Chapter 1: Intro

1.6K 20 1
                                    


"Kung kayo, kayo" isa lng naman un sa mga katagang lagi nating naririnig sa matatanda. Kalokohan! Sa buong buhay ko ilang ulit narin ako nasaktan, iniwan at kadulad nyo rin pinag papalit. Fun diba? "TITO keeeyyyyyyssss!" tawag ng mga bata sa labas. At OO, Keys nga pala pangalan ko weird diba? Apparently nung pinanganak daw ako eh usong uso daw ung katagang "kaen susi" eh ayun medyo bagets ung mga magulang ko so un narin pinangalan nila saken 17 yrs old single male straight at 2nd yr High School. "Sandali lng wag kayong atat!" sigaw ko sa mga bata sa labas. "Mag larooo na tayooo!!" iritang iritang pag ka sabi ni Boknoy. "Nanonood pa ko ng K-drama! Antayin mo!" At oo, kalalake kong tao mahilig ako sa mga k-drama at j-drama sa sobrang addict ko sa mga to eh kaya ko ng makaintindi ng hapon pero hindi ng korean dahil hirap na hirap akong intindihin ung salita nila. (makalipas ang ilang ilang minuto) "HOY TITO KEYS! Tama na yang kakadrama mo dyan! Apat na oras ka ng babad dyan" galit nag alit na pag kasabi ni buknoy. "baket ba? Patapos na oh! Mawawala na si Kim Shin oh!!! Hinalikan na nya ! naiiyak nako"nagpapanic na sinabi ko kay buknoy. BREENNNG TUGNG (tunog ng malakas na sasakyan di ko alam pano isulat eh! xD) "anong maroon?" nag tatakang sinabi ko (sabay tingin sa bintana) "ohhhh.... May bagong lipat! Sa tapat, kanina pa ba sila nandyan?" gulat na gulat na tanong kay buknoy. "Oo, nung isang araw pa daw yan balita daw nila may magandang babaeng anak daw ung lilipat" Kilig na kilig na sabi ni buknoy. " jusko! Ang bata mo palang kinikilig ka na dyan? Ano parang anime lng? Mag kabitbahay kayo tapos mag kakagusto kayo sa isa't isa no? KALOKOHAN! Ilang taon ka palang kurutin kita dyan eh." Iritang iritang pag kasabi ko sa landi ni buknoy. "HOY KEYS ANAK, bumaba na kayo dito may dala akong tinapay" malakas na sigaw galign sa baba.

(Sa baba ng bahay)

(Ding dong) "hoy keys anak, buksan mo nga ung pinto" utos ng aking gigil na ina habang kumakaen ng kayang paboritong tinapay. "opo eto na po" (bukas ng pinto) "Hello, Kami nga pala ung bagong lipat Cruela de Vara nga po pala" (biglang abot ng kamay) ng isang nanay na sobrang ganda akala mo super model. Maala Kendal Jenner ung itchura tapos ung isang katabi naman nya eh isang typical middle age old man. Taray swerte nung asawa ah muka namang mayaman ang laki ng bahay na binili nila eh. Ay teka teka teka!!! May tao papala sa likod nag naka focus sa phone nya kaya di ko gaanong na pansin. Eto ata yung anak nila. Anyways back to the story "Ay helloooo pooo" Awkward smile habang nag tataka bat kailangan pa nilang bumati? Di naman uso un dito sa Pilipinas ah? Ano Election? Cruela de Vara for councilor? Parang ganun? "Eto nga pala meryenda na sobrahan kase ung dala naming pag kaen eh tatatlo lng kame." Mahihinin na inalok ni Mrs. De Vara. "Ay salamat po ako nga po pala ang pamilyang Stark na magiging kapitbahay nyo. Maraming salamat po" Tuwang tuwang pag tangap sa pag kaen. Jusko pag kaen na to tatangihan ko pa (sabay ngiti nila paalis) ay teka ung anak! Ung anak nila!! Di ko pa nakikita! (si buknoy nag mamadaling tumakbo papunta) " TITO TITO! Ung anak nila? Kasing idad ko ba?" landing pag tatanok ni buknoy. "Hindi parang dalaga na ata eh parang kasing idad ko lng? Tumigil ka ngang bata ka! Landi landi mo. Mga bata talaga ngayon!" feeling matanda na pakasabi ko. "Hay na ko tito! Mas marami pa nga ata akong naging ex-gf kay sa sayo eh. Mga bata talaga ngayon mature na di katulad nyo" nag yayabang na sinabi ni buknoy. Pambihirang bata to! Suntukin ko to eh! Oo tatlo lng naging ex ko kumpara sa kanyang lima! At kakaiwan lng din saken nung isa. Pero parang ok lng? Kase wala naman akong niligawan sa kanila? Kase mostly ng mga babae ngayon ayaw na mapunta sa ligawan stage. Pero if ever man manligaw ako gusto ko na sya na dapat ung taong papakasalan ko.

(kinabukasan sa school)

 "HOY Stark! May bagong transfer daw sa 3rd yr! tara silipin naten!" excite na excite na nag aya si Jaime. "oh? Dude! 3rd yr un! Makikita ko namaman ung bulling si Cyrile eh" Iritang iritang ipinaliwag kay Jaime ung dahilan kung bakit ayaw ko. "DUDE! Natalo mo naman na sya sa suntukan! Takot na un sayo!" lakas ng loob ni Jaime na nag aya. "Sya kaya nag palala ng hs life mo ng 1st yr sure ka gusto mo pa syang makita?"nag pupumilit gumawa ng dahilan para tamarin si Jaime. "naka move on na ko! Tra na dude!" nag pupumilit na mag aaya tong hayup na to (sorry sa words XD) ano pa bang choice ko? Edi sumama. Ay nakalimutan ko rin palang sabihin! Isa nga pala ako sa mga siga dito sa school. Nung bata pa kase ako muka akong shaolin kid kaya pinilit ako ni mama mag practice ng karate. At di ko ineexpect na magagamit ko un nung last day ng 1st yr namen anyway back to the story. "Just to say dude! Loyal ako kay Jessica kaya kahit anong ganda nung bagong lipat hindi ako matitinag" nag yayabang na sabi kay Jaime. "Sus Jessica Jessica! Di ka pa nga nun pinapansin! Hangang tingin ka lng boy! Nginitian ka lng isang beses nag ka gusto ka na agad." Sabi ng hayup kong kaibigan. "wait teka! Ayun ayun! Ung babae! F**k ang ganda nya!" kilig na kilig na pag kasabi ni Jaime. Samantala ako bored na bored na. (tunog ng phone) "oy! Nag text saken si Jessica nag HI!! Tara na dude! Parating na daw ung teacher!" at un di ko nakita ung bagong transfer na 3rd yr! habang nung pabalik kame "KEYS?" sabi ng isang babae na galing sa likod. "Alicia keys? Di po ako un? (sabay lingon) selle? UY SELLLLEEE!!" si selle nga pala ung isa sa mga kababata ko! Na super crush ni Tin na isang kababata namen na di naman din sila nag katuluyan kase nag ka boyfriend si selle nung junior high at etong si Tin nilamon na ng kpop at Korean stuffs. Sa kanya rin ako nang hihingi ng drama minsan. "OO ako nga! Hihi long time no see! Kamusta si tita? Ay teka ayan na pala ung teacher sige mamaya nlng! Puntahan mo ko pag katapos ng klase" sabi ni Selle habang nag mamadali pumunta ng CR. "hoy! Sino un? Ang ganda nun ah?" gulat na gulat na tanong ni Jaime. "kababata ko? Type mo? Pakilala kita sa magulang? Hue hue hue" nang aasar na sabi ko. "JOKE LANG UY! Alam mo namang mahina loob ko sa ganyan" mahinang sinabi ni Jaime habang nag lalakad kame papuntang classroom.


(Uwian)

Nag lalakad na ko pauwi ng biglang "HOLY SH*T OF PAPER! Nakalimutan ko si selle!" oh well may bukas pa naman. "Edi balikan mo, Kawawa naman to si kuya" sabi ng isang babaeng nasa likoran ko. (sabay lingon ako) "ehh? Sino nag salita?" nagulat na pag kasabi ko na di ko namalayan na saharap ko na pala ung babae. "Ang yabang mo ah? Porket matangkad ka? " galit na galit na sinabi ng babae habang nakatingin saken. At bigla akong nagulat! Sa nakita ko akala mo parang humito ung oras nung nakita ko sya? Alam ko sa mga drama lng dapat to nang yayare eh. Pero nang yari talaga! Pag katingin ko sa baba eh napansin ko ung isang babae na parang pamilyar ung itchura. Kaso wala naman akong kilalang ganto ka ganda? Teka? Sya ba ung bagong lipat?


Love Story not quite romanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon