Dug dug...
Dug dug...
Dug... Dug... Toooooooooooooot!
"So that will happen if you sliced through a wrong vein, future surgeons in this room will have that as their worst nightmare. Because that is against the vow surgeons take, we save lives" sabi ni Ms. Ho habang tinatanggal nya yung gloves nya at inadjust ang projector papalayo sa tinorture nyang puso ng baboy. Well, torture naman na pag mali yung naputol na vein 'di ba? Kawawang puso, buti wala na sa baboy
Hindi naman kami surgeon students pero cardiovascular system na ang pinag-aaralan namin. Natapos na rin kasi namin yung diseases sa system na 'to. Medyo kadiri, kaunti lamang pero malala kasi malapit sa puso. Alam mo naman pag puso na ang naapektuhan, grabe na ang results sa galaw ng tao.
'Pag brokenhearted nga eh kung ano-ano pinagsasasabi, pati pinaggagagawa, pati na rin pinag-iiisip. O 'di ba? Puro tatlo? Pero uyy! Di ako three-timer, loyal 'tong babaitang 'to.
"Mikaela Janette Aishi Gil?" Tawag sakin ng prof.
"Yes, ma'am?" Sagot ko bigla habang natayo, masama na mga dai pag di kayo attentive at alert sa klase ni Ms. Ho, lupet nito magalit.
"Report on your dissection with Mr. Ang" biglang tango niya sakin na sinasabing mag-explaim ako
"Ah yes ma'am. We didn't have that much of difficulty as we follow your instructions earlier on with how to slice certain muscle and seeing the interior of the subject's heart. I felt lucky that you paired me with someone who has light hands that cut precisely. There is something that we noticed while we were dissecting, the aorta of our heart has some black objects in it. We concluded that the mammal who owned it had a heart disease." Tapos tingin sa partner ko na nakatunganga lang sakin saka thumbs up habang nakangiti siya.
"Astig mo dun kanina Ja, I mean, kaya ko naman mag-explain ng ganon pero medyo tulala talaga ako ngayon eh" ani Felipe habang naglalakad kami papuntang canteen. Nagsabay na kami since magkatropa din naman kami na nagsasabay pag lunch.
American style ang classes dito, mahigpit din sila sa attendance ng mga estudyante kung kaya't maramin guard at libreng professors na naglilibot ng halls. Ang pinagkaiba lang naman nito ay bawat klase namin ay may sariling shelf kung kaya't naiiwan doon ang mga libro ko kapag walang assignment or future project o exam na kailangan kong pag-aralan.
"O bakit na naman? Kay AJ ba? Matagal na kaya yun, halos taon na. Binabagabag ka na naman ba nung babaeng yun? Sabihin mo na para maupakan ko." Sabi ko habang papasok kami ng canteen. Napabuntong hinga na lang siya at nauna na dahil nakita niya na yung kinauupuan nung dalawa pa naming tropa.
"Uyy bakit nakasimangot tong kambeng?" Sabi ni Gino habang marahang sinuntok ang balikat ng kasama ko papunta dito.
"Ano meron jan?" Bulong sakin ni Sabrina at nginuso yung pwesto ni Felipe.
Lovelife. Sabi ko ng walang tunog at hinugot na ang baon ko na may kasamang paper works. Ohh my yummy, itlog na maalat na may dilis at bagoong 😍😍
Sumubo muna ako ng isa bago ilagay ang ulam ko sa gitna. Ganito kami nila Gino, Felipe, at Sabrina, parang may maliit na fiesta pag lunch break. 45-minutes din kasi ito kaya mahaba-haba ang kwentuhan o kaya review. May mga klase kami na magkakasabay...
"Parang timang kanina yung kaklase ko......." Panimula ni Gino na nag-fade out na lang sa tenga ko kasi inaayos ko pa lahat ng ginagawa ko. Narinig ko na lang silang nagtawanan tapos ako subo lang ng subo ng baon ko. Nakakagutom po talaga pag laging ginagamit ang utak at katawan, pero mapayat pa din po ako huhubells :((
BINABASA MO ANG
Nine In The Afternoon
Teen FictionSabi nila, bata pa daw ako, marami pa akong makikilala, magagawa, makikita, at sandamakmak pang problema ang aking makakaharap. Magsaya lang daw ako at huwag seryosohin ang mga bagay-bagay, pero sa panahon na sinasabi nila iyon sa akin, hindi mapigi...