a jerk's love CHAPTER I

224 17 10
                                    

Introduction:

Mahirap maging mahirap…

Maraming problema na kailangan mong isipin at gawan ng solusyon. Lahat na lang naman kasi ngayon, nabibili ng pera. Pera na ang susi sa lahat.

Mahirap maging mayaman…

Hindi mo alam kung sino ang totoo sa mga taong nakapalibot sayo. Ni hindi mo nga sigurado kung sino yong mga taong nagmamahal sayo ng totoo. Yon ay kung meron ngang nagmamahal sayo.

Ako si Chio Chang, 18. Ang nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya dito sa bansa. Nasa akin na ang lahat, magandang bahay, mga mamahaling sasakyan, limpak limpak na pera. Isa na lang ang kulang..

 ang babaeng mamahalin ako ng totoo.

Chapter I :

(*krinnggg.. kriinnng.. kriinnng*)

7 am na naman. Ibig sabihin nun, simula na naman ng boring kong buhay. Papasok na naman ako.

= Mr. Chio, gising na po. Mr. Chio. May pasok pa po kayo.

Naririnig ko na naman ang nakakiritang boses ni Tina. Katulong ko. Tssk.

·         Oo na! gising na ako! Ano ba!?

Asahan nyo na. Araw araw, yan ang unang lumalabas sa bibig ko.

·         Di ba ngayon ang dating nila mommy galing America? Andyan na ba sila?

= Tumawag po ang mommy nyo kanina, didiretso na muna daw silang Japan para sa another Business meeting.

·         F*ck! Pakisabi, wag na lang silang bumalik!

·          O? ano pang tinutunganga mo dyan? Ready na ba yong pampaligo ko?

= ay! Oo nga pala! Sorry po.

·         Bilisan mo na!

Masyado ba akong masungit? Sino ba naman ang hindi magiging ganito ang ugali kung araw araw, makakasama mo ang isang katutak na katulang na mga ta*nga?!

Tapos, wala pa akong magulang dahil talo pa ang ibon kung lumipad kung saan saang bansa.

Andito na ako sa school. Late na ako dahil sa walang kwenta ko na katulong.

= Class, because Christmas season is near, I decided that we will have our “Pamaskong Handog” in a place near our school to give joy and help to the people who are in need. I decided to do it the day after tomorrow. Since, all of us here are financially stable, all of us can give a great help to those people….blah.blah.blah.

And our corny Professor continues his speech. Talo pa nya yong tatakbong Presidente ng Pilipinas sa speech nya eh.

= …I decided to the area near the blank area. Those houses near the river.

-          What?! Are you kidding Mr. Bustamante?! I am not going there!

=I guess, you don’t have a choice Mr. Chang. This “Pamaskong Handog” will be part of your final grades. You need to go whether you like it or not, or else, you will be stocked in here.

-          D*mn you!

=Watch your words Mr. Chang! I am still your teacher!

At dahil sa sobrag inis ko, lumabas na ako sa classroom! Asar talagang teacher yon!

I decided to call my girlfriend, Nicole.

-          Baby, where are you? Meet me in the school parking lot asap, okay?

a jerk's love (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon