a jerk's love CHAPTER II

139 9 20
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER II:

KATNISS’ POV.

Whoah! Ang pagod tumakbo..

Aissshht! Peste talagang lalake yon. Wala na akong trabaho dahil sa kanya. Makauwi na nga.

Ooppps. Kilala nyo na ba? Ako si Katniss the order taker. (nabasa ko lang yan sa chapter 1. Sa POV nung asungot na hot. Hahaha)

To formally introduce myself.. (English?!!) wag na.

Ako nga pala si Katniss Sanchez, 18. Nag iisang anak ng isa sa pinakamaya---joke. Ako ang nag iisang anak ng isa sa pinaka MAHIRAP na pamilya dito sa bansa.

Working ex-student ako. Huminto muna ako sa pag aaral dahil nagkasakit yong nanay ko. Kailangan kong kumita para sa gamot nya. Ang tatay ko naman, ewan ko kung nasaang lupalop na yon ng daigdig. Sana na-abduct na lang sya ng alien. Iniwan kami ng tatay ko nung..nung.. simula nung may mangyari sa kanila ng nanay ko. Hindi nya alam na anak nya ang magandang tulad ko. (HAHAHA. Joke lang)

Sa yellow cab ang trabaho ko tuwing umaga. At sa gabi naman, waitress ako.

Pero dahil sa nangyari kanina .. at dahil sa asungot na HOT na yon, isa na lang ang trabaho ko.. DAKILANG WAITRESS.

So much for my introduction. (English na naman?!! HAHA. Feelingera!) andito na ako sa mansyon namin malapit sa *toot* river.

·         Nay! Andito na po ako.

= O anak. Ang aga mo ata ngayong nakauwi.

·         Oo nga inay eh.

= Wala bang masyadong trabaho ngayon kaya nakauwi ka kaagad?

·         Hindi Inay. Hindi dahil sa walang masyadong trabaho ngayon. Sabihin na lang natin na, wala na po talaga akong trabaho.

Ano kayang magiging reaksyon ng nanay ko?

= ah. Mabuti naman at ng makapagpahinga ka na. Anak naman kasi, masyado mo ng binugbog ang sarili mo dahil sa trabaho. Mag asawa ka na lang ng mayaman para tapos na kaagad ang problema natin.

·         Eh inay naman. Ang gusto mo namang ipaasawa sa akin, yong anak ni aleng Ebang.

= Oo nga anak. Mayaman naman sila Ebang ah.

·         Inay, mayaman sila sa utang. Saka nay, mahirap lang rin sila. Lamang lang sila ng sampung-piso sa atin eh.

Nagulat ba kayo sa usapan namin ng nanay ko? PRAKTIKAL kami eh. Hahaha

= Sya nga pala anak. May pamaskong handog daw bukas dyan sa barangay hall. Nagpalista na ako. Pumunta ka bukas tapos kunin mo yong mga relief para sa atin ha?

·         Opo. Eh Inay? Galing na naman ba yon dyan sa mga anak mayaman?

= Oo anak. Kaya jackpot na naman tayo bukas.  O sige na. magluto ka na dyan at ng maka kain na kaagad tayo. Para makapag pahinga ka na rin.

·         O sige. Dyan po muna kayo.

Nagluto na nga ako. Magaling akong magluto ng kahit ano. Pagkatapos kong magluto, kumain na kami ng nanay ko.

(*totot…totot..*)

O? gulat kayo ano? May cellphone ako.

From: EX na manloloko!

Bhe, qum@in u n@ v@?

Syempre, hindi ako nagreply. Alam nyo na kung bakit. Bukod sa JEJEMON sya, eh manloloko talaga yon. HAHAHA.

a jerk's love (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon