Hihintayin Kita

804 12 0
                                    

Gusto kita, pero di ako susugal.
Panunuorin kita sa kung san tayo magtatagal.
Kung san may matatakbuhan ka
May malalapitan pa.
Hayaan mong mahalin ka ng iba,
At mahalin mo rin sila.
Habang ako ay minamahal ka
Nang nag-iisa.
Sa bawat pagbagsak ng oras, na kailangan mo ng yakap.
Sa pangungulila ng iyong palad.
Nandito lang ako.
Nakatayo.
Naghihintay sayo.
Ngunit wag kang mag-alala,
Dahil hindi na aasa pa.
Dahil wala naman akong dapat asahan pa.
Masaya na ako dito.
Kung san mapagmamasdan kita.
Gusto kong maging saksi,
Saksi sa pag abot mo ng pangarap.
Habang ako ay mananatiling nakatayo at pinagmamasdan lang ang pangarap ko.
Kaya sige na, humakbang ka. Huwag kang matakot.
Damhin mo ang saya na dulot niya at hayaan mong matikman ang pait na dulot niya.
Pero wag kang mag alala dahil di ka nag iisa.
At kapag dumating ang punto na pagod ka na,
Kapag sobrang sakit na at hindi mo na kaya
lumingon ka lang sa likod mo sinta
At yayakapin kita.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon