Chapter One

11 1 6
                                    

Wait for me

Bea's POV

Nag aayos ako ngayon nang mga gamit ko dahil babalik na ko sa Pilipinas, ayoko na dito, parang akong sinasakal dito na malapit nang malagutan ng hininga. At namimiss ko narin ang future husband ko na si Akihiro, mahal na mahal ko siya at siya lang ang tanging mamahalin ko habang buhay. Hindi siya katulad nang ibang mga lalaki na naging boyfriend ko noon, mga manloloko't mukhang pera, katulad ni Gabriel na minahal ko pero niloloko lang pala ako para sa pera, kagaguhan! pero iba feeling ko kay Aki, iba siya.
Kinuha ko ang picture frame sa lamesa ko na picture ni Aki.
"I miss you, miss mo na rin kaya ako?" Bulong ko sa sarili habang nakangiti ngunit may lungkot sa aking mga mata.

Kriiiiing! Kriiiiiiing!

"Fuck?!" Sigaw ko

"Sinong tumatawag sa ganitong oras?! Gabi na ah" sabi ko sa sarili ko.

Naglakad ako papalapit sa kama ko para kunin ang phone ko, aynako si mama lang pala.

"Hello ma." Sabi ko

"Bea? How are you?" Sabi ni mama

"I'm fine, by the way uuwi na ko ng Pilipinas bukas nang hapon nakabili narin ako ng ticket, sunduin niyo ko ah? Tsaka alam narin ni Papa" Sabi ko kay mama.

Si mama kasi nasa Pilipinas pero sa papa andito kasama ko, kaso laging nasa trabaho, dito nila ako pinag aral ng dalawang taon. It's been two years! And I'm so excited to see Aki! Wala kasi kami communication dahil pinutol lahat yun ni papa, mag aral daw muna ako ng mabuti then mag eengaged na kami ni Aki malabs hihi. Kaya naman ginawa ko yun, kagagraduate ko lang nung nakaraang linggo at sa Pilipinas ko na ipagpapatuloy ang lahat.

"What?!" Medyo pasigaw na sabi ni mama

"Bakit? Ayaw mo nun? Uuwi na ko, makikita ko na ulit si Aki ma! I miss him very very much and I want to hug him tight!" Sabi ko na may kagalakan, narinig ko nalang si mama na bumuntong hininga.

"Okay okay, basta sa Manila ka muna magstay wag ka munang umuwi, ipapasundo nalang kita kay Manong Jenel" sabi ni mama, si Manong Jenel ang driver namin, ang tagal niya nang nagseserbisyo sa family ko, since bata pa ko.

"Sige, bye na mwa!" Sabi ko kay mama tsaka pinatay na ang linya. Pinatay ko na ang ilaw tsaka natulog dahil maaga akong gigising bukas para makauwi na. Excited na excited na ko para bukas, habang kakaisip nun ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Krrrrr! Krrrrr!

Asus! Maryosep! Agad akong napabangon dahil sa alarm clock ko, nahiga ulit ako agad dahil biglang sumakit ang ulo ko pagkatayo, after five minutes bumangon na ko para magready at maka alis na sa bansang ito. Kumain ako, naligo at nagbihis at inayos pa nang mabuti ang aking mga gamit at baka may nakalimutan pa ko.

---

Nandito na ko sa eroplano, at iidlip muna ko dahil matagal tagal pa ang biyaheng ito.

Nagising ako nang may nagsalita na bababa na ang eroplanong ito.

Oh my God! Andito na ko, at naglalakad na palabas nang airport. "Aki, wait for me." Nakangiti ako habang binulong iyon sa aking sarili.

Leave me||Don't leave meWhere stories live. Discover now