A Sign From The Universe
SIX WEEKS LATERજ⁀➴
"Wala lang 'yun. Wala, wala, wala."
"Paano mo nga nasabing wala lang yun, girl?" walang katapusang pangugulit ni Icy sa'kin. "Hindi mo ba nagi-gets yung nangyari kagabi? Yung mga sinabi ng tropa niya? Tinulungan na siya ng mga 'yon kasi natotorpe siya sa'yo! They understood the assignment, girl!"
Habang nagtatanggal ako ng mga poster ni Dae-Hyun ay maririnig ang boses ni Rylie at Icy sa apat na sulok ng silid ko na nagmumula sa video call. This whole argument over one picture was getting ridiculous. I didn’t even know why we were making such a big deal out of it. It’s not like I’d ever see Euchleid again. I’d be leaving within the week anyway, as soon as my father sent fare money to my uncle in the province to come pick me up.
"And you don't understood yours," Rylie countered her. "Hindi mo masisisi si Fritzey kung hindi siya delusional na katulad mo."
"Wow. Aray, te ah? Tinamaan ako ng malala, iilag mo naman mga salita mo, 'di ako makailang, e."
Kahit halos araw-araw ko naman sila masaksihan na mag-argument sa room nun ay natatawa pa rin talaga akong panuorin sila. I will miss this. I will miss being the slow kind of friend na taga-nood lang habang nagtatalo ang dalawa niyang matalinong kaibigan.
"Isn't it true? You always based on people's actions to assess them as if it was enough to prove your point. Makita mo nga lang na tumititig sa'yo palagi, crush ka na agad, hindi ba puwedeng kamukha mo lang ang namatay nilang kamag anak at na-amaze lang, or perhaps they find your face annoying. It could be anything, bruh."
"O, edi ako na! Ako na ang leader ng mga delulu!"
Napaisip ako bigla sa huling sinabi ni Rylie. Could it be possible that Euchleid find my face annoying after that encounter? For the past six weeks, he couldn't get over it? Ah, sabagay, not everyone can forgive and forget so easily. Gaano pa man kalaki o kaliit ang kasalanan o atraso mo, and if you don't have the decency to apologize, atraso pa rin 'yun.
“But that doesn’t mean I’ll back down from my observation that night!” Icy fired back, determined. “Malaman ko lang talaga ang zodiac sign nung si Euchleid, isasampal ko sa inyo na tama ako!”
“Go ahead, I’m waiting. As if all that astrology stuff is accurate,” Rylie replied dryly.
"Accurate naman talaga! Alam mo ikaw, napakabasher mo 'te. Parang hindi ka nakibasa nung nagbabasa ako ng zodiac horoscope sa dyaryo, ah?” Icy shot back, clearly ready for a showdown. “Hintayin mo lang bakla, darating ang araw na mas maaadik ka sa'kin sa astrology at iyon ang magiging takbuhan mo para kilalanin ang isang tao! Sinasabi ko sa'yo!"
“Oh really? When was that? I’ll mark that day on the calendar, para ma-remind.”
“Wait till you fall head-over-heels for someone!”
Rylie gave her an annoying laugh. “Too bad, I'm in do not disturb.”
"Fritzey, ireto mo nga 'to sa bestfriend mong kano... Si Faren! Tingnan natin kung hanggang saan angas neto."
"Sige, kapag nag online." I ride in. "Kaso palaging busy 'yon sa basketball. Pogi nga, matinding karibal mo naman ang bola. Okay lang ba sa'yo 'yung ganun, Rylie?"
BINABASA MO ANG
Book of Flames [ UNDER-REVISION]
FantasíaTMG SERIES #1.1 Fritzey Aisaeah Velasco seems like an ordinary person, except for her unique gift that she can determine if two people are destined for each other. Despite this extraordinary ability, her own romantic life is a tangled web, leaving h...