanda ng 1 year kay Tequila, Gwapo DAW, haha at mahilig mag 1 night stand noon, ilang babae na ang napikot at napaiyak niyan, Bobo yan, kabaliktaran ni Tequila, haha, may alam konti, pero mas madaming alam sa pambababae haha xD

Tennesi Faye Lee- Half korean, half pinoy,pero dito lumaki sa Pinas, Tahimik lagi yan, matipid magsalita, napaka cold makipag usap, ewan ko nga kung pano namin naging kaibigan yan, Scholar yan, Masyadong matalino, gaya ni Tequila, pero ang kaibahan, Masipag mag-aral, Actually Average girl kaya sikat na Cosplayer, Hindi halata kasi mahilig mag disguise, She's 19 at Senior na din siya, Siya noon ang Valedictorian noong Highschool siya, kelanman hindi bumaba ang ranggo niya sa pagiging valedictorian. Mayaman ang pamilya nila, pero simple lang siya, hindi halata, sa Cosplay niya lang pinapakita, nagka BF na perodi rin nagtagal.

George Anderson- Anak ng may-ari ng Anderson Company, He's 19 at sa tingin ko may gusto kay Tennesi, Heartrob, pero hindi mahilig sa malandi, ang tipo niyang babae ay parang si Tennesi, mabait yan, pero medyo mahangin, Wala pang babae ang niloko or kinama yan, ang corny nga niyan e, Mayabang pero deep inside mapagmahal at hinihintay daw ang babaeng para sa kanya, o diba madrama? Corny, tsk!XD

Sila ang barkada ko ngayon, OK, back to reality.

Papunta kami ngayon sa Beach, Mag swimming na lang daw kami, Aiyshh!! Wala akong dalang damit, kaya bumili na lang kami sa mall kanina.

Tatlo ang gamit naming kotse, Si Tequila ang kasabay ni Max, si Tennesi naman ay nakisakay kay George. At ako mag-isa, wala eh, solo flight, haha..

-

After 1 hour na byahe, Alas Dyes na pala ng umaga..

"HELLOOOOOO, BEACH!"- sigaw ni Tequila

"Tara, Swimming na tayo guys, Yeeeey! excited nako"- sigaw ulit niya habang hinihila si Max.

Nagpalit na kami ng pang swimming, Naka shorts at beach polo lang ako, hindi nakabotones kaya kita ang Abs kong sexy, at Naka shades din ako.

Naglalakad lakad lang ako sa gilid ng beach, habang sila Tequila at Max, abalang naghaharutan sa dagat.

"Tennesi, tara swimming din tayo!"- aya ni George kay Tennesi.

"Sige"- Cold na sabi ni Tennesi, pero bago pa sila sumulong, tinanggal muna ni Tennesi ang shirt niya, kasi naka shirt na mahaba siya kanina.

Habang tinatanggal ni Tennesi ang shirt niya, Nakatitig lang sakanya si George, Halatang nanlaki ang mata niya ng matanggal ni Tennesi ang damit niya. Haha Lakas ng tama, Ngayon ko lang din nakitang nag 2 piece si Tennesi.

"PSH! wag mo akong titigan ng ganyan, laway mo- cold na sabi ni Tennisi habang nakangisi

"Ah--eh!, tara na nga"- nanginginig na sabi ni George habang kinakamot ang ulo wahaha, napaghahalataan na siya, sa sobrang hangin niya, ngayon lang siya natorpe. Gagu!

Habang naglalakad lakad ako, may namataan akong babaeng umiiyak sa baba ng puno ng niyog, nakatakip yung mukha niya gamit yung kamay niya..

Nilapitan ko siya, at naririnig kong naglalabas siya ng sama ng loob

"*sniff sniff* Ba--bakit ba lagi niyo *sniff na-lang sinasaktan ang damdamin naming mga babae"  - sambit nya habang humihikbi hikbi pa

"Ehem! Penny for your thoughts miss?"- Sabi ko sabay abot ng piso xD

(to be continued) Sorry yan lang kinaya ko, busy eh, siningit ko nga lang sa time ko yan :) thanks for reading :D

My Amnesia Girl is now a Gangster!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon