*Beep Beep*
.
.
.
.
.
.
.
*Beep Beep*
.
.
.
.
.
.
.
*BEEP BEEP!*"aaghhh!!!!!" Tumingin ako sa celphone ko at pinatay yung alarm..
"teng ene 5 palang! Grabe ah, lintek dapat 6 yan eh.. 7 pa ang pasok ko eh lintek yang alarm nayan-" biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko, lintek di pa ko tapos mag mukmuk dito eh!
"Huy pede ba manahimik ka?busit 5 palang ng umaga.." tas bigla akong inirapan, pagkatapos ba naman ako sigawan iirapan ako?
"Eh kasi naman iniba mo pa yung oras ng alarm ko kagabi eh!! Kuya naman, sabi na ikaw yun eh.." inirapan ko siya at bigla naman siyang nag pigil ng tawa,tss sabi na..
"Eh! Bat ka tumatawa? Wala namang nakakatawa eh.. lintek kasi eh hays!" Ayun nababaliw nanaman ako, sinasabunutan ko nanaman ang sarili ko..
"Anong tumatawa? Di naman ako tumatawa eh, at tsaka anong alarm? Ni nakalock nga yung pintuan ng kwarto mo eh.." natawa nanaman siya, baliw na ata si kuya eh..
"Iihh!! Basta alam ko ikaw yun, layas goodnight!" Humigi ako at nginitian niya ako..
"Ganda pa ng wallpaper mo ah, si Gong Yoo sosyal.." lintek toh!
"Tapos ang password 'I labyu gong yoo uppa!!' haha grave.." langya, tumatawa pa!
"tapos yung tinignan ko yung pictures, ay grabe edit pa mor-" tinakpan ko yung buong bibig niya gamit kamay ko at sinamaan ko siya ng tingin..
"Sige magsalita ka pa, tatanggalin ko lahat ng ngipin mo.." tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya at bumaba nalang, lintek panira ng araw..
Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng bowl at cerials, umupo ako sa kainan at kumain na.. binilisan ko yung pag-kain ko kasi gusto ko ng umalis at iwanan si kuya..
"Uy dahan dahan lang babae, mabubulunan ka nan.." nginitian niya nanaman ako ng nakakainis pero di ko nalang pinansin, panira ng araw..
Binagsak ko yung pinggan ko sa table pero di naman ganun kalakas, baka mabasag eh, tas nilapitan ko siya.
"Mr. Troy Evo, don't mess with this girl kasi this girl will make sure na ikaw ang gagawa ng sarili mong bangkay hm?" Ayun napalunok siya, kinuha ko ulit yung pinggan ko at nilapitan siya ulit..
"Matuto ka kasing gumalang sa maganda.." binigay ko sakanya yung pinggan ko at umakyat sa kwarto para maligo, syempre may sarili akong banyo..
.
Naligo na ko at nakapag bihis narin,inayos ko na yung gamit ko tas nakita ko nanaman yung sulat ni Locker 235...
"Ano bang gagawin ko dito?" Kinuha ko yung papel at tinitigan to..
"Replayan ko ba or wag? Naka break kasi ako eh, or tumulong nalang kaya ako ulit?" Nilagay ko yung papel sa bulsa ko ulit
"Hayss not today.." sinabit ko na sa likod ko yung bag ko at bumaba na..
Teng ene ngayon palang kumakain si kuya? Tss yan kasi..
"Uyy weyt mo ko~.." binilisan niya kumain, litse nabubulunan pa nga eh..
Nakaka-awa naman pero he didn't learn the lesson yet..
"Kuya malelate na ko eh, una na ko ha?" Tumawa ako ng masama at mahina at tumakbo palabas..
"Uyyyy!!!-" sigaw niya na rinig na rinig sa labas, haha yan kasi..
.
"Hi bes!" Agad naman ako sinalubong ni Racy, napatalon ako..