Kilala mo ba ang kumakain ng laso?
Kilala mo ba ito bilang isang tao na gutom sa mga sinulid na nakabuhol sa leeg nito?
Alam mo ba ang kulay ng laso?
Alam mo bang kulay dugo ang dumadaloy sa ugat nito?
Ako ay nagtataka kung bakit lahat ay natatakot.
Bakit lahat ay siya ang itinuturo?
Bakit lahat ay siya ang dinuduro?
Marahil siya ay bihagㅡ sa higpit.
Sa laso na hindi niya mahigit-higit.