ARA P.O.V
AYAW ko sanang makita siyang umaalis na naman pero kasi kanina pa niya ako tinatawagan eh, pinapapapunta niya ako dito sa bahay nila. Naabutan kong hinahanda na ni Tita yung bag ni Kuya.
"Tita." Tawag ko sabay mano ko sa kanya.
"Oh iha, anong balita?"
"Wala naman po Tita."
"May pagkain sa kusina, kumain ka na muna dun. Inaayos ko pa 'tong bag ng Kuya mo, babalik na siya ngayon."
"Okay po." Iniwan ko na siya at pumunta na ako ng kusina. Uminom lang ako ng tubig nang tumunog na naman ang cellphone ko. Nagtext si Kuya kung saan na daw ako. Umakyat ako ng kwarto niya, naka-ilang katok pa ako bago siya sumagot sa loob.
"Nagbibihis pa ako."
"Ako 'to Kuya." Saglit lang ay bumukas na ang pinto at hinila niya ako papasok at agad akong sinunggaban ng halik. Napangiwi nalang ako sa pagsalpok ko sa kanya, parang kaninang madaling-araw lang naman kami naghiwalay at buong mag-damag na magkasama. Hinayaan ko na muna siya ng ilang minuto nang tila wala na siyang balak na pakawalan ako ay nanulak na ako sa dibdib niya.
Nagpasaway naman siya at pinagpatuloy na ang pagbibihis. Ang tikas talaga niya, bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Kuya is 6'5 tall pero mas lalo siyang tumangkad kung tingnan dahil sa combat uniform niya. He's such a hunk — tall, broad-shouldered, and charming.
Yung mga braso niya parang beterano na agad sa sipa at suntok. Tito Junseo was a reserved Army in South Korea and I think that expires Kuya to join military too sa halip na i-manage ang business nila. Wala na din namang magawa sila Tita Carmen e bata palang daw, men in uniform na ang pangarap na trabaho ni Kuya. Naging Scout Ranger pa nga siya, hay naku—
Bigla siyang napalingon sa akin kaya huling-huli niya akong nakatitig sa kanya. Ngumisi siya at niyapos ako. "Why are you staring at me? Mamimiss mo ba ako?"
Tumango ako. "Bakit ikaw?"
Lumapad yung ngiti niya. "Of course! Ingat ka dito and don't you dare—don't even think of cheating."
"Sus ako pa talaga! Parang di ko naman alam na yung mga sundalo panay babae kahit saan nakadestino."
"Sila lang yun. Iba ako."
Di na ako sumagot at nagtitigan lang kaming dalawa. Hay, ilang buwan na naman kaya na di ko siya makikita? 3 months? 5 months? Sobrang nangungulila na agad ako, kung pwede lang sanang wag ko na siyang paalisin. Eh sino naman kasi ako para gawin 'yun?
Dinampian niya ako ng halik. "I need to leave."
I nodded. Madiin pa niya akong hinalikan sa noo at bumaba na kami. Naabutan naming nasa sala si Ate Mia. "Babe!" Humakbang siya payakap kay Kuya. Agad akong napayuko, kahit naman kasi pigilan ko, nasasaktan pa din ako. "Babe naman, akala ko ba next week pa ang balik mo? Kapag nandito ka naman, parati ka namang wala. Nakakatampo na."
"Babawi nalang ako." Sabay halik ni Kuya sa kanya. Parang kinurot na naman yung puso ko. Ano ba yan! Di ko dapat 'to nararamdaman eh! Natural lang na halikan niya si ate Mia kasi girlfriend niya 'yun.
"Ingat ka dun ha?" bilin pa ni ate, I saw Kuya nodded. Wala akong karapatang masaktan kasi nakikisiksik lang naman ako sa relasyon nilang dalawa. "Babe, miss na agad kita."
"I'll call you." Kuya responded. Kinalma ko nalang yung sarili ko, feeling ko tadtad na ng saksak ang dibdib ko. Gutay-gutay na nga yata eh. "Ara." tawag sa akin ni Kuya.
Napatingin ako sa kanya. Nakayakap pa din sa beywang niya si ate. Sinikap ko nalang na maging normal lang yung ekspresyon sa mukha ko. "P-Po?"
"Pauwi ka na ba? Sabay na tayo palabas."

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...