Chapter 6

50 23 0
                                    

Alpha 6

"Real Date?"

It's already our last day of school today, so Astrid and Samantha decided to sleep at my place tonight.

"My mom won't be there. So don't expect tasty dishes" at silang dalawa halos malukot ang mukha. Pero si Astrid ay biglang napangiti na parang may naisip na ideya

"Eh kung isama natin si Oris" at tumango tango naman si Samantha

"Isama ko saan?" at napatingin kaming lahat sa nagsalitang si Oris

"Hi Oris, pwede ka ba mamaya? Nood tayo ng movie sa bahay ni Alpha" tanong agad ni Astrid kay Ze-Oris, bati na nga pala kami....

Haay nako malamang umepal lang siya, sana di siya sumama. Wait diba bati na kami? bakit naaasar pa rin ako sa kanya? Ugh! Nevermind.

"Uhmm, try ko, text niyo na lang address nina Alpha" sagot naman niya sabay upo sa tabi ko

Matapos naming kumain ng lunch ay tinext ko na kay Sean ang oras nang punta niya sa bahay.

After class ay sumabay na sina Samantha, Astrid at Oris sa kotse ko pauwi ng bahay.

"Looks great" aniya Oris, pagpasok namin sa bahay.

"Thanks" sabi ko naman habang paakyat papuntang kwarto ko para mag-palit ng aking pambahay

Hmm. Ano kayang susuotin ko? Dadating si Sean kaya dapat maaayos na pambahay naman ang suotin ko, para kahit papaano maayos ang itsura ko sa harap niya.

Kinuha ko ang aking cute na pantulog, partner siya na t-shirt at pajamas na may design na unicorns hihi.

Matapos mag-bihis ay bumaba na ako, at naabutan ko silang lahat na nagkakagulo na sa papanuorin na mga movies

"Ate si ate Samantha oh, sabi ko na ayaw ko ng horror eh!" reklamo ni Aeiou sa akin, nakauwi na pala siya

"Hayaan mo na Aeiou yang si Samantha. Tatabihan na lang kita ok—"

*tok tok tok*

At saka tumakbo na ako papunta sa pinto dahil alam ko na kung sino ito, and I'm so excited!

"Hi" bati ko kay Sean

"Hello Alpha. Hmmm napaaga ba ako ng dating?" tanong niya at tinignan ang oras sa kanyang relo

"No, you're just in time actually pumipili na sila ng movies na papanoodin" sabi ko habang ginigiya ko siya papuntang living room

Hindi napansin ng mga kasama ko si Sean kasi mukhang busy sila sa kanilang pagtatalo, kaya naman pinaupo ko na siya sa sofa na nakalikha ng mahinang tunog, kaya naman napatingin silang lahat kay Sean. Awkward....

"Ah guys, si Sean nga pala friend ko" pagpapaliwanag ko na agad sa kanila, ngunit base sa galaw ng kilay ni Samantha ay mukhang may iba itong iniisip.

Lumapit si Samantha kay Sean at nakipag shake hands siya

"I'm Samantha, Alpha's bestfriend" pagpapakilala niya, kaya naman lumapit na rin si Astrid para magpakilala

"Astrid, also Alpha's bestfriend" at nakipag shake hands din

Wooh! Buti na lang wala silang sinasabing awkward kay Sea—

"Ate siya ba yung sinasabi mong ka-date mo kahapon?" sigaw ni Aeiou na naging dahilan ng pag-tingin nilang lahat sakin, maging si Sean

OMG! Nakakahiya kay Sean baka sabihin niya kinuwento ko na nag-date kami kahit na simpleng dinner lang naman yun

"A-ah Aeiou d-diba sinabi ko naman sayo –dinner lang yun" Waah!!! Nangangatal ang boses ko sa sobrang kahihiyan shit!

Loving Alpha Letters (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon