Forbidden Love 6

8.8K 106 3
                                        

ARA P.O.V

PARANG gusto ko nalang tumakbo palabas. Napayuko ako, mas masakit pala to kaysa sa makita ko sina ate Mia at Kuya na naglalambingan. Pagtingin ko ulit sa kanila ay sakto namang napalingon din siya sa direksiyon namin. Halatang nagulat siya nang makita kami, bigla siyang napatayo kaya napasubsob sa sahig ang babae.

"Aray!" Ngiwi ni Pinky na parang siya ang nahulog at nag-swimming sa sahig na walang tubig. Tumalikod na ako.

"Oh Ara, saan ka pupunta?"

"Akyat lang po muna ako sandali." Sabi ko at wala ng likod-lingon na lumabas na ako. 

Pasakay na ako ng elevator nang madinig kong tinatawag ako ni Kuya. "Ara!"

Pero mabilis na akong pumasok at pinindot pasara ang elevator, nakita ko pa siyang tumatakbo pero di na niya ako naabutan. I hate him! Nagmamadali na akong pumasok ng kwarto namin. Kakaupo ko lang nang mag-ring ang phone ko, si Kuya ang tumatawag.

Buksan ko daw ang pinto, panay na din ang katok niya. Hinayaan ko nalang siya, di ko din sinagot ang phone ko. Panay ang ring kaya tinanggalan ko nalang ng battery. Bahala siya sa buhay niya.

Humiga na ako, sabi naman kasing wag ng bumaba eh. Hayan tuloy, nakita ko yung bagay na ayokong makita.



KINAUMAGAHAN.

"Ara una na kami sa baba ha?" sabi ni Pinky. Di sila halatang hang-over ah. Tumango lang ako saka tumayo na din para maligo. "Goodmorning Kuya Jeff."

I rolled my eyes nang madinig ang pagbati nila kay Kuya, kinuha ko 'yung cellphone ko at nilagay na ulit ang battery. 

"Morning. Bababa na kayo?"

"Opo. Pero si Ara nasa loob pa."

" Sige. Kumain na kayo dun."

"Opo."

Di ko siya nilingon nang pumasok na siya. Kumuha lang ako ng damit ko, lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Baby—" Mahina niyang anas. Tinanggal ko ang kamay niya at kumuha ng towel, sumunod pa din siya. "Ara kausapin mo naman ako. Sorry na kagabi, sobrang lasing lang talaga ako at medyo napa-enjoy kaming masyado ng mga Kuya mo."

Di ako umimik, papasok na sana ako ng banyo nang pigilan niya ulit.  "Ara naman! Nagpapaliwanag na ako oh, 'yung babaeng 'yun, wala lang 'yun. Basta lang 'yung lumapit sa akin at sumayaw-sayaw. Pero wala 'yun. Di ko nga alam ang pangalan niya eh."

Galit kong binawi ang braso ko sabay bagsak ng pinto ng banyo. Naligo na ako, akala ko ay umalis na din siya pero paglabas ko ng banyo nasa kama ko siya at naka-upo. Agad siyang tumayo at kinulit na naman ako. Di ko pa din siya kinibo. Panay ang hawak niya sa akin pero panay din ang tabig ko sa kamay niya.

"Baby—sorry na. Di na mauulit." Nagsusuklay na ako ng buhok ko nang yakapin niya ako mula sa likuran. "Sorry na ha? Kahit tanungin pa natin ang babaeng 'yun, hindi talaga kami magkakilala. Sorry na, kausapin mo na ako please?"

"Di naman kasi yun ang point Kuya eh! Di mo pala alam ang pangalan niya eh bakit hinayaan mo siyang umupo sa kandungan mo?! You even touched her! Akala mo ba di ko nakita na hinahawak-hawakan mo siya?!"

Natameme siya sa pagsigaw ko. Kinalas ko ang mga braso niya na nakapulupot sa akin. "Siguro kapag nasa misyon ka nagpapakasawa ka sa mga babae ano?! Iba-iba pang nationality! Bwesit ka!"

"Ara naman—lasing lang talaga ako kagabi, di ko na nga matandaan ang mukha ng babaeng 'yun eh! Sorry na please? Babawi nalang ako."

Inirapan ko lang siya at lumabas na, para naman siyang aso na buntot ng buntot sa akin. Sinadya kong tumabi sa mga Tita ko at kina Nanay para di niya ako malapitan. That's his punishment. Nagkasya nalang siya na tumitingin-tingin sa akin. Kapag nagtatama ang mga mata namin ay matalim niya akong iniirapan, halata naman kasi niya na sinasadya kong lumayo sa kanya.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon