Chapter Twenty

1.1K 46 6
                                    


Hi, Shy-Little-Me!!! This one is for you dahil excited ka rin sa mga updates ko kahit na laging matagal hehe. At syempre sa mga silent readers, thank you, guys. Love you.mwahh!!!

Chapter 20

"Ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit dis-oras ng gabi eh, nandito ka? Tapos pinuwersa mo pa 'yong pinto? Paano mong ginawa 'yon? Ang tibay ng pinto nayun ah." Hindi ko napigilan ang sarili ko na paulanan ito ng mga katanungan. Hindi naman ito kumikibo. Tinatapunan lang ako ng sulyap habang ngumunguya. Taas naman ang mga kilay ko habang nakatunghay rito at naghihintay na sumagot ito.

Nang ilang minuto na ang lumilipas at wala pa rin itong sinasabi ay muli kong ibinuka ang bibig ko upang muling tadtarin ito ng katanungan. Naiirita na kasi ako eh. Maano ba kasing kumatok na lang siya kanina at nang hindi na niya sinira yung pinto. Ngayon ay kailangan ko pang ipagawa iyon.

Kaso lang bago may lumabas na tunog sa bibig ko ay itinaas nito ang isang kamay na may hawak na tinidor.

"Ooppss! Teka lang. Hindi ko pa nga nasasagot ang sangkaterba mong tanong kanina, may susunod na naman? Relax," anitong tila nang-aasar ng nakababatang kapatid na makulit. Nakasimangot na inirapan ko ito. Mas matanda kaya ako sa kanya. Kahit na ba tatlong buwan lang iyon. Mas matanda pa rin ako.

"Una, hindi ko sinira ang pinto. Andun pa rin yung susi sa pasimano sa itaas ng bintana, remember? I used that key."

Nanlaki ang mata ko. I never realized the key was still there. Si Mommy Tita ang naglalagay niyon doon. Wala siyang kaalam-alam na minsan namin siyang nakitang inilalagay doon ang isang susi. Kung ganoon pala ay naroon pa rin iyon hanggang ngayon?

"Pangalawa walang nangyari sa'kin. Kaya ako nandito ay dahil sa tumugtog ang banda namin d'yan lang sa kabilang village. Sa halip na makitulog ako sa mga kaibigan dumeretso ako dito. At hindi ko naman akalain na sobrang excited kayong makita ako." Pagkasabi niyon ay ngumisi ito.

"Malay ko ba na ikaw 'yon. Akala ko may nakapasok na magnanakaw eh." nanghahaba ang nguso ko. "Puwede ka namang kumatok."

"Ayoko na kasing abalahin kayo ni Nana Lucia."

Ipinaliwanag ko naman na nag-iisa ako. Taas ang mga kilay na napalingon ito kay Cedric.

"Kadarating ko lang ng matanaw kong nakabukas ang pinto. Nag-alala kasi ako. Alam kong nag-iisa si Diana. Tinext ako ni Nana Lucia at sinabi ngang umuwi sila ni Elena." Mabilis na paliwanag ni Cedric sa presensya nito dito ngayong gabi. Lumipat sakin ang tingin ng pinsan ko at saka muling itinaas ang mga kilay. Tila nanunudyo pa. Parang gusto kong kutusan eh.

"Sinabi mo eh," anitong halata namang hindi naniniwala. Mayamaya ay tumayo na ito at inilagay sa lababo ang pinggan at basong ginamit.

"Antok na 'ko. Saan ako matutulog?" Tumalikod na ito sa amin at naglakad palabas ng kusina.

"Syempre sa dati mong kuwarto," sagot ko kahit na wala na ito paningin ko. Meron naman kasi itong sariling silid kapag nagbabakasyon dito. Tapos kami naman ni Ate Julienne ay palagi nang share sa bedroom ko kahit na nga may mga bakanteng silid. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang yabag nito paakyat sa taas.

Ang lakas ng naging buntunghininga ko pagkaalis nito. Bagay na hindi nakatakas kay Cedric na nasa tabi ko lang.

"Okay ka lang?"tanong nito. Pagkatapos ay naramdaman ko ang isang palad nitong humahagod sa balikat at likod ko. Hindi ko napigil ang mahinang ungol na lumabas sa bibig ko. It just felt so good to feel his hand on my back. At dahil nahalata nito na nagustuhan ko iyon higit naman nitong pinagbuti ang paghagod sa likod ko.

All I Need is You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon