Chapter Two

5 1 0
                                    

"BAKIT SA LINGGO PA?

----

Bea's POV

          Hindi ako makapaniwalang nandito na ko, habang naglalakad ako nakita ko si Manong Jenel na may hawak na Cartolina na may nakasulat na 'Welcome back' haay nako nageffort pa. Kinawayan ko nalang rin siya bilang pagpapahiwatig na nakita ko na siya. Sa totoo lang, 6 na taon lang ang agwat namin pero sanay na kong Manong ang itawag ko dahil di ako komportable.  Pinuntahan ko siya sa kinatatayuan niya.

"Manong Jenel, nasan po si mama?" Tanong ko

"Mag inasikaso lang na importante" sabi ni Manong Jenel

       

  Tumango nalang ako bilang tugon doon sa sinabi niya at naglakad, sumunod naman siya at inunahan ako sa paglalakad at kinuha lahat ng bitbit ko tsaka para ituro narin kung saan niya ipinarada yung sasakyan namin. Pinagbuksan niya ko ng pinto at nagpasalamat ako bilang tugon.
 

        Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa salamin ng kotse namin, umuusad na ito papunta sa hotel na pagiistayan ko. Haaay, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumingin sa bintana ng kotse, ang tanging nakikita ko lang ay ang mga ilaw sa matataas na building dahil gabi na at mga kotse na humaharurot at pawang nakikipag unahan pa sa amin. Pumikit ako at umidlip na muna dahil pagod pa ko.



          "Beang Beang, gising ka na nandito na tayo" sabi ni Manong Jenel habang niyuyugyog ako.


          "Mmmmm mmm" bilang tugon ko at dumilat, at nung nakita niyang nakadilat na ko, siya ay lumabas na at kinuha ang mga dalahin ko.

         Lumabas na ko ng kotse at nakita ang hotel na kung saan niya ko dinala.

"Unknown Hotel" bulong ko sa sarili ko, at saka pumasok ng nakita ko si Manong Jenel na nasa likod ko na bitbit na lahat ng gamit ko, habang naglalakad ako inunahan na ko ni Manong Jenel para kunin na ang susi ng kwarto na pinareserve ni mama at ibinigay niya sakin ang susi. Kinuha ko yung susi at nanguna nanaman sa paglalakad.


          At nung nakita ko na ang no. 226 na kwarto ay pinasok ko ang susi at pinihit to at bumukas ang pintuan, pumasok ako kasunod si Manong Jenel. Nilagay niya ang mga dalahin ko sa tabi ng kama at tumingin sakin.


         "Aalis na ko, maglock ka daw sabi ni Madam. Babalik na ko, sa linggo ka na daw umuwi." Sabi ni Manong Jenel, ngunit nung hahawakan niya palang ang doorknob ay nagsalita ako na nagdulot sa kanya para huminto sa paglalakad.


         "Ahm, bakit sa linggo pa po ko uuwi?" Sabi ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga ngunit nung magsasalita na siya ay nagsalita na ko ulit.

         "Nevermind, sige po ingat nalang po kayo." Sabi ko at tumango naman siya bilang tugon at umalis na at sinarado ang pinto. Bakit kaya sa linggo pa ko pinapauwi? May ano ba?

         Hanggang sa pagtulog ko ay ayun parin ang nasa isipan ko at di na ko naghapunan di rin naman ako gutom. At dahil sa hindi pa ko inaantok, tinawagan ko si Bebe Aki ko. Pero di niya sinasagot kaya tinext ko nalang.

       "Hey baby. I miss you so bad! Haha! Bakit di mo sinasagot tawag ko? Busy ka ba sa office? Di ako makatulog e. Sige, text ka nalang pag di ka na busy. Love you! Mwa!" Messege sent! Tsaka pinikit ko ulit mga mata ko at pinilit matulog.

Haaay, sweet dreams to me.




A/N: HAPPY READING! THANK YOU SA PAGBABASA! SORRY DAHIL LATE UPDATE LAGI. HAHA.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leave me||Don't leave meWhere stories live. Discover now