Chap. 2.2 (Crush)

1 0 0
                                    


"Balita ko nga ang galing mo raw kumanta"
.
.
.
Wushuu... Bolero

---

"Medyo matagal na rin kaming nag-uusap ni Renz. Napapadalas lang sa chat kasi halos busy na rin ako sa mga contests at lessons ko.

I-compare mo ako sa kanya, basta magawa niya lang ang kailangan, ipapasa niya na agad.

Lalo na nung isang beses na pinagalitan ko siya kasi hindi niya pa pinapasa yung Physics module niya, 'di pa rin nagagawa, hayyysst." Pagpapatuloy ko ng kwento kay Eli...

Continuation of Flashback

Maingay nung araw na iyon sa lahat, classroom, hallway, gym; yung building kasi namin, katabi nung old gymnasium ng school, at dun ginaganap ngayon ang Sports Festival ng Lower Basic Education Department.

Habang papasubo ako ng baon ko...

"Gil! May natawag sayo... Si D'Antonio, may kailangan ata..." Sigaw bigla nung isa kong kaklase.

Itinaas ko na lang yung isang kamay ko na nagsasabing 'sandali.'

Lumakad ako papunta sa back door habang naghihintay siya sa may hallway.

Masyado kasi istrikto sa pagpapapasok ng ibang estudyante sa classrooms. May mga narereport na rin kasi na mga nawawala after break time, kaya minarapat na lang ng buong department na restricted ang entrance ng students na hindi taga-roon.

"O, bakit? Break time ahh, bakit di ka pa kumakain? Busy ako, nangabala pa..." Ganito kami mag-asaran. Masyado intense.

Sa totoo lang, di mapigilang tumalon ng puso ko sa tuwa na pumunta pa siya sa classroom, ewan! Nababaliw na ata ako... Marinig ko lang yung 'Florenz' o kaya 'D'Antonio' nasa olympic race na yung puso ko.

"Eh kasi ano... Ikaw lang naman ka-close ko sa klase niyo, tsaka kaklase mo si Louise o!" Biglang nguso niya sa may looban pa ng classroom.

Di ko mapigilan na tarayan na lang siya dahil sa gutom ko.

"Ano pinunta mo dito?"

"Pabigay naman nito o..." Biglang abot mg nakatiklop na papel.

Tinanguan ko na lang siya at pumasok ulit. May mga nakatamabay pa kasi na mga kaklase ko sa pintong yun kaya naiwang nakabukas, kaya sumilip siya.

Wala talaga ako sa mood, siguro gutom lang to... Ang sabihin mo, hindi para sayo yung binigay ni D'Antonio.

"Louise... May nagpapabigay" sabay abot, aalis na sana ako nang magsalita siya.

"Kanino galing?"

"Tingnan mo na lang, baka nakasulat sa loob" katabi niya rin yung iba niyang kaibigan kaya nagtinginan sila kay Louise at sa hawak niyang 'misteryosong' papel...

*ding*

Messenger... Kanino na naman galing to? Alam namang may ginagawa eh.

D'Antonio

Yan pa lang nababasa ko, tumalon na ng 2 beses na mas mabilis yung puso ko. Parang binuhusan ako ng mainit na tubig dahil nag-init yung buong katawan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nine In The AfternoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon