t a m b o

6 0 0
                                    

Dali-daling umuwi si Anna galing eskwelahan dahil may masaya itong ipapaalam sa kanyang ina.
Nang matanaw niya ang tricycle na ginagamit ng tatay niya sa pamamasada araw-araw ay mas lalo siyang ginanahang pumasok agad sa bahay.

Nakangiting tinanggal ni Anna ang sapatos bago umapak sa loob ng kanilang sementadong sahig. Nakaramdam siya ng dulas mula sa paa niyang may nakabalot pang medyas.

"Inay! Nandito na 'ho ako." Hindi mawala ang kurba sa labi ni Anna.

Hanggang sa matanaw niya ang ina niyang lumabas mula sa kusina.

Agad na kinuha ni Anna ang papel sa kanyang bag. Akmang ipapakita sa harap ng nanay niya.

Napatigil si Anna sa kanyang puwesto nang magulat itong nasa tabi niya na ang nanay niya. Masama itong nakatingin sa kanya.

"Inay, top 3 po akㅡ"

"Walanghiya ka talagang bata ka!"

Naputol ang masiglang daloy ng emosyon ni Anna nang simula siyang hinawakan ng nanay niya sa ulo at pinangigilan itong niyugyogㅡ Napalitan ito ng takot. Na unti-unting pinasisikip ang paghinga niya sa kaba.

"Gago ka! Pahirap ka sa pamilyang 'to! Napaka walang hiya mo!"

Pinagpatuloy nitong panggigilan ang ulo ng anak. Hanggang sa sinimulan na nitong hila-hilahin ang makakapal na hibla ng buhok ng Anna.

Sa pagmamalupit na natatanggap ni Anna sa kanyang ina ay tila wala siyang naramdaman. Maliban sa tumutulong patak ng luha sa kanyang mukha.

"Matalino ka ngang bata ka, wala ka namang matinong isip pag nandito ka sa bahay!"

Malungkot niyang tiningnan sa mata ang ina. Wala siyang nakitang anumang bakas ng galit mula dito. Kungdi purong kalungkutan lamang.

"Akala mo ikaw ang nahihirapan? Akala mo ba ikaw lang ang laging nasasaktan?"

Napansin pa ni Anna ang mga pasa sa braso sa ina. Hindi lang isa. Kungdi higit pa sa dalawa.

Maingat na hinaplos ni Anna sa pisngi ang lumuluhang ina.

"Inay. Tahan na."

Napatigil ang ina nito sa tinig ng anak.

Sa sandaling iyon, doon nila napagtantong buhay pa sila. Humihinga.
Ng sobrang hirap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BandanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon