Chapter 8
''Frustrated''
"Cheers!"
"Hoy! Siro akala mo ang gwapo gwapo mo, lalo na nung una tayo nagkita, kala mo ang taray taray mo" wala na talaga ako sa sarili ko, Kanina pa kaming nag-iinuman ni Siro dito kaya lasing na kaming dalawa hindi ko na nga alam kung ilan na ang naiinom namin
"Tss. Ikaw nga d'yan sasabihin mong ikaw unang nakakuha, Eh tinititigan mo lang naman diba?" medyo hindi ko na maintindihan ang pagsasalita niya dala ng kalasingan
"You assh*le, don't you know na kukunin ko na dapat yun, I'm just too happy nung nakita ko ulit yung librong yun" at uminom ulit ako sa can ko ng beer
"Yun ba ang dahilan kung bakit asar na asar ka sakin dati?" medyo seryoso niyang tanong
"Yup, t'saka tingin ko naaapaka pabida mo" just stating the truth. Wala ng filter ang bibig ko ngayon
"Hindi na nga kita naalala nung nagkita tayo ulit kina Ashley" mahinang saad niya sabay inom din ng beer
"Oo nga napansin ko parang hindi nga tayo nagkita dati kung tingnan mo ako" ako
"Eh kasi naman diba medyo wala ako sa sarili ko nung time na yun, kaya wala ako masyadong maalala lahat kasi inii-snob ko ng time na yun"aniya
"Hmm" medyo napapapikit na ang mata naming sa kaantukan
"Tara akyat na tayo, inaantok ka din yata" aniya sabay inalalayan niya ako at sabay kaming umakyat sa hagdan papuntang guest room
Inaantok na talaga ako kaya dumiretso agad ako sa kama at ibinagsak ang sarili ko dun
"Alpha dun ka sa kwarto mo" mahinang aniya at humiga na din sa kama
"Inaantok na ako wag ka ng magulo" niyapos ko ang unang unan na nahawakan ko
"Alpha baka kung anong isipin nila" mahina niya uling saad, at halatang inaantok na
"Hayaan mo sila" at hinubad ko ang t-shirt ko, mas sanay kasi akong matulog ng ganun
Hindi na ako muli nakarinig ng ingay. Nilamon na ng dilim ang paligid
"Hmm" I moan, nang naalimpungatan ako at yapos yapos ko pa din yung unan
"Hmm" I heard another moan. WTF! mukhang natigilan din yung yapos yapos ko
I slightly open my eyes at nakit ko siyang gulat na gulat din. It's Siro na nakatingin sa b**bs ko sh*t. Sabay kaming napatayo sa sobrang awkward naming pwesto
"B-bakit ka nandito?" sabay hablot sa kumot at binalot sa katawan ko
"Huh? Hindi ko din alam. Pero diba ito yung guest room? Ikaw ang bakit nandito?" at ginulo niya ang magulo niyang buhok
"H-hindi ko din alam" sabay upo sa kama at umupo din si Siro sa kama
"B-bakit naka bra ka lang?" nag-aalangan niyang tanong
"Sanay kasi akong matulog ng ganito" at sinuot ko na ang t-shirt ko
"Sorry, ang huli ko lang na naaalala ay yung nagsimula tayong uminom" at yumuko siya
"Hindi mo naman kasalanan kung bakit tayo nahantong sa ganitong sitwasyon, t'saka obvious naman na walang nangyari diba" kunwari ay ok lang sakin na nangyari 'to. Pero ang totoo gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan
"Promise walang makakaalam na tabi tayong natulog ngayon" at tumayo na siya
"Thank you" maikling saad ko, at nakita ko siyang lumabas ng pinto
BINABASA MO ANG
Loving Alpha Letters (ON-GOING)
Teen Fiction*********** I'm Alpha, Alpha Letters and I'm here to tell you my story, My Love Story specifically. I'll tell you how my 'Once Upon a Time' starts and how it ends Okay! 3,2,1 Read! Book cover by: @OfficialJustinW