k u t s o n

8 0 0
                                    

Hindi ako sanay sa kutsong hindi pantay.
Makati,
di kumportable,
manipis,
at masyadong madumi.
Ang kutson ko ay masarap higaan.
Malambot sa katawan.
Eksakto lang at magaan.
Lahat ng pagpapakasarap ay dapat may pares na alak.
At may ubas na tiyak na kay tamis.
Kulang ito kung wala ang dyosang gagapang sa akinㅡ
at sa kutsong nakalatag sa amin.

Tila ako ay nagising nang may sumampa sa akinㅡ
at sa kutsong makati at dumihin.
Pwersahang lumipad ang kamao ng nakasampa sa akin.
Ito ay muling naulit.
Isa pa.
Dalawa.
At sobrang dami pa.
Naghiyawan ang mga nakapalibot sa amin.
Nagsi-alisan ang mga kahel nang tumunog ang bakal sa likuran.
Nakakapanlumo ang dugo sa paligid.

Tumulo ang luha pababa sa pisngi ko. May naalala ako. Wala na ang kutsong gusto ko.

BandanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon