1:My Job

35 1 0
                                    

Ako si Maxine Evo, also known as Cupid, tinutulungan ko ang mga tao sa paghahanap ng paraan sa pagliligaw sa mga Love nila, sometimes i suceed, sometimes i fail pero di nila ako sinisisi.. mabait sila sakin

Mas gumaganda na ang trabaho ko ngayon kahit highschool padin ako, madami na ang humihingi ng tulong sakin sa pagliligaw sa mga kanilang mahal.. tsk ang galing ko noh?

.

Sa kaka-salita ko ay nalagpasan ko na pala yung gate, minsan pala ang clumsy ko hehe ayun bumalik ako at pumasok narin ako sa loob ng campus

Walang nangbabati sakin pagpasok ko, hindi na nga nangbabati pero iniirapan naman nila ako, yung ibang babae nagiinarte at yung mga lalaki ay pinagtatawanan ako, di kasi nila alam na ako yung cupid na hinihingian nila ng tulong..

.

Speaking of tulong, pagbukas ko talaga ng locker ko andami nanamang papel sa loob, yung iba umaapaw at may konteng naghulugan, malamang napangiti ako

Hindi sapat yung oras ko kaya kalahati lang ang tinignan ko sa mga papel nila na shinoshoot nila sa loob..

' Dear Cupid,
           Hindi parin ako pinapansin ni crush, ano pong gagawin ko? Baka po kasi tawagin ako nilang papansin dahil sakanya, kailangan ko po ng tulong niyo!
                                    Locker 286 '

Kumuha ako ng maliit na papel at nireplayan ko naman siya..

' Dear Locker 286,
           Ah ganun ba? Try mo siyang tulungan sa mga ginagawa niya PAG kailangan niya lng ng tulong, kung malakas ang loob mo, try mo maging sweet at lambingin mo siya ng onte onte.. diba sabi nga nila try and try until you suceed? ;) '

Tinupi ko yung papel hanggang sa maging maliit siya at shi-noot ko naman yung papel sa locker niya.. napangiti ako ng parang baliw, natutuwa kasi ako na may natutulungan ako..

Tinignan ko pa ung mga ibang sulat nila sakin at agad ko namang nirereplayan, konte nalang oras ko eh.. kaso may nakita akong isang letter, di ko pa siya nakikita eh..

' dear cupid,
          Bago po ako dito sa school at may nakita po akong babae.. parang nafafall na po ata ako sakanya, ano pong gagawin ko? I don't understand this feelings po eh..
                                      Locker 235'

"Locker 23..5?" Paglingon ko sa kanan katabi ko lang pala yung locker niya, napalunok naman ako pero ewan ko kung bakit..

Sa sobrang alala ko na baka malaman niya na ako sa cupid, di ko siya agad na replayan. Tinupi ko nalang ung sulat niya at nilagay sa bulsa ko, malapit narin mag time kaya nilock ko na ang locker ko at dumiretso na sa classroom ko..

.

Pag pasok ko talaga ng classroom, agad naman akong binatuhan ng papel na bola sa ulo.. napa pikit ako sa inis..

"Bes! Bakit ba kasi ang tagal mo ha? Di na tayo nakapag kwentuhan eh.. malapit na si ma'am!" Sumimangot siya

"Litse puwede naman tayo mag-usap mamayang break eh! Litse gagantihan kita" nag-gulp siya at agad ko naman siyang nilapitan.

"Uyy!! Wag wag! M-Masakit! S-Sorry naaaa!!" Agad niyang tinakpan yung muka niya pero dahil masmalakas ako sakanya, natanggal ko yung kamay niya at hinawakan ko ng mahigpit..

"Huli ka.." ngumiti ako at fini-lick ko yung noo niya ng malakas, yan pareho na kaming namumula yung noo pero mas namumula yung kanya hehe

"Aray!! Mashakit ah.. magpapabangs na nga ko para di mo na tamaan yang malapad na noo ko.." sumimangot siya tas natawa naman ako..

Cupid 'Love Making' (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon