AVERY'S POV
Nandito ako ngayon sa kusina namin inaayos ang laman ng bag ko dahil first day of school namin ngayon.
"
Bat ang Dami naman ata nang laman nang bag mo Anak?" - Daddy
"Dad I just want to be prepared", sabay ngiti sa kanya "Paabot nga nung Libro ko Dad ayon oh", Turo ko sa libro na nakapatong sa lamesa malapit sa kanya.."Thanks Dad"..
"Kumain Kana Anak"-Mom
"Sa school nalang po ako kakain Mom sabay nalang kami ni Madison tsaka hindi panaman po ako masyadong gutom"sabi ko...
"Oh Sige , Basta make sure nakakain ka don okay?"
"Okay Mom , Alis na po ako Mom, Dad Bye" sabay halik sa pisngi nila
"Ingat" sabay nilang sabi
Lumabas na ako nang bahay pagkabukas ko nang pinto nakita ko kaagad si "Madisonnnnnnn!!!!!" sigaw ko Kumaway naman siya sabay ngiti hahahahaha nasa tapat siya nang gate namin.Kaibigan ko yan si Madison magkaibigan na kami since Grade 8 ngayon we're turning Grade 11..
"Musta Bakasyon mo?" tanong niya
"Ok Lang , Sayo?
"Mmmmm Same" Tatango pang sabi niya" "Let's Go" sabi niya tango nalang ang sinagot ko sakanya tas sumakay na kami sa sasakyan niya
Sa sasakyan ako ngayon ni Madison sasakay , may sasakyan naman ako It's just that tinatamad akong mag-drive hahahaha , nag-kwentuhan lang kami sa loob nang sasakyan niya habang nakikinig nang music..
"Sino kaya magiging kaklase natin ngayon?" Biglang tanong ko sabay tingin sakanya..
"Ewan ko , sana yung mga matitino yung mga utak yung magiging kaklase natin Hindi gaya nung last year ang gulo ang sakit sa ulo hahahahaha Tas palagi pa tayong pinapagalitan hahahaha"
"Hahahahaha oo nga , Sana..." sabay tingin sa labas nang bintana nang sasakyan "Oh! Nandito na pala tayo eh"
Pinark niya muna yung sasakyan niya , Tinanggal ko muna yung seatbelt ko tsaka lumabas nang sasakyan
"Tara?" - Madison
"Mmmm" - Sagot Ko
Papasok na kami nang school at mukhang tapos na yung ceremony marami na kasing mga students na palakad lakad dito sa hallway at ang iba naman ay hinahanap ang kanilang mga sariling classroom..
Umakyat muna kami sa hagdan at nakita na namin yung classroom namin.."Nandito na pala mga kaklase natin eh at mukhang matitino hahahahha" bulong sakin ni Madison
"Hahahaha Marinig ka nila uyyy..Don tayo" turo ko sa dalawang bakanteng upuan na malapit sa bintana "Tara" yaya ko sakanya umupo na kami sa upuan namin at pagka upo namin na pansin ko kaagad si "Liam!!??"
Napatingin naman sakin si Madison at tumingin din ako sakanya nanlalaki yung mga mata niya hahaha crush kasi ni Madison yan hahaha "Oh?!! Avery, Madison??? Naks! Mag kaklase ulit tayo" "hehehege Hi" sabi ko "H-Hi" - Madison tumango naman siya at ngumiti at tumalikod na dahil nandito na ang teacher namin..
"Good Morning Miss" sabay sabay naming sabi
"Good Morning everyone..May Bago pala tayong student , Please come in" sabi ni Miss at may pumasok na isang lalaki?? O_O wadapak si??
"I'm Jackson Smith , Nice to meet you"