Chap. 2.1 (I Think I'm In Love)

3 1 0
                                    


5 buwan nang nakalipas, wala pa ring asenso sa pag-move on? Mikaela Janette Aishi Gil naman! Isa kang matalinong bobo.

---

Flashback

May 2015

Natapos ko ang grade 7 ko ng medyo maayos. My grades are okay as well as my performance in academic and in extracurricular activities. Sinipag din ako na kunin ang summer classes ng isang 10th grade teacher sa science and math. Di naman ako bagsak sa subjects na yun pero gusto ko kasing ma-experience na maturuan ng isang Mr. Garcia.

Appearance-wise? He looks like a genius. Kung iniisip niyo na glasses and jologs outfit? Malapit na. Nagsusuot si Sir Garcia ng vests and panotskie na siya. He has a lot of bangles and bracelets on his left arm and some rings on the right, and according to him, it's for luck. Para sa isang guro na halos pruweba ang itinuturo, naniniwala si Sir Garcia sa swerte. Charms niya rin yun simula nung nangibang bansa siya.

Mr. Albert Garcia is a graduate of BS Chemistry out of 3 people who graduated in his batch. Nagsimula sila sa 100 students, to 50, to 25, to 10, at 3 lang ang gumraduate. Halos lahat na rin ng info ay kinukuha sa kanya lalo na yung ipanglalaban sa quiz bee.

Sa totoo lang? Nakaka-drain makinig sa isang lesson na hindi pa itatackle sa Science and Math sa susunod na taon. Very draining! Ang nakakaloka pa, nag-try out din ako this summer sa badminton. Nakapasok naman ako at may iba akong kakilala doon.

"Coach Ruiz! Pahinga po muna ako, kakagaling ko lang po kay Sir Garcia" tinanguan na lang ako ni Coach at bumalik sa pakikipaglaro niya sa isang senior player. Nagbihis na'ko at nagpahinga sa gilid.

Nagtatali ako ng sapatos ko nang may nakita akong case ng chess. Hindi yung rectangle na briefcase pero yung cylindrical. Pano ko nalaman? May nakadrawing na chess...

"Janette! Kalaban mo si Florenz, boy, easy-han mo lang dito ha? Baguhan 'to" biglang kindat ni coach

"Grabe coach, hindi kuya, gawin mo lang best mo"

Siya unang tumira nun at medyo sablay pagka-receive ko. May iba rin kasi akong ka-varsity na nagpapahinga at nanunuod ng laban.

Putek!

Receive ulit ako, medyo naging okay naman na ang balikan namin nun. Ang kulit nung reaksyon niya pag di ko narereceive. Napapasuntok siya sa hangin at napapasigaw. Adik lang? Haha...

"Ooooohh~"
"Patay ka boy!"
"Anyare sayo???"
"Wala na, talo na yan"

Nagkumpulan yung iba kong kasama sa kabilang end ng bench, mukhang may nag-chess. Umupo na lang ako sa may likod banda ni Florenz kasi halos occupied na si gilid tapos sa likod naman ni Nick, puro matatangkad na mga tao na, di nako makakasilip. Kaya inusog ko na lang yung ibang bag.

Hindi ko alam kung paano yung laro pero ginalaw ni Nick yung parang may korona sa may gilid banda.

"S***! Ayoko na! Bukas na lang" biglang sigaw ni Florenz. Napaatras naman ako kasi gumalaw siya. NAKAKABIGLA KAYA! Nag-ayos na lang ulit ako ng gamit ko kasi papatapos na rin naman na. Magaala-sais imedya na rin kasi. 6:14 pm to be exact.

"O, tabi na jan chicks. Manok amp***" sabi ni Sherwin. Puro mga ka-batch ko kasi yung iba, halos kahat sila. Yung iba ay kaklase ko nung gumraduate ako ng elem, yung iba sobrang kulit, yung iba sobrang active sa extracurricular activities.

Nine In The AfternoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon