«< “2 Months before Bago magising si Jiro” >»
Natutulog ako sa tabi ni Jiro ng magising ako Dahil dumating iyong nurse na regular na nagchecheck sa kaniya.
“Miss Sy, Ang tiyaga niyo naman pong magbantay sa kapatid niyo. Hindi po talaga kayo umaalis sa pagbabantay sa kaniya noh.”
"Siyempre naman. Baka kasi dumating dito yong ahas na girlfriend ng kuya ko noh! Alam muna off limits siya dito!.”at hindi ako papayag na mahawakan niya ang kahit isang daliri ng kuya jiro ko,. Kaya nurse shiela bantayan nyo siyang mabuti kung ayaw niyong mawalan kayo ng trabaho.”
“Opo Miss Sy huwag po kayong mag alala dahil hinding hindi siya makakatapak sa Hospital na ito”
“Dapat lang!. Dahil masama akong magalit. Tandaan niyo ako pa din ang may pinaka malaking namana sa ari arian ni Mr. Alejandro Sy. Ang may hawak ng 50% sa lahat ng mga ari arian niya. Kasama na ang hospital na ito. At FYI nurse siya nurse shiela, Mrs. Sy na ngayon ang itatawag mo sakin. Dahil ang lalaking ito ay pagmamay ari ko na.” sabi ko sa ma awtoridada na tono with crossed arms.
“Opo, Mam, este Mrs Sy. Sabi ni Mrs Sy.”
“Okay! Ngayong nasabi ko na, sabihin mo na din sa lahat ng doctor na ng aassist sa asawa ko ay Mrs. Sy na ang itatawag sa akin. Pero huwag na huwag niyong sasabihin kay mommy ang mga pinaggagawa ko dito.“
_______________________________________”””””””
May 28, 2017, 4:00pm
Bumalik ako sa Hospital galing mansion para lang kumuha ng damit namin ni Jiro. Bago pa man ako pumasok sa kwarto namin na puno ng body guards ay nakasalubong ko angdalawang doctors at tatlong nurse na nakangiti sa akin.
“Mrs. Sy Gising na po si Mr. Jiro Sy. Kaya lang po nagkaroon po siya ng amnesia, isang klase Ng common amnesia na kapag na pagkatapos maaksidente at ma coma ay biglang mawawalan ng ala-ala. ”
“What?” – ang tanging nasabi ko sa sobrang shock.
“Don’t worry Mrs. Sy. Dahil it only takes 5-6 months. Hindi niyo siya kailangang madaliin para maalala ang lahat dahil mas makakasama sa kaniya kung pipilitin niyang maka alala agad.
“Bawal sa kaniya ang sobrang pag iisip….”
“Ma stress…”
“Sooner or later maaari rin siyang makaramdam ng mga severe illness or high fever at paminsan minsan na pagsulpot ng migraine…”Pagkatapos magsalita ni Dr. Allen Lagradilla ay dumaretso na ko sa room ni Jiro kung saan may 3 body guard na nagbabantay.
“Jiro…..” sabi ko pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit.
Salamat naman at nagising ka na. Sa loob ng 6 months hindi ako nawalan ng pag asa na hindi ka na magigising. Araw -araw at bawat oras ay pinahahalagahan ko. Bawat minitong lumilipas ay naghihintay ako na magising ka. Halos hindi na ako umaalis sa tabi mo dahil gusto ko sa oras na magising ka ay nasa tabi mo ako.
Sa wakas natapos na rin ang paghihintay ko.- sabi ko sa aking isip ng bigla siyang magmulat ng kaniyang mga mata.
“Sino ka?” ang sabi ni Jiro sa akin.
“Jiro…..”- Sabi ko sa tonong tila maiiyak habang nakatitig lang sa kaniya at sinabi ulit na… Ako ito si Ayanah…
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Your wife….”“Asawa? May asawa na ako?”, sabi niya na tila kumunot pa ang noo ngunit wala pa ring nababanaag na emosyon sa mukha niya.
"Oo. Mahal kong asawa, Salamat at gising ka na." Sabi ko at niyakap siyang muli.
I wasn’t expecting na paniniwalaan niya agad ang sasabihin ko. Na asawa ko siya. Kaya naman nakabuo agad ako ng idea na kahit sa pagkakataon na ito ay maranasan kong maging asawa niya. Wala naman sigurong masama. Isa pa solong solo ko so Jiro dahil nasa overseas si mommy at after 3months pa ang uwi niya. Si hanah ahas naman ay nagpakalayo layo mula ng makatanggap sa akin ng 20 millions.
__________________________________________
Para sa mga minamahal kong readers. Huwag po kayong mag alala dahil mabilis po akong mag update ng new chapter. ... pero mas ganado po ako kung makikita ko po na may nagkocomment at nagvovote ng bawat chapter.
Please i need your support.
Truly yours,
Ms. Ynel aya Racuya
KAMU SEDANG MEMBACA
He changed me
Teen FictionPaano kung mabigyan ka ng pagkakataon na makasama at maging asawa ang taong pinapangarap mo? Ng maaksidente sila Jiro lee Sy at Ayanah Lee Sy sa isang car accident ay nagkaroon na ng malaking pagbabago sa buhay nila. Nagka amnesia si Jiro Lee Sy na...